Chapter 6 ~ Broken

55 5 0
                                    

=Ginger's POV=

"Abaaa!! At anong kakesohan naman 'tong nakikita namin?" Kantsaw nila Zack na nagpatigil sa paghaharutan namin ni Leo.

Nagfist-to-fist silang mga boys at naki-join sa foodtrip namin ni Leo.

"Hahaha! Musta 'tol? Painom ka na!" Natatawang sinabi ni Zack kay Leo.

"Wow!! Bakit? Kayo na ni Dawn noh? Congrats!! Kaya pala nanlibre ka haa. Wuhooo!" Masigla kong sinabi at may pag suntok pa sa braso ni Leo.

Ngumiti lang si Leo. Pero yung ngiti parang di naman ngiting dapat may i-celebrate. Ano kaya yun? -_-"

"IVAN!" Sigaw ni Zack.

Nanlaki yung mga mata ko at natigilan sa pag nguya ng pagkain. Bigla akong tumingin kay Zack na akala mo ako yung tinawag.

Lumapit si Ivan samin at nag apiran sila pero ako tinutuon ko yung pansin ko sa mga pagkain. Ow em! Hindi ako makahinga, seryoso.

"Hi Ginger."

Napatingin agad ako sa kanya. -kay Ivan. Nag hi siya na may kasamang kaway and a sweet smile. Omfg! Why so cute, darliiiing?!! 😍 Tsaka, nananaginip ba ko? Binati niya koooo!! Yahoooo!!!

"A..umm. Hello. ☺" Reply ko na may kasamang tango bilang pagbati. Saka kumuha ng Piattos at nginuya ito in a classy way. Haha. Pacharming syempre! XD

Sa pagpapacute ko at pagpapacharming sa kanya, may biglang sumigaw. Epal talaga!! Sino bang!!

"Hey Ivan!"

Nung nilingon naming lahat kung sino, nabulunan ako agad. Si Jane pala.

"Ginj, ayos ka lang?" Pag aalalang sinabi ni Leo na tumakbo agad sa may counter upang kumuha ng tubig.

"Haay! Ang takaw takaw naman kasi eeh." Sabi ni Leo pagbalik niya sa table namin at pinainom ako ng tubig habang tina-tap yung likod ko.

"Ayos ka lang, Ginger?" Tanong ni Jane showing her as-if-really-concerned-eyes.

"Oo. *Chuckles* Sorry sorry. Katakawan ko kasi." Sagot ko sa kanya. Obvious namang nagpapacute lang to kay Ivan kaya kunwaring worried.

"Hoy Zack, ikaw? Ayos ka lang?" May halong pang-aasar na sinabi ni Leo.

*Nervous-mode* "Haa? Oo naman 'tol. Sira ka talga. Ha ha ha. Ayos lang ba ko Jane? Este!! Ikaw Jane, okay ka lang ba?" Ninenerbyos na sinabi ni Zack. Palibhasa nastarstruck na naman kay Jane, ayan.

Binigyan lang siya ni Jane ng pilit na ngiti, yung tipong nakakainis sa sobrang pilit.

"Ivan, pinapatawag ka pala ni Ma'am Gordovez. Tara, samahan kita." Hikayat ni Jane kay Ivan.

Napout ako nung umalis siya. =3=

"Hahaha! 'Tol, wala eh. Talo ka talaga sa charisma ni Ivan. Give up na!" Pangbubully ni Leo kay Zack.

"Tss! Parehas lang tayo. Haha! Basted ka lang kasi kay Dawn eh. May pa-gm gm ka pa ng thrown away thrown away. Wawa! Haha. Ano 'tol, san tayo mamaya?" Banat ni Zack na ikinagulat ko. Humarap ako kay Leo na may pagkalungkot sa mukha.

So, si Leo pala yung unknown number na yun. :( Siguro, nasaktan talaga siya ng sobra. Matagal ko ng kilala tong tropa ko na to, and I can assure you, seryoso siya pagdating sa taong mahal niya.

Tinitigan ko si Leo nang may pagkalungkot sa mukha ko. Ngumiti siya sakin at tinanong ako kung ayos lang ba ko ulit pero nanatili akong nakatingin sa mga mata niya.

"Hoy Noo! Alam kong gwapo ako pero wag mo ko masyado bigyan ng ganyang titig. Ang lagkit eh!" Sabi ni Leo habang tinutulak yung noo ko gamit ang hintuturo niya.

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon