Chapter 10 ~ Hello Nightmare

58 4 6
                                    

A/N: Hello. Thank you sa mga readers ko. Nakakatuwa mag UD dahil alam kong kahit papano may iilan na nagbabasa. ^^ Thank you po. Next UD ko na lang pag nameet na yung number of reads na gusto ko. :D Authors POV naman muna ng konti dito sa chapter na 'to. Read on, guys. Muah! :*

-

=Author's POV=

"C'mon, Justin! Get your head in the game. Match point na. Pag di ka pa nanalo, ewan ko na lang." sermon ng isang tennis coach sa kanyang estudyante na kasalukuyang nasa gitna ng tennis game. 6-5 na ang score. Isang puntos na lang ng kanyang estudyante panalo na yon.

'Psh. Buti nga pinahabol ko pa kitang loko ka. Makapagkomento naman 'tong gagong 'to kala mo napakagaling.' Bulong ni Justin sa kanyang sarili at nagserve ng bola ng napakalakas at napakabilis sa kalaban nito. Magkakasunod na palo ang ginawa ng coach niya at ni Justin maibalik lang sa isa't-isa ang bola ngunit tinapos ng isang malakas na smash ni Justin ang last set ng laro.

"That was a nice shot, Justin! Good game." Sigaw ng coach niya at nakipagkamay kay Justin.

"Thanks coach." Ngiti nito sa kanya habang naghahabol ng hininga. Naglakad siya papunta sa area kung saan nandun ang mga magulang niya at ang gamit niya.

"Yun lang ba ang kaya mo, Jay? Ilang taon ka nagtetennis pero ganyan pa rin ang level mo? Tsk." Disappointed na komento ng kanyang ama na nakahalukipkip paglapit ni Justin sa pwesto niya.

"Dad, wag mo na pagalitan ang anak natin. Nanalo naman siya. Sige na Jay, pahinga ka na muna baby haa." Singit ng kanyang ina at hinawakan ang pisngi ng kanyang anak bago nginitian.

Hindi na nagsalita si Justin pa. Umupo na lang siya at nagpunas ng pawis niya gamit ang tuwalya. Halata naman sa mukha ni Justin ang pagkainis dahil padabog nitong binitiwan ang kanyang raketa. Tumayo ito at dinala ang kanyang mga gamit papunta sa locker room.

Bago siya pumasok ng locker room ng nakasimangot, napalingon siya pintuan ng gymnasium at dito nabago ang expression sa mukha niya.

"Waaaaaahh! Justiiin~ 😍" Tili ng mga kababaihan sa labas ng gymnasium. Binigyan naman nung Justin ang mga ito ng killer smile para sa suporta nila dito dahilan para mamatay sa kilig ang mga 'to.

'Okay lang to. May nakakaappreciate pa rin sa ginagawa ko.' Bulong niya sa kanyang sarili at dumiretso na papasok sa locker room.

=Ginger's POV=

*YAAAAAAWNS*

"Ginger nga, magtakip ka nga ng bungaga kung hihikab ka. Ampangit mo talaga." Suway sa'kin nang akala mong KAGANDAHAN kong kapatid. Ano kayang connect ng pagiging pangit sa paghikab? -_- Hay nako. Tsk tsk.

Nakakaantok naman kasi eh. Weekend ngayon. Tapos ko na yung art projects ko. Yun lang muna yung inuna ko dahil ayokong sumabog yung utak ko sa Math formulas.

By the way, nasabi ko na ba sa inyong 1 week na kaming textmates ni Ivan?! Uhuh, tama kayo ng nababasa niyo. Akalain niyo yun! Hahaha. At 1 week na rin akong tinatamaan ng NUTCASE SYNDROME. :P Ito yung sakit na pag iniisip ko siya or tinetext niya ko, bigla bigla na lang nagiging puso yung background ko at feeling ko nasa kaulapan ako. Kaya naman lagi akong may bukol sa ulo kakabato ng alanjong ate ko ng unan sakin sa tuwing makikita niya kong nakangiti habang nagtetext.

Beep!

May nagtext sakin. Dali dali kong kinuha yung cellphone ko.

From: Cloud

Kumain ka na? :D

Okay, bago ako kiligin sasabihin ko muna sa inyong, oo, tama kayo. Si Ivan yan. :''> Bobombahin ko ang kokontra sa ipinangalan ko sa kanya. Well, kasing gwapo niya kasi yung Cloud ng Final Fantasy eh. At baliw na baliw ako dun kaya yan. Hihihi. At ako ang Tifa niya how I wish lang, hahaha. Ano kayang nakapangalan sakin sa contacts niya? Yiiie, landiii. X)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNBREAKABLE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon