Chapter 3 ~ You're Busted!

70 7 2
                                    

"San si Leo?" Tanong ni Stacey ng makaupo siya sa tabi ko.

"Kasama na naman ang Dawn nya for sure. Ganyan naman pag may lovelife. Iniiwan ang tropa." Drama ng kabarkada ko.

"Utot niyo. Eh lahat kayo may lovelife! Parang ako lang ang wala." Singit ko.

"Eh kasi binasted mo si Jason!" Kantsaw nila.

Ay sige, mga h*n*y*p*k talaga to. Simulan niyo na naman sirain ang umaga ko.

Habang nagkakantsawan, good mood na ulit ako ng masilayan ko na naman ang pag-ibig ko. Ayan, nagiging makata pa ko.

Grabe, ang cute talaga ni Ivan. 😆 Marry me please. 💍 Sige na, mag popropose na ko. :")

Biglang may lumapit sa kanyang babae. Si Jane. :( Awts. Classmate ko si Jane at nasa honor section kami kaya lang mas friendly siya sa ibang section. Gaya ni Ivan. :"(

"Oh dumadamoves na naman si Jane oh." Sabi ni Zack. Dating manliligaw ni Jane. Bitter boy. :D

Hala! Oo nga noh! Ngayon ko lang naalala. Ultimate crush nga pala ni Jane si Ivan nung 1st year kami. Awww. Heartbreaking. Pano na ko? Seeing them talking like they've known each other for so long, it really hurts deep inside me.

"Sila ba?" Tanong ni Stacey.

Nabulunan ako sa tanong ni Stacey.

"Sorry sorry, sobrang alat kasi nitong sopas. Nilagyan mo to ng maraming patis noh?! Sapak ka sakin!" Bintang ko kay Stacey para di ako halata. Wise, isn't it? *TaasKilay*

"Ano ka naman dyan! Nanahimik ako ah! Buhusan kaya kita ng patis dyan!" Sigaw sakin ni Stacey.

"Sus, binasted nga ako nyan dahil running for Valedictorian daw sya tapos magpapaligaw? I think hindi sila." Explain ni Zack. Yiis. Tama yun. Studies first! Hahaha!! 😝

"Ang bitter ni Zaaaack! Hahaha." Kantsawan on again.

Pagkauwi ko sa bahay. Pasarap na naman ako, kain dito, nood dun. Yeah! 😎

Jane: Mahal ko si Ivan! Akin lang siya! Akin!!

Ako: Walang sayo Jane. AKIN LANG ANG ASAWA KO!!

-Trailer scene from The Legal Wife-

Haha. Sht. Ang funny ng inimagine ko dun ah. Okay lang. Sooner or later, mapapangasawa ko din si Ivan. Bwahaha. 😈 Landi. Pray for me na lang, guys.

Nasa kwarto na ko kasama ang ate kong blooming ang lovelife. Kainggit!

"Oh. Iyo muna." Bato sakin ng ate ko sa cellphone niyang Galaxy Y (lang naman).

"Weh? Talaga? Yiis. Break na kayo agad ng boyfriend mo noh? Thanks haa. Next time, yung dress mo naman bigay mo sakin. Wala ka naman na ding pagpapagandahan diba?" Excited kong pinagsasabi.

"Tnga! May gift kasi sakin si boyfie. At tigil tigilan mo nga ako sa kakahiram ng damit ko!" Tas pinakita nya sakin yung Samsung Duos na bigay sa kanya.

Sakit. Natnga na nga ko, nasabi ko pa ng wala sa oras na pinagnanasaan ko yung dress niya.

"Wow. Rich kid. Sabihin mo naman libre nya ko minsan. Sketchpad lang masaya na ko." Pang gagatong ko. Mahilig kasi akong magdrawing eh.

Saya naman ng may boyfriend. Bigay ng bigay ng kahit ano lang. Magkakaganyan din ako! Wait and see.

Ginamit ko na yung cellphone ng ate ko. Naisip kong iimport yung contacts ng classmates and friends ko since nasa slumbook ko naman numbers nila. Kinuha ko old phone ko. Ang boring walang nagtetext. Napaiisip ako kung iiimport ko ba yung number ni Mr. Hottie na nilagay ni Stacey. Oh well papel, wala naman mawawala. Saved! Di ko na nga lang pinangalanan. Mahirap na. Mamaya mahalungkat ng mama ko contacts ko sabay makita yung Mr. Hottie sabihin ang manyak ng way ko magpangalan. :P

Nagpaload na ako then I texted my friends. Bwisit. Wala bang magreply. I typed my name naman ah. May mga kanya kanya kasing lovelife eh. Tanging "Hi Ginj, nabuhay ka. :))" ni Stacey lang ang meron.

Hmmm. Itext ko nga yung Mr. Hottie ni Stacey. Aba, pag nagreply siya, pagpapalain siya. Unli pa naman ako tas walang makatext. Asan hustisya!? 😑 Sige, isang try lang.

"Hi. :)" message sent

Inempty ko muna lahat ng conversation ko dahil wala akong magawa. As if naman na meron akong nakakatext. -_- Pagkatapos nagselfie na ko. Haha! :D

"Nak, si Stacey tumatawag. Lumabas ka muna dyan sa kwarto mo." Sigaw ni Mama.

Tumawag pa talaga yung babaeng yun haa. Inistorbo pa pagseselfie ko. Pwede naman na ko itext.

Lumabas na ko ng kwarto at sinagot ang tawag ni Stacey.

"Oh ano na naman meron?" Walang gana kong tanong kay Stacey.

"Bestfriend, ano irereply ko kay Kian. Nagtext kasi sya ng 'I like you'." I can feel the excitement in her voice.

"P*ny*t* ka. Anim*l ka. Mag aral ka muna. Di mo pa ko kayang buhayin sa pa-ayla-I like you mong yan." Ò.Ó Panenermon ko.

"Bestfriend naman eh! Seryoso na. Kinikilig na nga ang tao dito eh."

Bwisit 'tong bestfriend ko noh? Tinatawag lang akong bestfriend pag kailangan ng mga ganyan.

Dahil ang kulit ni Stacey, nagbigay naman ako ng pwede niyang ireply. Kung pwede nga lang lahat na ng mura na eh. Joke! Yung clean words po yung sinuggest ko. 😇

Pumasok na ulit ako ng kwarto. Uy may nagtext. Number lang. Hm? "Hello :D" daw. Dalawang send pa haa. Ang ganda ko naman. Lol. Wala din 'tong makatext, I wonder.

"Sino to?" Reply ko.

"Haa? Ayos ka aah. Ikaw unang nagtext eh. Haha. :))"

Hala!! Ayy! Oo nga pala. Nagtext nga pala ako sa number na binigay ni Stacey. Epal talaga nun. Talandi kasi kanina sa telepono, nakalimutan ko tuloy na may tinext ako. Aynako, sino kaya to? Mamaya pag si Jason lang 'to, humanda talaga yung babaeng yun. Anyways, late night na, bukod sa nakakahiya yung text ko sa kanya, antok na ko. Buti kung si Ivan yan. Itetext ko pa siya anytime he wants. Landiii. Hahaha!

"Good morning, beauty!" Nag appear sa screen nang Galaxy Y ko. Haha. Sorry na payabang. Sosyal na sakin ang Samsung eh. Kala ko kung sino na. Note ko lang pala sa alarm ko. Sht. Hahaha! Umasa pa naman ako. 😞

Sa may corridor kung saan kami nakasalampak at nagdadaldalan ng mga babae kong barkada.

"Nanliligaw na ba sayo si Zack?" Tanong ni Stacey sa isa pa naming kaibigan, si Hana.

"Easy ka naman. Magtotropa tayo dito. Wag ganun. Walang talo talo. Hahaha." Sagot ni Hana.

"Uy hindi din. Mas maganda naman yung kilala niyo na ang isa't-isa noh! Parang sina Palits at Bru lang. (from Close to You)" Pangongontra ko. Kakapanood ko ng movies nila Bea at John Lloyd. XD One of my ways para kiligin. Hahaha! Sorry na. Wala nga kasi akong lovelife diba!

"Ang jeje mo talaga Ginger. Yung mga ganyan, pang telebisyon na lang. Wake up, girl. This is reality!" With matching hand gestures ni Hanang sinabi.

Tapos biglang dumaan si Ivan sa harapan namin. Asdfghjkl! Parang anghel talagang siyang bumaba mula sa langit. At ang bango bango niya talaga. Nung padaan siya, sinundan ko lang siya ng tingin. Nag dadaldalan pa kasi yung mga kaibigan ko nang mapansin nilang nanahimik ako at tila wala sa wisyo with slight-open-mouthed.

Umaktong parang may sinasahod si Stacey sa ibaba ng baba ko.

"Miss, ang laway po natin!" At lahat ay nagtawanan.

"Ayieee. IVAAAAAN! :)))" Pantutukso nila at may pakiliti kiliti pa sakin.

Tinakpan ko mga bunganga nila sa hiya kong baka marinig kami ni Ivan.

"SHHHH! Ano ba kayo?!! Hindi ko nga siya crush!!" Sinabi ko ng may pagmamakaawa para tigilan nila ako.

Napatingin si Ivan samin banda. Nag change ako ng face expression with no expression at all. Pokerface ba! 😐 Sht. Parang papalapit sya samin. No. Hindi parang, samin talaga siya papunta. O papunta sakin? 😳 Oh God. Narinig niya ata kami.

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon