Chapter 8 ~ Okatokat!

52 4 0
                                    

Time Check: 6:30 pm

Yung tuhod ko nanginginig ngayon sa takot.

Pinapagpawisan pa ko.

Sobrang tahimik, madilim, at walang tao sa lugar na kinatatayuan ko.

Nagsisitindigan ang mga balahibo ko sa buong katawan ko. 😨

Oh hindi!!! Nakakatakot nga pala ang Main Building kung saan naroroon yung classroom nila Ivan. Paksht lang. Gabi na din pala! Hindi ko namalayan ang oras dahil si Ivan lang ang nasa isip ko. Nagki-creak pa yung pinto nung CR na kaharap ng classroom nila Ivan. 😫 Anak ka ng! Jusko naman!

Hindi ako makaalis sa pwesto ko ngayon. Nagmistulang mannequin ako.

Naiihi pa ako. Mygad. Ang pantog ko! Huhuhu. Wag naman ngayon! 😰

Scaredy cat mode.

=Ivan's POV=

Binubuksan ko na yung pinto ng classroom namin ngayon. Papasok na sana ako kaso nung tiningnan ko si Ginger hindi parang akala mo nakakita ng multo.

Nilapitan ko sya at nag snap snap sa harapan niya. "Ginger? Okay ka lang ba?"

"Uh-uh-umm. I-Ivan. Ano kasi, parang di ko pala kayang pumasok sa classroom niyo. He-he-he." Pautal utal nitong dahilan.

Aha! Alam na this. Takot 'to sa multo. Hahaha. May rumors kasing may nagpapakita daw na multo dito sa classroom namin eh. Sus! Kalokohan para sakin yun.

Pero mukhang bumenta kay Ginger yung tsismis. Eh kung takutin ko kaya 'to lalo? Mwahaha! 😏

=Back to Ginger's POV=

Hindi ako makahakbang ngayon. Seryoso. Hindi kasi ako pumupunta talaga dito except pag nageexchange classrooms lang kami sa section nila. Minsan kasi kailangan ng klase nila ng projector. Because nakabuilt-in yung projector sa room namin, we have to swap rooms to let them use it.

May rumors na may nagpapakita daw dito sa classroom nilang mumu kaya never akong bumalik dito unless pag magkaklase lang. And I have to stick close to Stacey pag pupunta dito.

Hindi ko pinapahalatang natatakot ako kay Ivan. Kaya pinipilit kong maging normal ngayon. 😅 Kalma, Ginger.

Sabihin niyo, hindi naman ako obvious na takot diba?! 😫

Everytime kasing nalalaman ng isa sa mga kaklase ko o kaibigan ko na takot ako sa multo, kinabukasan nun, may prank na silang inihanda para takutin ako. Oh diba, sila ang pinakamababait kong kaibigan. ☺

Hanggang sa isang araw, alam na ng buong klase na matatakutin ako. Dahil dito, nag enjoy sila masyado sa kakatawa sa tuwing successful ang mga pranks nila. Bait nila no? :))

Tumingin ako sa mukha ni Ivan at iniiwas na ang titig ko sa creepy classroom nila.

Nanlaki ang mata ni Ivan na ikinabahala ko. Nakatingin siya sa bandang likod ko at tila hindi makasalita.

Napatakip siya ng bunganga gamit ang kanang kamay niya habang nakaturo ang kaliwang kamay nito sa bandang likuran ko.

Lalo akong natakot at bumilis ang kabog ng dibdib ko sa ekspresyon ng mukha niya. Grabe, nagpapalpitate na ata ako! 😣

=Ivan's POV=

Hahahaha! Grabe, ang husay ko umacting. Kitang kita kong takot na takot si Ginger ngayon. Ang best actor ko talaga! 😁

"G-G-Ginge--." Pautal utal kong sinasabi para matakot ko pa si Ginger ng putulin niya ang sasabihin ko dahil..

🎶 BGM: God gave me you. To show me what's real. There's more to life. Than just how I feel. 🎶

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon