JAMAICA's POV
"Jam, wait!" lumingon ako sa likod at nakita kong hinahabol pala ako ni Eadlyn.
"Ba't ka sumunod?" tanong ko.
"Ba't mo sinabi yun?" tanong niya. Di niya pinansin yung tanong ko.
"It's true. She's too over-protective. Pero nakakainis na kasi nagcoconclude siya na may lalake akong katext which is not true." sabi ko.
"Did you consider how would she feel? Yeah, it's true. But you shouldn't snap at her like that. Over-protective siya kase ayaw niyang iwan natin siya dahil sa isang lalake. You should be considerate, alam naman natin ang kahinaan niya diba?" aniya.
"You should also considerate how would I feel. Bakit ba kailangan niya akong sermonan eh wala naman siyang alam diba?" inis na sabi ko.
"Hindi niya sinasadya. Nag-aalala lang siya." pahayag ni Eadlyn.
"Oo nga, nag-aalala siya. Pero wala siyang karapatang pagsabihan ako ng ganun. Buhay ko 'to." sabi ko.
Huminga siya ng malalim. "Uwi na nga tayo. Mas mabuti pang mag-usap kayo." sabi niya.
"May lakad ako." sabi ko habang kinapa yung bulsa ko. Oh ghad, hawak pala ni Violet yung phone ko.
"Where to?" tanong niya.
"Sa bahay ni Felicite." sabi ko at nagsimula nang maglakad. Teka, di ko naman alam ang address eh.
"Jam!" tawag ni Eadlyn.
"Wag mo akong iwan. Ihatid mo muna ako." sabi niya habang ngumunguso. Pumayag naman ako. 3:57pm pa. May oras pa ako.
Fast forward...
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko at nagbihis. I slipped my black shorts and my white off shoulder, sinuot ko kaagad ang sneakers ko. Pagkatapos kong mag-ayos pinuntahan ko si Lisa na kumakain ng chicharon habang nanonood ng TV.
"Si Violet?" tanong ko.
"Nasa kwarto niya. Mag-usap nga kayo. Magkaibigan tayo eh dapat hindi tayo nag-aaway. Atsaka-" hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya, dumiretso na ako sa kwarto ni Violet.
*knock! knock! knock!*
"Sinabi nang ayokong kumain eh." rinig kong sigaw niya mula sa loob.
Huminga ako ng malalim. "Vi, buksan mo ang pinto." Nagkaroon naman ng katahimikan sa loob.
Maya-maya bumukas yung pinto niya. Pumasok na ako at nakita ko siyang nakahiga patalikod sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinagod yung likod niya.
"Vi?" tawag ko pero di siya kumibo.
"Violeeeet~" tawag ko ulit. Pinilit kong alisin yung kumot sa kanya.
"Violet Sy Alvarado humarap ka sa akin ngayon na!" utos ko. Dahan-dahan naman siyang umupo sa higaan at hinarap ako.
"Kung tungkol ito kanina, sorry okay? Alam ko namang-"
"Violet, hindi-" magsasalita na sana ako ngunit nagpatuloy parin siya.
"hindi ko kayang iwan niyo ako. Ayoko-"
"Vi, ganito kasi-" pinutol niya ulit ko ("-_-)
"Ayokong iwan niyo ako. Alam ko namang sumosobra ako eh pero-"
"Violet!" sigaw ko. Natigilan naman siya.
"Ayoko munang pag-usapan 'yan okay? iPhone ko?" sabi ko.
"Ah- iPhone. Tama, iPhone." nauutal na sabi nito. Para siyang baliw. Tsk. Di naman ako galit sa kanya eh. Naiinis lang. Di ko kayang magalit sa mga kaibigan ko.