Lauren's POV
Minulat ko ang aking mga mata. Tapos na.. tapos na ang tungkulin ko. Tapos na ang paghihirap ko.. Bumangon ako galing sa pagkakahiga nang may marinig akong sumigaw. Tumayo ako upang lapitan ito.
"Kumapit ka lang Hanna ok? Wag kang bibitaw sa amin!" medyo taranta na at mangiyak ngiyak na sabi ni Jenny. Kilala ko na siya sapagkat ako ang nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.
Tinignan ko ang buong barrio na kasalukuyang lumulubog.. ang lugar na kinalakihan ko.. pinabagsak ko lang.
Pinuntahan ko sila para malaman kung ano ang nangyayari. Si Hanna.. malapit na siyang lumubog kasama ng barrio. Tulong tulong ang kanyang mga kaibigan upang subukang itaas si Hanna ngunit tila malapit na nila itong mabitawan.. Dumudulas na ang kamay ni Cedric sa braso ng babae.
Bakas ang takot sa mukha ni Hanna ngunit nandito lang ako at nakatingin lang sa kanila. Inaabangan ang susunod na mangyayari.. bakit nga ba hindi ako makagalaw sa pwesto ko?
"Diba may kapangyarihan ka? Tulungan mo naman kami oh! Baka tuluyan ng mahulog si Hanna eh." mangiyak ngiyak na pakiusap ni Jenny sa akin habang hawak hawak pa din si Hanna. Gusto kong tumulong.. pero ayaw akong sundin ng katawan ko..
Konting konti nalang at mahuhulog na siya. Anong gagawin ko? Nang tuluyan ng dumulas ang kamay nila sa braso ni Hanna ay awtomatikong gumalaw ang kamay ko upang abutin ang kamay ni Hanna. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ko at matagumpay ko siyang naangat.
"Salamat.." sambit ni Hanna. Imbis na sumagot ay dumeretso na lamang ako sa loob ng van upang magpahinga. Gusto ko ng umalis dito.
**
Tahimik lang ang lahat habang nasa biyahe.. walang nagsasalita na tila ba'y hindi pa din makapaniwala sa nangyari kanina..
"Lauren, pwede mo bang ikwento sa amin ang lahat?" pakiusap ni Hanna.
"Ang lahat ng tao sa barrio namin ay sumasamba sa demonyo.. gusto nila akong patayin dahil sa ako daw ang nakasaad sa propesiya na tatapos sa tribo nila.. kaya ganun na lamang ang kagustuhan nilang mapatay ako." paliwanag ko. Bakas naman sa mga mukha nila na interesado sila sa kwento ko.
"Bakit hindi sila ang gumawa? Bakit kailangan pa nila kaming idamay?" tanong niya ulit.
"Sapagkat tanging ang hindi lang isa sakanila ang makakapatay sa akin.. Yung kasama niyong si Leanne, sila ang pumatay sakanya. Nakita ko kung paano nila sagasaan ang kaibigan ninyo ngunit wala akong nagawa.. wala akong nagawa dahil ako'y kaluluwa lamang nung mga oras na iyon.." tumigil muna ako saglit upang titigan sila isa isa.
"Ang plano talaga nila'y patayin na kayo, ngunit nang malaman nila na nasagasaan niyo ang aking ina ay naisip nilang gamitin kayo upang mapatay ako.." dugtong ko.
"Y-yung mga pananim? Bakit--" muli niyang tanong. Hindi ba talaga siya mauubusan ng mga tanong? tss.
"Nalanta? Dahil demonyo ang nagpapalago nito at nabuhay ako upang itama ang mga mali sa barrio namin.." muli kong sagot.
"Bakit mo kinuha si Jenny?" tanong na naman niya. Tinitigan ko nalang si Jenny at isinandal ang ulo ko sa bintana. Mukhang nahuni naman niya na pagod na akong magexplain kaya siya na ang nagsalita.