Last Chapter - The Angel

147 24 5
                                    

Hanna's POV

Hindi ko inakalang kaya ko pala iyong gawin.. sa malabuhawi na hangin ay nagawa kong labanan? Pano ko nga ba yun ginawa? Well.. hindi iyan ang importante ngayon, kailangan ko na itong tapusin!

Agad agad kong kinuha ang punyal at mabilis ng lumapit sakanya. Lumingon pa ako sa likod ko dahil naririnig ko ang boses nila Daniel na tinatawag ang pangalan ko at parang may sinasabi sila ngunit.. hindi ko naman maintindihan o marinig man lang dahil sa lakas ng hangin..


"Bumalik ka na sa impyerno!" sigaw ko at tinulak siya dahilan para mapahiga kami. Sasaksakin ko na sana siya nang pigilan niya ito gamit ang kanyang mga kamay.


"Wag! Wag Hanna please.. Mali ang sinabi niya sayo. BINALIGTAD NILA ANG SITWASYON!" sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ito ang unang beses na madami siyang sinabi at sumigaw pa siya..

Pero baka nagsisinungaling din siya! Demonyo siya hindi ba? Hindi ako pwedeng malinlang..


Nagulat ako nang kunin niya ang isa kong kamay at may pinahawak sa akin.. ang kwintas na suot niya. Pagkahawak na pagkahawak ko nun ay nag-iba na naman ang paligid. Ano ba to! Nahihilo na ako ah!


"Nasan ak--" naputol ang sinasabi ko nang dumaan sa gilid ko si Lauren at pinahiwatig sa akin na wag daw akong maingay. Tinignan ko ang paligid.. Ito din naman ang barrio umaga nga lang at medyo iba ng konti.

Sinundan ko si Lauren na ngayon ay parang may pinakikinggan sa loob. Nilapit ko din ang tenga ko sa pinto.


"Bukas na ang ikaw 16 na kaarawan ni Lauren. Dumating na ang panahon Tisay." sa tingin ko ay boses iyon ng lalaki. Sinilip ko ang loob at ayun nga. Naguusap ang dalawang medyo matanda na.


"Parang hindi ko yata kaya." sagot naman nung babae. Hinawakan siya ng lalaki sa magkabilang balikat.


"Alang alang sa lahat Tisay.. Lahat kami, tayo! Mas madami ang mamamatay dahil sakanya." sabi naman ng lalaki. Kailangan talagang mamatay ni Lauren dahil sa demonyo siya. Tama lang ang gagawin nila.


Maya maya pa ay nag-iba na naman ang paligid. Nakakahilo na talaga swear! Nandito naman ako ngayon sa isang lugar na maraming bulaklak.. Ano bang nangyayari?


Nakita ko na naman si Lauren. Suot pa din niya ang itim niyang dress at nakaupo sa damuhan. Hindi ko nakikita ang ginagawa niya dahil siya ay nakatalikod sa akin.


Medyo nagulat ako nang biglaan siyang humarap sa akin. "S-sino yan?" tanong niya sa akin ngunit parang hindi naman niya ako nakikita.


"Lauren. Napakaganda mo pa din na bata.. Halika at lumapit ka sa akin." lumingon ako sa likod ko kung saan nandun yung nagsasalita. Hindi pala siya nakatingin sa akin kundi sa nasa likod ko..

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang nilalang na may itim pakpak.. isang anghel. Ngayon lang ako nakakita ng isang totoong anghel..


"Angel Gabriel! Ano pong ginagawa niyo dito?" inosenteng tanong ni Lauren at niyakap ang anghel na para bang ito ay isa lang niyang kaibigan.

The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon