Chapter 5 - Lauren

175 23 6
                                    

Jenny's POV

Inimbita kami ni Mang Katokleng na uminom ng tsokolate sakanila, may sasabihin din daw kasi siyang mahalaga. Gabi na at hindi na din kami makakabiyahe kahit anong gawin namin.. Mabuti nalang at may talyer sila Lola Kikay at handa nilang ayusin ito kaya baka bukas ay makaalis na din kami.

Ang babait ng mga tao dito.. somehow ay mamimiss ko din ang lugar na ito.

"Uminom muna kayo ng mainit na tsokolate mga apo at malamig ngayon." sabi ng kakarating na si Mang Katokleng. Nilapag niya ang mga tasa tsokolate at umupo din sa harap ko, katabi ni Hanna.


"Salamat po Mang Katokleng." sabi ni Daniel.


"Mang Katokleng, ano po ba ang sasabihin niyo sa amin?" deretso kong tanong matapos humigop ng tsokolate.


Inayos niya muna ang upo niya bago siya magsalita. "Tungkol ito kay Lauren." sagot niya. Nanahimik kaming lahat at inintay ang kuwento niya.


Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Tagadito ang batang iyan. Noong bata yan ay hindi naman siya ganyan.. Isa siyang masayahin at napakalambing na bata."

"Nag-iisa lang siyang batang babae sa barrio na ito kaya't sobra ang atensyon na binibigay sakanya ng mga tao dito sa barrio. Pero madalas din siyang malungkot dahil naman sa wala siyang kalaro. Hanggang sa isang araw ay pinatay niya mismo ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.. Pagkatapos nun ay tumakbo siya palayo.. palayo sa amin. Hinabol namin siya ngunit napatigil kami nang ang lahat ng mga tanim na kanyang dinaanan ay nagsibulok.."


"Kung ganun.. bakit niya pinatay ang sarili niyang kapatid?" tanong ni Hanna na halatang interesadong interesado sa kinukuwento ni Mang Katokleng.


"Ang isang demonyo ay walang puso. Nasa propesiya na yan matagal na ngunit kahit kailan ay hindi namin pinaniwalaan.." dugtong pa ni Mang Katokleng.


"Ano po ba ang nakasaad sa propesiya?" tanong ni Daniel.


"Na siya ang papatay sa aming lahat na taga barrio." sagot ni Mang Katokleng. Nakaramdam naman ako ng takot sa sinabi niya..


"May paraan po ba para mapigilan siya?" tanong ni Hanna na halatang interesadong interesado sa kuwento ni Mang Katokleng kanina pa.


"Heto." sabay labas ni Mang Katokleng na isang punyal. "Isang saksak sa puso ang papatay sa kanya." paliwanag pa niya.


Dahil sa ayoko ng marinig ang susunod ay nilapag ko ang ubos ko ng tasa ng tsokolate at tumayo. "Mang Katokleng--"


"Katokleng nalang hija." putol niya sa salita ko.


"Katokleng, saan po ba ang banyo niyo?" tanong ko. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin ni Katokleng.. mas lalo lang akong naiinis sa Lauren na yun.. Ibabalik si Leanne? Kaya pala niya yun nasabi.. dahil may itim na kapangyarihan talaga siya!


Tinuro naman sa akin ni Katokleng ang daan kaya't pinuntahan ko na iyon. Pinagamit sa akin ang banyo sa bahay nila kaya andito ako ngayon sa bahay nila at hinahanap ang kitchen dahil nasa tapat daw nun ang banyo. Pumukaw ng pansin ko ang mga display nila sa pader..

The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon