Chapter 9 ~ That Playboy slash User

66 5 0
                                    

=Stacey's POV=

Muntik ng lumagpas yung beige lipstick na kasalukuyan kong nilalagay sa labi ko ng biglang may narinig akong sumigaw sa labas. Grr. May tao pa ata sa classroom na katapat nito eh. Di ko lang masyadong napansin kanina kasi nagmamadali ako papasok sa CR.

Hay, pang lalaking boses pa yung narinig kong sigaw aah. Grabe lang, bakla siguro yun na natatakot sa multo. Babatukan ko siya pag labas ko dito. -__-

=Leo's POV=

"WAAAAAAAHH!!"

Takot na sigaw ko kunwari para masira lang yung moment ng dalawang tao na 'to na nagmomoment ngayon sa classroom ng kabatchmates namin. Ayoko makakita ng love moments ngayon kung pwede lang. Bitter? Haha. Patay 'tong lalaki na to sakin pag nakita ko mukha niya lalo na pag kilala ko pala siya. Bubullyhin ko 'to.

Nandito nga pala ako sa main building. Itong building na lang yung bukas eh. Nagpractice kasi ako kanina sa gym para sa upcoming sports meet at kailangan kong magpalit ng damit dito sa men's room . And by the way, I'm a GOOD softball player. Pitcher ako and at the same time, team captain. Well, yabang mode muna. Haha.

"Leo!" Magkasabay na tawag nilang dalawa sa pangalan ko ng maagaw ko ang atensyon nila sa sigaw ko.

"A-Akala ko naman multo na kayo. Haha. Naistorbo ko pa ata kayo ah. Sa susunod kasi wag niyo gawin dito yan." Ito na lang ang mga nasabi ko dahil nagulat akong si Ginger pala yung nakatalikod na yun kasama ang isang lalaki na si Ivan pala....na mukhang hinahalikan siya kanina?! WTH!

Kelan pa na-link 'tong dalawa na 'to at parang huli ako sa balitang sila pala? Sila nga ba? Kaasar lang diba? Wala akong kaalam alam sa status ng mga kaibigan ko. Tsk.

Nasaksihan ko pa ang di ko dapat makita. Tsaka ano ba 'tong nangyayari sakin? Pag harap kasi nila sakin parang may sumakit na parte sa puso ko at nakaramdam ako ng kaba. Hay Leo, chill lang! Hindi sila tunay na multo kaya wag kang mag inarteng may weird na nangyayari sayo! Wag kang duwag!

"Tapos na din practice ninyo?" Tanong ni Ivan sakin.

"Oo 'tol. Magpapalit lang ako. At hoy Noo! Gabi na ahh, uwi na." Sabay pitik sa noo ni Noo at kinindatan para ipaalam sa kanya na wag siyang mag alala na nakita ko ang pangyayaring 'to. Iki-keep as secret ko na lang. "Ingat kayo." Paalam ko sa kanila.

Papasok na sana ako sa men's room ng bigla namang niluwa ng women's room si Stacey.

"SINONG DUWAG BA YUNG-Oh, Leo. Ikaw lang pala. Ikaw ba yung sumigaw kanina huh?" Tanong ni Stacey sakin habang nakapamaywang. Hindi naman ako nakasalita agad. Napatingin na lang tuloy ako kina Ginger. Teka, magkakasama ba sila?

Napansin ko namang napatingin din si Stacey sa direksyon kung saan nakatingin ang mga mata ko.

=Ginger's POV=

Hinihimas ko ngayon yung noo ko na nasaktan sa pitik ni Leo. At teka! Anong ibig sabihin niyang 'wag daw naming gawin ni Ivan dito' ang kung alin man yung tinutukoy niya. At para saan naman yung kindat kindat chuba nya?! -_- Sira talaga tuktok yun.

Tsaka bakit natetense ako na nakita kami ni Leo dito? AH! Alam ko na. Natetense ako kasi baka kung anong isipin ng kumag na Leo na yun sa pagkakakita samin dito. Mamaya itsismis pa ko sa buong tropa namin. -_-

Kinadagdag ng pagkatense ko yung paglabas ni Stacey sa CR at ngayon ay napatingin samin at papalapit sakin.

"Bestfriend!" Masayang bati niya sakin at kinawit ang braso niya sa braso ko. Alam ko naman ang ibig sabihin ng mga ngiti niya at pagtaas taas ng kilay niya sakin ngayon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon