Chapter 7 ~ Rivalry

52 5 0
                                    

=Ginger's POV=

Homeroom na namin ngayon. Medyo tinatamad ako makinig kay Ma'am Gordovez. Since nasa last row ako, sobrang ingay sa area namin. Hinila ko si Stacey papunta sa likod ng mga upuan para kausapin.

"Hoy babae ka!! Sasabunutan kita dyan eh! Bakit hindi mo sakin sinabing kay Ivan pala yung binigay mong number sakin?!" Pabulong at pagalit kong sinabi.

"Ano ba bestfriend, dapat nga mag thank you ka pa eh. Ano ng balita sa inyo?" 😁 Masigla nitong pinagsasasabi at inakbayan pa ko ng gaga kaya binatukan ko siya.

"Haaay! Ewan ko sayo!" 😞 Yun na lang ang sinabi ko at nilabas ang cellphone ko. Somehow, thankful naman ako kasi may number na ko Ivan dear. Pero nakakainis na hindi naging maayos yung text text namin. -_-

"Patingin ako!" Sabay hablot ni Stacey sa cellphone ko. Binasa niya yung convo namin ni Ivan na akala mo isa siyang detective. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang pokerface na expression.

"Oh bakit haa? Don't give me that look. Akin na nga! Nangengealam na naman to!" Pagbawi ko sa cellphone ko.

"Wala. Hopeless romantic ka na talaga. -__-" Nakahalukipkip nitong sinabi.

Halata namang disappointed siya sa convo namin ni Ivan. Alam ko naman ineexpect niya. Yung mga tipong getting-to-know-each-other stage na agad. Haaay. Oo na. Ako na, hopeless romantic! 😑

Bell rings. Uwian na. 😁💪 Yiis.

"Ms. Orville. Come here for a second. Pwede bang pakibalik tong notebooks na to sa kabilang section? Nagmamadali kasi ako eh." Utos ni Ma'am Gordovez sakin. Tanggihan ko kaya. Ganti ko lang dahil sinarhan niya ko ng pinto kanina sa Filipino. 😏Hikhikhik.

"Sure, Ma'am. 😊 No problem po. 😅" Plastic kong sagot. Wala naman akong magagawa diba. Utos ng teacher eh, pagbigyan. -_-

"Ma'am! Ako na lang po magsasauli. 😊 Mukhang nagmamadali po kasi si Ginger. Sige, Ginger. Ako na lang. Ingat ka haa." 👋😊 Sabi ni Jane sakin na kinatuwa ko dahil hindi ako mauutusan ng teacher namin. Hohoho! Ang bait talaga ni Jane. :D

Kukunin niya na sana yung dalawang notebooks na pinapasauli sakin ng teacher namin ng bigla kong napansin kung kanino yun. May "Hudson" na nakalagay! Ito ang naging dahilan para hindi ko agad bitawan ang mga notebooks. Parehas kaming nanatiling nakahawak sa sa mga ito.

"Ginger?" Banggit ni Jane na may paguutos sakin ang mga mata niya na pwede ko ng bitawan yung notebooks.

Ewan ko ba. Pero nakakahiya man aminin, parang gusto ko ako yung magbalik nito kay Ivan. Siya lang naman ang nag iisang Hudson sa kabilang section kaya panigurado, kanya to.

Malamang, napansin agad ni Jane na kay Ivan to kaya siya nagsuggest na siya na lang ang magbabalik nito sa kanya. Psh. -_- Obvious na gusto niya talaga si Ivan.

"Ah eh, pwede naman kayong dalawa ang magsauli nyan kung gusto niyo talaga. 😅" Sabi ng magaling naming teacher ng mapansin niyang mga 10 seconds na kami ni Jane magkahawak sa notebook at nananatiling nangungusap ang aming mga mata.

Bigla kong hinila yung notebooks papunta sakin para matanggal yung kamay ni Jane sa pagkakahawak nito.

"Ako na lang, Jane. Bigla ko kasing naalala may kailangan pala akong gawin sa kabilang section. Sige haa." Suhestiyon ko. Maka-alibi lang. Itatakbo ko na sana yung mga notebooks ng bigla akong hawakan ni Jane sa kamay ko.

"Umm. Sabay na tayo, Ginj. 😇 Tsaka sabi ni Ma'am pwede naman tayong parehas magdala niyan, tama? Tara! 😊" Mala-anghel nitong suhestiyon. Saka inakay niya ko na para kaming magbestfriends.

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon