“Be true to yourself. Whatever happens in life you need to be able to look in the mirror and respect you.”
Anonymous
Sa Wakas (ikalawang bahagi)
Huwebes, Enero 16, 2014, 8:44 pm
Pasensya na at nakatulog ako kagabi, di ko na kinaya yung antok. Sige at aking itutuloy ang pagkukwento.
(klase sa Humanities II)
Ito na siguro ang pinakamalupit, pinaka-astig at pinakamakabuluhang subject pinasukan ko simula nung nag-college ako. Dito ay malaya ang isip mong maglakbay sa mga mundong hindi mo man lang nalaman o narinig noong bata ka. Walang tama o mali sa mga opinion o pananaw mo tungkol sa mga bagay-bagy. Lahat ay natatalakay ng masinsinan at may natututunan ka sa bawat kaklase mong nagbabahagi ng kanilang karanasan tungkol sa aspeto ng buhay (kaibigan, pamilya, pangarap, pag-ibig, kinakatakutan) Hanga ako propesor na nagtuturo sa amin. Ikaw na mismo ang manghihinayang kapag um-absent ka sa klase nya.
Ang paksa ng aming talakayan ngayon ay umiikot sa tinatawag na “Pag Ibig”. Interasado ang lahat na makinig at magbigay opinion. Ako man ay gusto kong pag-usapan ang mga bagay na ito. Dumating sa punto na napunta ang usapan sa lovelife ng bawat isa. Medyo kinilabutan ako dahil isa-isang tinatanong ng aming propesor ang lahat ng mga nasa unahan at isa na ako doon. Ganito yung naging takbo.
<…>Prof:nato-torpe ka ba…?
<…>Jeck:hindi sir… ang lakas nga ng loob eh..
<…>Prof:ikaw…Mr.Valerio..?
<…>Elvis:Basted nga sir eh…?
<…>Prof:ikaw..(tinuro ako)
<…>Ako:di po Sir,..?
…..sunod-sunod na ang mga naging katanungan sa akin..di ko alam kung bakit….
<…>Prof:May-girlfriend ka ba ngayon,,?
<..>Ako:Wala nga po eh..?
<…>Prof:Pero may nililigawan ka ngayon..?
<..>Ako:opo..kaso basted po…?
<..>Prof:kalian ka huling nanligaw…?
<…>Ako:Last Year po…?
<…>Prof:Ibig sabihin, matagal na?
<…>Ako:Di naman po, actually itong December lang po….. mga 17 at yun…wala eh… ganun talaga,,,kailangan tanggapin yung mga nangyare…
Nabaling naman ang pagtatanong nya sa mga babae….di ko alam kung nagkataon lang o talagang may alam sya tungkol sa buhay pag-ibig ng pamangkin (Avril) nya…..
<…>Prof:Ikaw Ms.Avril, may manliligaw ka naba…?
<…>Sya:(actually di ko narinig ang naging kasagutan nya dahil sa ingay ng klase…pero palagay ko hindi yung naging sagot nya eh,,,)
<…>Prof:Eh..Paano yan kung may Nanligaw sayo…
<…>Sya:(palagay kong naging sagot nya)..Ligawan po muna nila ung Mama ko, bago nila ako ligawan..
…Marami pa yung naging tanong sa kanya…kaso hindi ko na maalala yung mga naging eksaktong usapan ng dalawa….
Di ko malaman yung magiging reaksyon ko nung mga sandaling iyon…ang awkward. Bago matapos ang aming klase ay nagbigay sya ng takdang aralin…pinapagawa kami ng sanaysay na ang title ay “Marunong ba akong Umibig?”….paniguradong marami akong maisusulat tungkol sa topic na ito…siguro , puro experience ko ang mailalagay ko sa sanaysay….
Nag-dismiss na sya ng klase at nag-umpisa nang magsi-alisan ang mga kaklase ko…tahimik akong tumayo at mabagal na lumakad palabas. Tumigil ako ng saglit.. di ko napansing kasunuran ko syang maglakad. Kinausap nya ulit ako..
<…>torres..mag comment ka dun at mag-suggest tungkol sa isusulat ko ah…?
<…>sige sige…nasaan ba…?
<…>Na kay Enri un kunin mo na lng…
<…>ok
(sabay mahinang suntok sa akin sa braso ng dalawang beses…Napangiti ako…at mabilis na lumakad)
Nakita ko si Joy at agad ko syang nilapitan sabay banggit…
<…>Pre…..!! Hwahahahahah…. J
<…>hahaha…ano pre…?
<…>hahah..hindi ba nagkataon lang o talagang alam nya…?
<…>hahahha..nga eh..? di ko alam kung matutuwa ako maasar..
(natapos nang kumain, tumambay ng kaunti, nag klase sa history at nang mag uwian)
Tinanong ko sya…
(tinapik ko sya sa balikat)
<…> Nasaan na ung Noteboke…?
<…> Na kay Elvis eh.. Nag susulat pa sya…?
Lumabas ako ng kwarto….Mabagal ang takbo ng oras..Wala akong kasiguraduhan sa pupuntahan ko. Malalim ang aking iniisip..Ano ba talaga…
Marahan akong lumapit sa kanya….nandun pa rin ang pagka-ilang at may kaunting kaba na para bang may daga na nagsisipagtakbuhan sa aking dibdib, pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng bag nya pababa na tipong matutumba sya, pagsuntok sa mga braso nyang parang mababali pag napalakas, paghawak lagi ng ulo nya na parang batang ginugulo ang buhok nya at ang simpleng pag tulak ko sa kanya bago umuwi at sasabihan kang “bye torres J”.
Tinanong ko sya ko sya…..
<…Avril..May kasabay ka bang pauwe..? J
<…>Meron…Kasabay ko na si Dustin eh..? :|
<…>ah ok..Next time na lang… L
Marahan akong lumakad palayo sa kanya..Di ko alam kung saan ako pupunta..nabibingi ako..nabasag ang baon kong pag-asang magbabalik na sa dati ang lahat. Gusto kong sumigaw ng napakalakas…wala akong magawa kundi ang manahimik…pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Elvis…kinuha ko sa kanya yung notebook ni Avril. Agad na akong bumaba. Sadyang binabagalan ko ang paglakad upang mauna sila sa pag-uwi.#
BINABASA MO ANG
College Journal (Ang Diary ni Pong)
General Fiction" pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng ba...