Inaalay ko sa lahat ng
taong naglalaan ng
oras sa kanilang
mga kaibigan.
“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
Bob Ong,
ABNKKBSNPLAKo?!
Journal
Lunes, Enero 13,2014, 11:47 pm
Matagal na akong nagbabalak na gumawa ng isang journal na mailalagay ko ang mga importanteng nangyayari sa aking buhay. Sa katunayan ay gumawa na ako journal na katulad neto noong 3rd year high school ako. Nakalagay doon lahat ng mga naiisip at nararamdaman ko ng mga panahong nagsusulat ako. Idinadaan ko sa kwento ang lahat at paminsan-minsan ay gumagawa din ng mga tulang tungkol sa aking buhay-pag-ibig. Sadyang napaka-corny kung mababasa mo.
Noong 2nd year high school naman ako, pinagawa kami ng aming guro sa Values Education ng aming daily journal na kung saan itatala namin sa notebook ang lahat ng mga natutunan namin sa klase nya at kung papaano namin isasabuhay ang lahat ng mga natutunan namin. Naisip kong walang kwentang isulat ang lahat ng mga natutunan mo sa eskwelahan sapagkat ang tunay na pagkatuto sa isang bagay ang pagsasabuhay mismo nito. No choice kung tutuusin. Kailangan mong sumulat ng naayon sa kagustuhan ng iba at limitado ang kalayaan mong magsulat ng mga gusto mo talagang isulat.
At ngayong college na ako, may ganitong requirements kami sa subject na Humanities II. Sa totoo lang ay nagustuhan ko ang ginawa ng aming propesor. Pinagawa kami ng diary simula pagkapanganak, hanggang mag 12 na taong gulang. Marami akong naisulat nung mga panahon na ginagawa ko ang aking diary, ngunit di sapat upang maipakita ang tunay na dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Talagang binasa nya ng buo ang diary na ginawa namin at nagsulat sya sa notebook ng mga comments sa mga nabasa nyang diary.
Sa aming klase, isa-isa nyang tinawag ang mga kaklase ko at tinanong sila tungkol sa ginawa nilang diary. “Sino si Kwan?”, “Galit ka ba sa kanya?”, “Masaya ka bas a sitwasyon mo ngayon?”, “Ano ang dahilan?”. At nagbigay payo tungkol sa mga suliraning nakita nya base sa aming diary na kanyang nabasa. “Palayain mo ang sarili mo.” , “You must consider first yourself.”, “Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa mundong gawa mo, lumabas ka at makikita mo ang reyalidad.”.
At ang aking diary ang nabigyan ng pinakahuling comment na siguro ay tumatak sa akin. “Ikaw, Mr.Torres, ikaw ang nabigyan ko ng pinakamaraming comment sa diary na ginawa mo. Alam mo rebelde ka eh. Kilalanin mo kung sino sya bago mahuli ang lahat.” Muntikan pa akong maiyak, dahil totoo ang lahat ng sinabi nya. At eto pa. “Alam kong mahal mo ang nanay mo, ayaw mo syang masaktan, pero karapatan mong malaman kung sino sya eh. Huwag mong hintayin na baka sa huli ay di mo na malaman kung sino sya. Alam mo ang maganda sayo, may goal ka eh. May direksyon ang buhay na tinatahak mo. Pero yung sinabi ko kanina ang nagiging balakid sayo.” Di ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga panahon na iyon. Nangingibabaw sa mga panahon na iyon ang pagkalito sa dapat kong maramdaman nung mga sandaling iyon.
Kanina nung klase ko sa History I, tumabi ako sa kaibigan kong babae, si Joy. Nagkamustahan lang kami dahil noong last week ay perfect absent ang nagawa nya sa buong linggo. Nakita kong may binabasa syang dilaw na notebook. Wala naman sana akong pakialam sa binabasa nya. Nagkataong pag-lingon ko sa notebook na binabasa nya, diary pala. Hindi sa kanya ang diary, pamilyar sa akin ang handwritten. Hinala ko, kay Avril ang diary. At hindi nga ako nagkamali, pagkabasa ko ng date na December 18, 2013, medyo kinabahan ako ng makumpirma ko. Nakita ko kasi ung aktibiti nya. Ang pagkakakita ko ganito.
Sisiw 7:30am
Shockmode 10:00am( ba?)
Kain kina Elvis 12:00pm
…………………………………………?
Marami pa yan eh, di ko lang matandaan kasi paragraph na yung mga sumunod. Napansin ko rin na nag-abutan sila ng papel. Mga comment pala yun. Di ko sure kung para saan pero sa tingin ko para sa diary yun eh. Matanong mo sa akin kung bakit big deal yung diary na hawak nya. Siguro mga myerkules ko na maikwento. Bukas kasi baka mag review kami ng differential calculus tungkol sa maxima, minima at critical points baka di muna ako makapag type sa journal na to.
Yan ang mga kinonsider ko na dahilan kung bakit ako napagawa ng journal. Another thing. Hindi naman sa lahat ng panahon ay may kaibigan kang mapagsasabihan natin ng mga problema, saloobin, naiisip o nararamdaman sa mga bagay-bagay na dumadaan sa ating buhay. Kaya gumawa ako ng journal para dito ibuhos ang lahat ng sama ng loob at mga problema na mayroon ako. Hating-gabi na at medyo inaantok na ako. Napakahaba na ng introduksyon na ginawa ko kung bakit ako gumawa ng journal. Bukas na lang ulit. #
BINABASA MO ANG
College Journal (Ang Diary ni Pong)
General Fiction" pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng ba...