Cedric's POV
Nagising ako dahil sa ramdam kong may humahaplos sa buhok ko. Nakatulog pala ako.. minulat ko ang mga mata ko upang makita kung sino ang taong humahaplos sa buhok ko..
Si Lauren.
Bakas sa mukha niya na nagulat siya sa paggising ko. "Anong ginagawa mo dito Lauren?" tanong ko. "Alam mo bang hinahanap ka na ng lahat.. lalo na ni Hanna?" dugtong ko pa.
"Tatapusin ko na ang lahat.. kaya wag kayong magalala." mahina niyang sabi kasabay ng kanyang pagngiti. Pansin ko na kasabay ng kanyang ngiti ang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Magsasalita pa sana ako nang..
"Nandiyan ka lang pala Lauren!" sigaw ni Hanna sa di kalayuan. Agad agad namang tumakbo si Lauren palayo nang tumakbo na si Hanna papunta sa amin.
"Sandali--" naputol na ang salita ko nang hindi ko na sila maaninag. Ano ba ang gagawin ko? Bakit ko nga ba pinatakas ang isang demonyo na kaharap ko na kanina.. siguro dahil kakagising ko lang talaga.
Kailangan kong gumawa ng paraan.. pero paano? Eh ni hindi ko nga alam kung sino ang paniniwalaan. Isa lang ang naiisip kong paraan at iyon ay hanapin si Katokleng!
Tumayo na ako at naglakad papunta sa bahay niya.
"Uy Ced!" halos sumabog ang dibdib ko sa gulat sa pagtapik sa akin sa balikat ni Daniel.
"Tol naman. Next time wag kang manggulat!" sabi ko. Nakakatakot kaya ngayon! Ang dilim dilim kasi gabi na tapos may demonyo pang gustong pumatay sa buong barrio. Hay nako!
"Eh san ka ba pupunta?" tanong niya.
"Pupuntahan ko si Katokleng." matipid kong sagot. Nahahawa na yata ako kay Lauren sa katipiran magsalita! Hay hay. Nagpresinta siyang sumama sa akin sa bahay ni Katokleng. Mabuti na to at may kasama kaysa naman sa mag-isa lang ako no.
Nang nakapasok na kami sa bahay ay bumungad sa amin ang napakagulo at parang dinaanan ng bagyo na bahay ni Katokleng. Ano bang nangyari dito?
"Pre, nakalimutan ko palang sabihin. Kinuha ni Lauren si jenny, hindi namin alam kung buhay o patay na ba siya." paliwanag ni Daniel. Parang wala naman sa ugali niya ang pumatay. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya..
Kahit makalat ay nagtiyaga kaming hanapin si Katokleng ngunit parang wala naman atang tao dito.
Napatingin ako sa sahig ng marinig ko ang tunog ng finlip na papel. Parang may isip ang libro at kusa itong bumukas.. Ang creepy na talaga!! Pero dahil na rin sa curiosity ay lumuhod ako upang tignan ang libro. Punit na ang pahinang ito. Halos wala ka na ngang mababasa maliban sa word na 'only the un--' yun lang yun! Ano namang meron dun?
"Pre, ito ata yung papel na napilas diyan." mahinang sabi ni Daniel sa akin.. ang creepy din ng voice niya ah! So kailangan sumasakto sa atmosphere? Ganon?
Ewan ko kung nasa isip ko lang ba talaga ngunit parang slow motion niyang inaabot ang isang manipis na papel sa akin at feeling ko ay may background song pa. Ano ba yan! Di na nga ako manonood ng horror 10x a day! PROMISE!
Kinuha ko ito at pinagdikit ang papel upang mabasa na namin..
Hindi maaari..
**
Hanna's POV
Malapit ko nang maabutan ang demonyitang yun! Konting bilis pa ng takbo ko at mahahabol ko na siya. Kaya pala siya nakaitim, kasi reyna siya ng kadiliman!
"How dare you take Jenny away from us! Siguro ikaw din ang pumatay kay Leanne ano?" sigaw ko sakanya habang hinahabol pa din siya.
Napatigil ako sa pagtakbo nang tumigil din siya. Humarap siya sa akin ng normal lang. Hindi nakakatakot, di rin nakakaawa at mas lalong hindi nakakatawa. Yung normal serious face lang talaga.
Naisipan kong magmadaling lumapit na sakanya dahil chance ko na ito! Tumigil na siya sa pagtakbo dahil sa siguro ay pagod na siya. Nakakaisang hakbang pa lamang ako ay napatigil na ako sa biglang pagbabago ng mga mata niya..
Nakaramdam ako ng takot at gulat.. Ito ay puting puti na para bang siya ay isang bulag. Sabi na eh! Demonyo siya! Hindi ako papayag na pati ako ay mapatay mo. Maya maya pa ay nagsimula ng humangin ng malakas. Ngunit iba ang hangin ngayon.. Para siyang buhawi na pumapalibot kay Lauren.. May mga dahon dahon pang hinangin na dahilan kaya hindi ko na siya makita.
Hindi ako papayag.
Kahit na sobrang lakas na hangin ang tumutulak sa akin palayo sa kanya ay nilalabanan ko ito. Nasa akin ang punyal kaya ako lang ang tanging makakapatay sakanya ngayon.. Ako ang pag-asa ng buong barrio na ito. Ayoko silang biguin.
Maya maya pa ay parang nagbago ang paligid.. Nawala ang malakas na hangin.. Wala na ang mga puno o mga damo.. Para akong nasa isang pamilyar na lugar.
"Daddy! Bakit tayo iniwan ni Mommy? Hate ba tayo ni God? Bakit Niya kinuha sa atin si Mommy!?" lumingon ako sa nagsalita.. Ako yan noong 7 yrs old pa lamang ako. Isang araw matapos ang pagkalibing ni Mommy..
"Shh. Don't say that baby. Mahal na mahal tayo ng Diyos. Siguro may dahilan Siya kung bakit Niya iyon ginawa." paliwanag ni Daddy.
"Ano namang dahilan? For my life to be miserable!? He hates me dad! He hates me kasi I don't go to church often!!" sigaw ng batang ako. Naaalala ko noon, kahit na anong pagwawala ko.. daddy always remains very calm.
"No, don't say that. Thankful nga ako kasi hindi ka sinama ng mommy mo sa pupuntahan niya. I'm glad na binigyan pa niya ako ng Guardian Angel." kuwento ni Dad. I envy dad for being such an optimistic person.. hindi siya sad sa pagkamatay ni mommy pero hindi naman siya happy. I don't know if he's trying to be strong for me pero it don't look like it..
"Guardian Angel mo ako dad? Eh diba ang angels nasa heaven?" tanong ng batang ako. Ang cute ko pala magsalita dati.. nung close pa kami ni Dad.
"Hindi lahat. Binigay ka ng Diyos sa akin para makaya ko ang lahat ng nangyayari sa atin anak.. Siguro soon makikita mo din ang Guardian Angel mo, tulad ko!" sagot ni dad. I just noticed.. why am I here? Bakit ako nandito sa past ko?
That time nagsmile na ulit ako este yung batang ako. Feeling ko kasi nung panahon na yan ay special ako. Isa daw kasi akong little angel. "Pag nagkaanak na din ako dad?" tanong ng batang ako.
"Pwede. Pero pwede din kaibigan mo na ililigtas ka sa kagipitan, panganib o kung ano pa man na sitwasyon.. O ako! Tingnan mo, kanina umiiyak ka pero nakangiti ka na oh.." paliwanag ni Dad at kinurot kurot ang pisngi ko.
Ano nga ba ang nangyari? Bakit nga ba ulit lumayo ang loob ko kay Dad?
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na ulit ako sa normal na sitwasyon. Sana nagstay nalang ako sa panahon na yun.. nung panahon na close pa kami ni Dad. Namimiss ko na ang mga bondings namin and yung mga corny niyang jokes na dati ay halos hilingin ko ng maglaho.. yun pa pala yung hahanap hanapin mo sa huli.. Yun pa pala yung mamimiss mo.
Tama.. tama si Dad. Siguro ako ang pinadala ni God dito para tapusin ang demonyong ito. Para na rin maligtas ko ang buong barrio. Kailangan ko siyang patayin!
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Super determinado na akong matalo ang demonyong ito. Pinilit kong labanan ang lakas ng hangin upang malapitan lang ang demonyong iyon.. Unti unti ay nakakalapit ako hanggang sa..
"Paano ba yan? Nakapasok na ako sa shell mo?" bakas ko ang gulat at takot sa mukha niya kahit na puti pa din ang mga mata niya..
**
A/N Last chapter na and then epilogue wieee! Haha. Thank you for reading!! Hope suportahan niyo iteyy till the end. Labyu guyths!
LAST CHAPTER: The Angel