Chapter 2 - The House

301 27 10
                                    

Daniel's POV

Nandito kami ngayon sa gubat at lakad lang ng lakad. Napakadilim ng gubat at parang wala na itong katapusan.. Malakas ang ihip ng hangin kaya napakalamig ngayon..

"Uy! Ced! San ba yung sinasabi mong bahay?" inis na tanong ni Jenny.


"Basta nakakita ako. Hindi ko naman masasaulo ang daan papunta dun agad agad noh!" sagot ni Ced.


Ano? Hindi siya sigurado kung saan ang bahay na nakita niya? Matapos niya kaming paglakarin ng pagkalayo layo?


"What? You're not even sure where is that house you saw? After you let us walk this long? What the fvck Ced!" galit na sabi ni Hanna na nakapameywang. Teka.. inenglish niya lang yung nasa isip ko kanina ah? Mind reader ba to?


"Basta sigurado akong dineretso ko lang ang lakad ko at hindi lumiko ok?" sagot ni Ced. Bumuntong hininga ako para kahit papaano ay mabawasan ang inis ko sa katangahan ng mokong na to. Tss.


"AAAHHH!!" lumingon ako sa sumigaw na si Hanna. Nasa likod kasi siya at nagpahuli. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang sanhi ng pagsigaw niya.


"Yuck!!!! Tanggalin niyo yung frog sa paa ko biliiiiissss!!!!" maarte niyang utos. Nagtinginan kaming tatlo saglit.. Maya maya pa ay si Ced na ang nagtanggal ng palaka sa paa ni Hanna.

Pinanood kong lumundag lundag ang palaka palayo sa amin ng ilang sandali hanggang sa..


"Ced! Yun na ba yung bahay?" tanong ni Jenny. Tila ba tinuro sa amin ng palaka ang bahay.. Napansin ko naman si Hanna na pinulupot ang dalawa niyang kamay sa braso ko. Kahit kailan talaga ang arte nito. Tss. Binigyan ko siya ng tingin na alam kong alam na niya ang ibig sabihin.


"I'm scared! Hindi kasi sinabi ng Ced na to na Haunted House pala ang nakita niya." paliwanag niya sa akin. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy na kaming maglakad papunta doon sa bahay.


Unica Hija lang si Hanna kaya hindi na kataka taka na ganyan ang ugali niya. Siguro dahil matagal na kaming magkakaibigan ay nasanay na rin ako sa ugali niya.


Nakarating na kami sa bahay. Tumigil kami sa tapat ng pinto. Nakakatakot nga ang bahay.. Mukhang matagal ng walang tao dito.. Napakadilim at base din sa itsura nito ay luma na siya..


"Kakatok ako." pagvovolunteer ko. Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay naramdaman ko na ang paghigpit ng kapit sa akin ni Hanna. Tinitigan ko ulit siya ng masama.


"Baka may ghost diyan Daniel! Wag na tayong pumasok." paliwanag muli ni Hanna sa akin. Kailan ba titigil to sa kakareklamo? Lahat na naiisip eh!


"Akong bahala ok? Ichecheck ko lang kung may tao ba." paliwanag ko sakanya. Hindi siya bumitaw sa akin kaya kasama ko siyang lumapit sa pinto.


*TOK TOK TOK

"Tao po? May tao po ba dito?" sigaw ko upang marinig ako hanggang sa loob. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit walang sumasagot. Kumatok ulit ako ngunit wala pa din lumalabas.

The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon