CHAPTER SEVEN

7 0 0
                                    

VIOLET's POV

Ewan ko ba kung bakit naisipan kong pumunta sa bookstore. Basta gusto ko lang mapag-isa muna atsaka baka may magustuhan din akong libro kahit di naman ako mahilig sa mga ganito.

Nang umalis na sina Lisa, naglakad na ako papuntang bookstore. Wala naman masyadong tao sa NBS, perfect na perfect kasi tahimik.

Pagpasok ko sa bookstore, nahagilap ng mata ko ang isang libro. Tumakbo ako pupunta dun at agad kinuha ang libro ngunit may lalake namang humablot nun.

Nanlaki ang mata ko at agad lumingon sa direksyon nung lalakeng papunta na sa counter. Tumakbo ako papunta sa kanya at agad hinablot yung libro.

"Hey!" sigaw niya nung nasa kamay ko na yung libro.

"Hey your face! I picked it first, so I have the right to snatch it from you!" sigaw ko. Grabe, marunong naman akong mag-Ingles eh ba't parang may mali yata sa sinabi ko.

"Woah. Will you please lower your voice? You're louder than a person with a microphone." sabi niya sabay tawa ng mahina. Lakas pa talaga ng trip mang-asar ng lalakeng 'to. Akala mo kung sinong gwapo. Hinead to toe ko siya. Brunette, matangkad siya mga 5'7 o 5'8 ang height, matangos ang ilong, blue yung mata niya. Di ko mahulaan ang accent niya, British kaya siya? Parang british na hindi.

"Gemme the book." sabi niya.

"And why would I? As I remember, I'm the one who saw it first." mataray na sabi ko.

"You don't know how to read, are you?" nakangising tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Well, you see that?" tanong niya habang nakaturo dun sa "Reservation" na sign. "All books up there were already reserved, so that means I'm buying this." dagdag niya.

Sa sobrang inis ko di ko na napigilan sarili ko. "How come that this bookstore have that section?! Don't they know that some people also want a book like that?! Stupid morons!" sigaw ko nang naging dahilan ng pagtitig ng mga tao sa akin.

Inilapit naman nung lalake yung mukha niya sa tenga ko.

"Stupid. They have lots of copy there." sabi niya sabay ngisi. Agad niyang binayaran yung libro. Ako naman nainis sa ginawa niya, at the same time nainis ako sa kahihiyang ginawa ko.

Padabog akong lumabas sa bookstore. Walang hiya! Nakakainis. Pag nakita ko ulit yung lalakeng yun, di ako magdadalawang isip na bugbogin siya.

Hinintay ko ang tatlo na maka-labas sa cr. Kahit na sinabi kong ssa bookstore kami magkikita dito parin ako naghintay. Alam kong di pa sila lumabas eh.

Habang naghihintay, nakita ko yung lalake. May kasama siyang babae, mga mid 40's na yata. Siguro mama niya yun. Masaya niyang sinalubong ng yakap yung lalakeng kasama ng babae. Hula ko papa niya yun.

"Vi!" sa sobrang gulat napamura ako.

"Takte, kailangan talaga manggulat?" inis na tanong ko sa tatlo.

"Kung hindi kami sisigaw, hanggang ilang beses ka pa dapat namin tatawagin?" tanong ni Eadlyn. Iniripan ko lang siya.

"Anyare sayo? Wag mong sabihing nagmala-tigre ka nanaman? Nako Vi, pati ba naman dito?" wika ni Lisa.

"Wala na kayo dun. Tara na nga uwi na tayo." sabi ko.

"Ha? Why so early?" tanong ni Eadlyn.

"Nasira araw ko. Besides, di ba kayo napagod?" tanong ko.

"Di eh." sagot ni Lisa. Nilingon ko naman si Jamaica, naka-earphones lang siya habang nakatingin sa malayo. Agad ko siyang nilapitan at hinila ang buhok.

"Aray! Ano ba?" inis na tanong nito.

"Di ka pa napapagod?" tanong ko.

"No, not really." maikling sagot nito. Kakainis! Dapat pagod na silang lahat.

"Why not kumain muna tayo sa Nandos?" suhestiyon ni Eadlyn.

"Wala akong gana." sagot ko.

"Shopping?" tanong niya.

"No." sagot ko.

"Mag laro?" tanong niya.

"Ayaw." walang ganang sagot ko.

"Magsine?"

"Ayaw din."

"Kumain?"

"Ayaw nga."

"Hala sige magbigte ka para tapos." sabi ni Lisa. Agad ko siyang nilingon at binigyan ng nakamamatay na titig.

"Tara uwi na tayo. Pagod na yata si Violet." sabi niya at nagsimula nang maglakad. Agad ko siyang hinila at inakbayan.

"Buti naisipan mo." sabi ko at ginulo yung buhok niya.

"Ano ba Vi! Ayan tuloy, magulo na bangs ko." inis na sabi niya.

"May bagay kase tayong tinatawag na suklay, ang OA neto." sabi ko atsaka lumapit kay Jamaica.

Nakita kong may katext siya. Agad kong hinablot yung phone niya.

"Gotcha!" sigaw ko at binasa yung messages niya.

"Sino si Fizzy Wizzy?! Aba-aba, may pa-callsign pa kayong nalalaman ha! Itigil mo 'yang kalokohan mo. Bata ka pa. Ni hindi mo pa nga alam ang definition sa pag-ibig. Wag ka puro kalokohan, isipin mo muna ang kinabukasan mo wag yung puro text at iba pa. Magtrabaho ka muna." sabi ko.

"Tapos kana?" tanong nito na naka-poker face lang. Aba, sarap sabunutan ng babaeng 'to.

"Oo. Ngayon, sabihin mo sino y-" pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Gosh, you're overreacting again. Kaibigan ko si Fizzy, siya yung babaeng nakilala ko sa university ng kaibigan ni Eadlyn na si Sunny. Hala sige basahin mo yung convo namin, tutal dyan ka naman magaling eh. Di porke't may katext kami, boyfriend na agad iniisip mo. Gusto ko sana yung pagiging protective mo pero nakakainis din at the same time. Vi, di na kami, AKO bata. Alam namin kung ano ang dapat gawin, hindi naman sa lahat ng oras dapat magpaka-ate ka sa amin. May sariling buhay kami, hindi mo pinanghahawakan ito. Kaya 'wag kang umasta na parang alam mo ang lahat." sabi niya sabay walk-out. Naiwan naman kaming tulala doon. Ngayon lang namin nakitang ganun si Jamaica.

"Ako na bahala kay Jamaica. Take care of Violet, okay?" sabi ni Eadlyn kay Lisa. Tumango naman siya. Ako tulala parin.

"Vi?" tawag niya pero di ko siya pinansin.

Tama si Jam, OA na masyado ako. Masakit malaman ang katotohanan. Siguro nasanay lang ako maging 'ate' sa kanila, kase simula pa nung nabuo kami ganun na talaga ako. Ayoko kaseng iwan ako ng mga kaibigan ko dahil may mga boyfriend na sila. Pero hindi naman siguro tama yung ginawa ko. May kanya-kanyang buhay na kami. Dapat di na ako nakikialam lalo na't wala akong alam.

"Sorry" bulong ko.

"Vi? Okay lang 'yan Vi." sabi ni Lisa habang hinahagod ang likod ko. Pagdating sa kaibigan, mahina ako. Binigay ko kay Lisa ang phone ni Jamaica.

"Vi? Alis na tayo. Kanina pa tayo nakatayo dito eh." sabi ni Lisa. Huminga naman ako ng malalim at tumango.









[Bahay]











Nang maka-uwi na kami, wala dun sina Eadlyn at Jamaica. Siguro kinakausap pa ni Eadlyn si Jam, hays nakakainis nadamay pa yung dalawa.

"Gusto mo ng mainom Vi?" tanong ni Lisa bakas sa mukha neto ang pag-aalala.

"Hindi. Ayos lang ako. Magpahinga kana Liz, halatang pagod na pagod ka eh." sabi ko. "Akyat na ako."

Pagkarating ko sa kama, di ko napigilan luha ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat yung ganito. Alam kong nag-aaway kami ng mga kaibigan ko, pero iba ito eh. Kung yung away namin ay dahil sa asaran lang, ito iba 'to. Hindi ko akalaing ganun na pala ang nararamdaman nila sa sobrang over-protective ko.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog.

-

Short chapter. Sorry!

VOTE. COMMENT. & SHARE!

LOVE AT FIRST FLIGHT [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon