"Kamandag Organization Binuwag ni Darna"
Ito ang siyang naging pangunahing balita sa mga pahayagan matapos makalaya si Darna sa pagka bihag ng Kamandag. Bahagi ng mga nilalaman ng balita ay ang mga sumusunod...
"Napag alaman ni Darna ang lihim na samahan ng Kamandag sa pamamagitan ng mga tip na natanggap. Sinundan niya ang Kamandag sa hideout nito kung saan niyang napagtagumpayan ang engkwentro laban sa Mastermind at kasamang tauhan.
Nabawi ni Darna ang dalawang laptop na nagtataglay ng mga emails at iba pang dokumento na nagbigay kaalaman sa Kamandag. Matapos ibigay sa awtoridad ang mga laptop, sinamahan ni Darna ang mga awtoridad sa pag raid sa apartment ni Mastermind na siyang napag alaman na walang iba kundi si Dr. Steve Andrew, isang tanyag na doktor. Maraming ebidensya pa ang nabawi sa raid.
Sunod sunod ang pag aresto kina Gen. Bagsik at iba pang prominenteng na sangkot bilang miyembro ng Kamandag.
Nabawi din ng mga awtoridad ang bangkay ni Mastermind, ngunit sa hindi mapaliwanag, hindi matagpuan si Tina Valiente. Si Tina ang siyang napag alaman na lumikha ng Project Valentina, isang steroid na makakapag bigay ng matinding lakas sa mga tauhan ng Kamandag. Hindi pa masabi ng mga awtoridad kung ano na ang kalagayan ni Tina. Ang publiko ay binabalaan na mag inggat sa nawawalang Tina Valiente".
Sa paglubog ng araw at pag sapit ng gabi, makikitang lumilipad si Darna sa ikot ronda sa bayan. Hindi pina alam ni Darna sa mga awtoridad ang kanyang pag bihag sa ilalim ng kamandag. Hindi rin niya binanggit ang mga panghahalay na inabot.
"Okay pa naman ang gabing ito. Wala pa namang mga kilos ng mga kriminal. Marahil ay sa pag sugpo ko ng Kamandag ay nawalan ng lakas loob ang mga kriminal?", wika ni Darna sa sarili sa kanyang pag lipag.
Tuloy lipad pa rin ang lipad ni Darna nang maabot niya ang Prince Bldg., isang gusaling abandona at malapit nang gibain. Bumaba si Darna sa roof deck ng gusali para mag muni muni.
Naramdaman ni Darna ang lamig ng hangin ng gabi. Niyakap ni Darna ang sarili at pinikit ang mga mata.
"Giniginaw ako, sana kasama at kayakap ko si ..."
Hindi na pinagpa tuloy ni Darna ang ani sa sarili. Minulat niya ang mga mata at muli na namang lumipad sa ikot ronda.
Malamig nga ang gabi para kay Darna, ngunit maiinit ang mga aksyon na nag hihintay sa kanya.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Darnavela 2: Darna sa bihag ng Kamandag
AçãoSa hindi inaasahan, mabibibihag si Darna ng Kamandag. Dito, matutuklasan pa ni Darna ang mga malalagim na sekreto na yayanig sa kanya.