Chapter 4 - Conflicts

171 25 6
                                    

Jenny's POV

Maaga akong nagising. Akala ko lahat ng ito ay panaginip lang.. Pero totoo pala. Chineck ko ang phone ko.. nawala ang antok ko nang makita ko ang battery percent.. 21% nalang. Hayy malolowbat na ako.


Nag ayos muna ako ng konti at lumabas na ng van. Agad bumati sa akin ang isang matandang babae na nakangiti sa akin.


"Magandang umaga hija. Halina kayo't mag umagahan muna sa loob. Maghilamos na din kayo kung gusto niyo." alok sa akin ng matandang babae. Sa tingin ko ay mababait sila, kahit na hindi nila kami kilala ay may ngiti nila kaming tinanggap dito sa kanilang barrio.

"Naku. Salamat po Lola. Hindi na po kami tatanggi.. kailangan din po kasi talaga namin ng pagkain." tugon ko. Nakakahiya kami.. galing lahat sa maginhawang buhay.. mayayaman pero walang makain.. at makikikain lang sa iba..

"Naku apo. Ayos lang iyon, gisingin mo na ang kasama mo ng makakain na kayo." sagot ni Lola. Pinilit kong ngumiti at tumalikod din upang gisingin sila. Hindi ko naman sinara ang pintuan kaya sumigaw nalang ako.


"Guys! Gising na kayo. Kumain na tayo para makaalis na din agad tayo ng maaga!" sigaw ko. Bumangon naman ang lahat maliban kay Ced na para bang puyat na puyat.. "Nag alok ang may ari ng bahay na patuluyin tayo sa kanila para mag agahan at maghilamos na din kaya bangon na." habol ko pa.


Pumasok naman agad ako ng bahay upang tulungan si Lola na maghanda ng hapag kainan. Nakakahiya naman at pinagsisilbihan pa niya kami..


"Ay lola. Ako na po." pagboboluntaryo ko. Hindi naman siya tumanggi at pareho naming hinanda ang hapag kainan.

**

Nandito ako ngayon sa labas at nagpapahangin. Hindi ko pa din makalimutan ang nakita ko kagabi.. Si Leanne.. sana pala ay hindi na namin siya iniwan mag-isa. Hindi sana mangyayari to..

"Oh hija? Ba't hindi ka pa kumakain doon?" lumingon ako kay Lola Kikay na papalapit sa akin.


"May iniisip lang po--" natigil ang salita ko nang biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit niyo kasama ang babaeng iyan? Hindi.. Hindi.. Hindi..." gulat na gulat at takot na takot na sabi ni Aling Kikay. Lumingon ako sa kung saan siya nakatingin ang natanaw ko ang nakatingin na sa aming si Lauren.


"Po? Ano pong ibig niyong sabihin Lola?" takang taka kong tanong. Madiin akong hinawakan ni Lola Kikay sa braso na medyo kinatakot ko.


"Demonyo ang batang yan.. Hindi niyo alam kung sino ang pinakawalan niyo.. Bakit niyo siya pinakawalan? Bakit.. BAK--" naputol ang salita niya nang mapaupo siya sa sahig dahil ata sa gulat. Tumingin ako sa likod ko at nagulat din nang nasa likod na namin siya..


"Papasok na ako sa loob hija." normal na pagkakasabi ni Lola Kikay na para bang walang nangyari. Pinagpagan niya lang ang damit niya at tumayo.. Ano bang nangyayari? Kinikilabutan na ako..

"Kain na tayo Lauren?" normal ko din na alok sa kanya para hindi niya mahalata na nagdududa na ako.. Demonyo siya? Jusko.. ano ba itong nagawa namin?


Tumingin siya sa paligid pagkatapos ay tumingin din ulit sa akin. "Sa kotse lang ako." sagot niya. Hindi ko na siya pinilit at pumasok na. Ano na ang gagawin namin..

The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon