Chapter 3 - Barrio Consolacion

220 27 12
                                    

Hanna's POV

Kainis! Simula ng makita namin yung girl na yun.. nasa kanya na ang lahat ng atensyon ni Daniel.


"Kaya mo bang maglakad?" tanong ni Jenny sa girl na mangaagaw na yun. As usual, hindi siya sumagot. Lauren palang ata ang nasasabi niya this whole time eh! Daig pa ang kuripot kung magtipid.


Maayos naman siyang nakapaglakad at lumabas na nga kami sa bahay. Ang creepy creepy talaga sa loob swear! Mukha siyang haunted house na ewan. I'll never go back here again.


*BOOGSH

We stopped nang matumba si girl mangaagaw habang naglalakad. Ano ba yan! Lampa din pala to. Hay nako. I'm way better than her.


"Ayos ka lang? Kaya mo pa bang maglakad?" concern na concern na tanong ni Daniel. He never cared that much to me ever.. tapos sa isang stranger ganyan siya!? If I know nagiinarte lang yan para mapalapit sa Daniel ko eh! Tss.


"May nagseselos." mahinang sabi ni Ced. Pero enough para marinig ko. Isa pa tong Ced na to eh! Wala ng ginawang tama.


"Shut the fvck up Ced." may halong inis at diin kong sabi. Sana talaga wala nalang tao dun! Malas siya sa buhay! MALAS!

Tumaas ang kilay ko nang ipiggy back ride ni Daniel si girl mangaagaw. Wth? Never pa niya yang ginawa sa akin! Its unfair!

Hindi na ako umimik sa sobrang inis. May gusto ba si Daniel sa girl na yun? Mas close pa ata sila kesa sa amin eh! Ano bang meron sa girl na yun? Di hamak naman na mas ok ako kesa sa kanya.

Pagkatapos din ng malayo layong lakad ay narating na namin ang van. Sa pagkakatanda ko ay nakabunggo sa puno ang van.. paano nangyaring nasa gitna lang ito ng kalsada.. at ang nakakapagtaka pa ay wala na itong sira.. What the hell is happening here? I'm starting to be scared..


"Guys.. bakit ayos na ang van?.. Tsaka nasan si Leanne?" tanong ko sa kanila. Napalunok naman ng laway si Ced sa kaba. Sabi na eh! Dapat hindi na namin iniwan si Leanne dito.


"H-hayaan na natin yan. Kailangan na nating makaalis dito!" sagot ni Jenny na halata namang nagpapanic na. "Ced, ikaw na ang magdrive. Delikado kung si Daniel ulit." utos pa niya.


"Teka! Paano si Leanne?" tanong ni Ced.


"Baka iniwan na tayo nu-- asdfghjkl." hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Jenny at nilibot ang paningin ko. May weird kasi akong naaamoy. Sobrang baho! Yuck, eww, gross!


Hinanap ko kung saan nanggagaling ang amoy at.. "AAAAAHHHHH!!!!!"

S-si Leanne.. Patay na si Leanne.. Ramdam ko ang paglapit nila sa akin at palagay ko ay nakita na din nila ang malamig na bangkay ni Leanne.. Sino ang gumawa nito?..


Agad agad akong tumakbo papunta sa loob ng van at pinakalma ang sarili ko.. Hindi na kami ligtas.. Kailangan na naming umalis dito..

"Tara na Jenny! Umalis na tayo! Baka balikan pa niya tayo at mapahamak pa tayo!" sabi ni Ced. Pilit niyang hinihila si Jenny papunta dito sa van ngunit tila ayaw tumigil sa pagiyak ni Jenny.


"Hindi! LEANNE! *sob *sob Hindi natin siyang pwedeng iwan dito.." katwiran ni Jenny at ayaw pa din umalis. I don't know how it feels na mawalan ng bestfriend so hindi ko siya matulungan..


Napalingon ako sa tumayong si girl mangaagaw sa likod ko. Kaming 3 kasi nila Daniel ay nasa van na. Pipigilan sana siya ni Daniel ngunit hinayaan nalang niya ito.. Pumunta si girl mangaagaw kila Jenny.


"Wag kang magalala. Ibabalik natin siya.. pangako." mahina niyang sabi kay Jenny. Tumigil sa pagiyak si Jenny at sumakay na din ng kotse. This girl mangaagaw is really weird.. I'm starting to get scared..


Bumiyahe lang kami ng bumiyahe. Kinain namin ang binili naming pagkain dahil sa gutom. Ang dilim ng daan.. nakakatakot..


"Guys. May nakikita akong little town dun oh. Dun muna kaya tayo magpalipas ng gabi?" suggest ni Ced. Hay salamat at gumana din ang utak nito atlast! Masyado ng madilim kung ipagpapatuloy pa namin ang pagbiyahe kaya naisipan kong pumayag.


Tahimik kaming lahat sa kotse. Si Jenny ay nasa tabi ng drivers seat at malayo ang tingin sa bintana.. Si Cedric ay focus na focus sa kalsada lalo na at madilim.. Si Daniel na palagay ko ay tulog na.. At si mang aagaw girl na yakap yakap pa din ang tuhod niya hanggang ngayon.


Hindi nga siguro to mangyayari kung hindi ko sinuggest na pumunta dito.. Kahit saang anggulo ko tingnan.. Ako talaga ang may kasalanan.

Niliko na ni Ced ang van papunta dun sa little town. Mas ok dito magstay kasi madami namang tao kaya alam kong safe kami.. Habang papasok ay may nabasa ako sa gilid..


Welcome to Barrio Consolacion


Isa pala itong barrio. Hindi ko alam na may barrio pa pala sa loob ng gubat. Parang sinauna ang mga bahay dahil lahat ay kubo. Tanging apoy o apoy sa lampara ang ilaw nila dito.. Isa ata sila sa mga ethnic peoples.


Pinarada na ni Cedric ang van at bumaba sila ni Jenny. Ang sabi nila ay ipapaalam lang daw nila kung pwede bang makiparada lang kahit hanggang ngayong gabi lang. Nakita kong lumabas ang may ari ng tapat ng bahay na hinintuan namin at kinausap nila.. Hindi ko masyadong marinig ang paguusap nila ngunit nakaramdam ako ng kaba nang tumingin sa loob ng sasakyan namin ang matandang lalaki na kinakausap nila.


May bakas ng gulat at takot sa mga mata niya at agad agad siyang pumayag. Tumingin ako sa likod ko nang mawari kong hindi siya sa akin nakatingin.. I saw girl mangaagaw giving the old man a cold stare.. I'm starting to doubt this girl.. Bakit parang gulat na gulat yung matanda nung nakita siya?


Makalipas din ang ilang sandali ay pinikit niya ulit ang mga mata niya at pinatong ang ulo sa balikat ng natutulog na si Daniel. Wth? Ang landi landi niyaaa!


"Guys. Pumayag na yung may ari ng bahay.. Malaki naman ang van kaya dito tayo matutulog. Goodnight." sabi ni Ced at sinara ulit ang van. Sa sobrang inis ko siguro sa babaeng ito ay hindi ko napansin na binuksan nila ang pinto ng van. Kaasar siyaa!

"Hanna, may problema ba?" tanong sakin ni Ced.


"I'm worried on what will happen if we come back. Lagot ako kay Dad for sure.." palusot ko. Pero actually i'm really worried on whats going to happen..


"Everything will be alright Hanna. Goodnight!" sagot ni Ced. Hindi pa din umiimik si Jenny at tahimik siyang natulog. Humiga na din ako at pinilit kong matulog..

SOMEONE'S POV

Dugo.. Dugo.. Bakit may mga dugo sa kamay ko? Hindi.. Hindi ko siya pinatay.. Aksidente lang naman ang lahat. Anong gagawin ko..


Pinatay ko ang sarili kong kapatid..

**
THANK YOU FOR READING MGA FRE. Hindi po ito kathniel fanfic ok? Characters sila pero hindi sila loveteam hihi. :"> Voice out your opinions!!

NEXT CHAPTER: Conflicts.

The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon