Prologue

395 11 4
                                    

Hello, readers! ☺

Please do read and support my second story in Wattpad.

UNBREAKABLE 👌

Just so you know, I may not be a good story writer, but I'll do my best to make this story good. :))

*Tsaka may pinaghuhugutan ang author sa story na ito kaya inspired! 😉*

Ippatsu!

-

Kilala ako bilang pinakamatatakutin sa multo at sa dilim sa classroom. Isang gabi..

"Isipin mo, may babae sa tabi mong walang mukha, duguan, nakaputi, nakahawak ang malalamig nitong kamay sa binti mo. May mga yabag kang naririnig na parang papalapit sayo. At may batang umiiyak sa ibaba ng kama mo. Sira sira ang mga damit nito at tila may mga dugong lumalabas sa kanyang mga mata. Ano ang gagawin mo? 👻"

Bwisit talaga tong lalaking 'to kahit kelan! Kundi ko lang boyfriend 'to, sinumpa ko na 'to sa sobrang pananakot niya sakin.

Heto na naman kami sa late night text takutan namin. Palibhasa lalaki, kaya hindi takot sa multo! -_-"

Hindi ko pa naman mapigilang mag imagine ng mga ganung bagay lalo na sa mga pinagsasasabi niya.

Mag isa ako sa kwarto ngayon at wala yung kapatid ko. Malayo ang switch ng ilaw mula sa kinahihigaan ko kaya wala akong lakas ng loob para bumaba sa kama para i-turn on ito.

Duwag na kung duwag. Pero yung kabog sa dibdib ko parang ferrari sa sobrang bilis. Nagtalukbong ako. Sa sobrang takot, hawak ko ang isang rosaryo. Paiyak na ko ng biglang!!

🎶 Someday we'll know, if love can move a mountain. Someday we'll know, why the sky is blue. 🎶

So, tatawag tawag siya ngayon? Bwisit. Call ignored.

"Sagutin mo please. :'(" Text niya.

Sinagot ko na din ang sumunod na tawag niya. As if namang matitiis ko 'tong mamaw na to! 😑

Raratratin ko na sana siya ng sermon kaya lang nagsalita siya agad pagkasagot na pagkasagot ko sa call niya.

"Uyy. Wag ka ng matakot. MAHAL NAMAN KITA EH! Takot lang ng mga mumung yun sakin pag tinakot ka. I love you. Sorry na."

At lahat ng takot ko ay bigla na lang nawala sa paglalambing niya. Ako naman tong si gaga, namumula at kinikilig. ☺

"Alam mo namang takot ako sa mumu eh. Huhuhu." Relamo ko para lambingin niya pa ko. 😜

Ang saya ng ganitong feeling. Sana parati na lang ganito. Sana siya na talaga. Ang man of my life. ❤

Bawat oras, tinitingnan ko siya. Parang tanging siya lang ang nakikita ko. Tumitigil ang mundo sa tuwing magha-hi siya saken. Araw-araw, nafofall in love pa ko lalo sa kanya.

Mag fifirst monthsary na kami. Haay. Ano kayang ireregalo ko sa kanya? Eh siya kaya, ano kayang ireregalo niya saken? Haha. Joke. Di ko naman siya inoobliga mag bigay ng fancy gifts na yan. Presence niya lang sa araw na yun, enough na. It'll be the best Monthsary gift a boyfriend could give. :)) #Hugot

"Friiiieeeends!! Huhuhu. Ano bang dapat kong ibigay? Lahat kasi ng iniisip ko parang di naman niya maaappreciate. Help!" Pag aalala ko.

"Ano ka ba?! Kung mahal ka talaga niya, kahit gaano kalaki o kaliit na bagay man yan, cheap man o mamahalin, maaappreciate at magugustuhan niya yan panigurado!" Encourage ng kaibigan ko.

Pinagpuyatan, pinaglaanan ng oras, nagpakabasa sa ulan, pinaka-iningat ingatan. Yan! Yan ang mga bagay na ginawa ko para lang mabuo 'tong personalized gift ko na to.

After the calvary, sht, pati ako napanganga sa nagawa ko. Personalized frame siya. With sticky notes all over it. Each note has a corny but kinda sweet punchline like..

"Centrum ka ba? Kasi you make me complete."

"Police ako, at ikaw ang MOST WANTED ko."

"Alam mo ba kung kelan naimbento ang salitang 'MAHAL KITA'? Nagsimula yun nang makilala kita."

Boom Panes!

At kung ano ano pang kacornyhan ang pinaglalalagay ko. Hahaha. :)

Pag tinanggal niya yun isa-isa, makikita niya yung loob ng frame kung saan andun yung mga sweet pictures and moments I hope we can do together. :)

"Grabe Ginger, ang swerte ng boyfriend mo. Sana ganyan din ka-sweet ang girlfriend ko."

Hearing those from a friend really gave me a lot of confidence. Ay magugustuhan niya to. Sana. 🙏

Library hour ang last subject niya ngayon. Yes!! Maaantay niya ko. Same naman yung class dismissal namin although were from different sections.

Umagree na siya sa tanong ko kung pwede ko sya makita after class kahit 5 minutes lang tutal nasa library lang naman siya. Nakakaexcite at nakakakaba. :))

Ito na. Ito na ang tamang panahon. Masayang masaya ako ngayon kasi mabibigay ko na 'to sa kanya. Kinuntsaba ko na ang mga kaibigan ko para sabihin na makipagkita siya sa'kin sa field kahit nasabi ko na sa kanya na antayin niya ko. Haha. Excited ang mga kaibigan ko sa mangyayari. First Monthsary to no!

Anlakas ng kabog sa dibdib ko. First time ko ata 'tong agawin sa buong buhay ko, aba! Haha. *FingersCrossed*

Lumapit sakin ang isa sa mga kaibigan ko.

"Malapit na daw ba siya?" Masigla kong tanong sa kanya. :D

"A.. Ano kasi.. Ginger.. Sinabi ko naman sa kanya na antayin ka niya ngayon dito sa field. Then, pumayag siya."

"Talaga? Oh, asan na daw siya? 'To naman masyado mo kong pinapakaba eh." Sabi ko sa kanya na may kasamang tapik sa balikat nito habang lingon ng lingon at hinahanap ang pagbibigyan ko nitong regalo ko. Hay. Excited na ko. :)))

"Kaya lang di na pala siya makakapunta. Sabi kasi sakin ng mga kaklase niya, nakauwi na daw siya kasama ang mga kaibigan niya kanina pa."

Wala ako masyadong narinig sa kung anong sinabi ng kaibigan ko dahil masyado akong nakatuon sa paghahanap sa boyfriend ko at dahil na din sa excitement. Hihihi.

"Haa? Ano yun? Wait. Ayos ba itsura ko? Sasapakin kita pag sinabi mong pangit. >:D" Pagbabanta ko sa kaibigan ko. Haha. Aba, isang oras kaya tinagal ko sa pag aayos ng mukha ko kanina. 😆

Hindi ko alam sa kung anong meron sa kaibigan ko pero bigla niya kong niyakap. Niyakap ng sobrang higpit. Nagulat ako at sinubukang magpumiglas pero di ako makawala sa higpit ng pagkakayakap niya.

Nararamdaman kong galit siya ngayon habang niyayakap niya ko. Ewan ko. Nanginginig pa yung mga kamay niya na nasa likod ko na parang may gustong suntukin.

Napatingin ako sa iba kong mga kaibigan na sinabihan kong magpicture samin ng boyfriend ko. Pero lahat sila, yung mga mukha nila, malungkot at may awa sa kanilang mga mata.

"Sorry." Banggit ng lalaki kong kaibigan na naka yakap sakin kasabay nito ang pagtulo ng luha niya.

Umiyak ako dahil, ahh naiintindihan ko na. Gets ko na.

Nabitawan ko yung regalo na dapat ay ibibigay ko sa taong hindi ako sinipot sa araw na to.

Bakit ganun?

Ansakit pala.

Sobra.

💔

-

Sana nagustuhan niyo ang prologue, guys. :)
Inedit ko na siya. pag may mispelled words pa din, di ko na kasalanan. Loljk. Comment and Vote instead? Haha.

Since, I'm only using a phone in making this story, I'll be apologizing now dahil malelate ako sa pag update. Sorry. :'( Next time, bibili na ko ng pocket wifi.

Anyways, just read on.
Thank you. 😘

😚 Make your own original story, mmkay?

THIS STORY IS NOT ALLOWED TO BE COPIED WITHOUT PERMISSION OF THE AUTHOR. ™

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon