“If you are passionate about something, pursue it, no matter what anyone else thinks. That’s how dreams are achieved.”
Anonymous
Walang Klase
Sabado, Enero 17, 2014, 9:53 am
Noong myerkules pa lang ay inimbitahan na ako nina Donna at Dianne na sumama kina Dustin sa byernes dahil nga walang klase, si Akhy din at si Ime ay inimbatahan din ako noong huwebes. Alam kong kasama din sya doon sa byernes kaya pumayag ako.
Umaga ng byernes ay naghanda na ako para pumunta ng school. Magpapagawa ako ng certificate of grades at magpapasa ako ng parental consent para sa PAEStigan IV.
Nasa school na ako at agad akong dumiresto sa Voc Tech para tignan kung sino ang mga gumagawa ng mga woodworks. Deadline na kasi nun at pag di natapos ay pasensyahan daw. Pag-pasok ko ay naabutan ko si April na palabas naman. Ayun nagkamustahan, nabanggit ko nga na magpapagawa ako ng certificate of grades at magpapasa ako ng parental consent. At ayun sinamahan naman nya ako. Kwentuhan lang naman kami ng kung anu-ano hanggang makarating kami ng admin. Wew. Malapit na kasi ang graduation at marami talaga ang nagpapa-evaluate ng mga grades.
Nag decide ako na pumunta muna kami sa SANRI upang tignan kung nandoon si Kuya Peng. Habang naglalakd ay maraming taga-CAM ang naglilinis ng paligid, ewan ko kung project ng org nila. Patuloy lang kami sa paglakad nang may narinig ako na ganito “Ay anu ba yan, din a namamansin”, napalingon ako at pagtingin ko, si Jenifer pala, kalase ko noong high school ako. Agad kong nilapitan at kinurot ang mga pisngi neto.
<…>oh .. kamusta..?
<…>ikaw ha,,? Di ka na namamansin…
<…>di naman,,, talagang nagmamadali lang kami.
<…>pinagpalit mo na ako ah…?
<…>hindi..kaklase ko lang sya.. nagpasama lang ako kasi may inaasikaso ako.
<…>kala ko ba ililibre mo ko..
<…>wala ngang pera eh..
<…>(hawak ko yung kamay nya… tinititigan ko…maya-maya ay unti-unti kong hinatak)
<…>haha…sige alis na ako..!
<…>sige..
Kaklase ko sya noong high school, closed friends ko at noong college ay sinasama ako sa gala nialang magbabarkda.
Pagdating ng SANRI, Tinanong ko si Ka Bobet kung nandoon si kuya Peng at iyon, kakaalis lang daw nya, saying naman. Bumalik na kami ng admin para magpagawa ng grades.
Habang naglalakad kami ni April ay napag-uusapan lang naman naming ang mga experiences naming noong high school at college. Yun, pinahiram ko muna sa kanya yung luma kong journal para basahin. Umakyat kami ng COA para tignan kung nandoon si Engr. Ramon. Eh wala. Tambay ng kaunti sa room 106. Nakausap ko si Ailyn, Third year AE, haha tinignan nya yung journal ko at nabanggit nya na meron din daw sya neto dati kaso may nagka-interest daw kaya nawala. Matapos ang medyo mahabang usapan. Bumaba na kami ni April para bumalik ng voch tech. papasok na ako ng biglang narinig ko ang boses nya, napaatras ako nagsabi kay April na uuwi na ako.
(Lakad na ako pauwi…pagdating ng gate nakita ko si Lannie at Joy…puntahan ko sa ung kaklase ko ng high school kaso wala dun. Tambay ng kaunti sa tapat ng bahay nila, balik ulit ng school. Nagdisi-otso meal habang nagsulat ng kung anu anu, pinuntahan si Engr. Ramon….nagpatulong gumawa ng travel report…tapos…nakita ko si Joy at Avril na magkasama,,,matapos ang pagtulong kay Engr.… busog-busog dahil sa dalawang ulam..munggo at bopis…isat-kalahating kanin at sabaw…at nagpaalam na ako kay sir na pupunta muna akong voch tech)
Habang naglalakad nag-iisip ako kung bakit di pa sila nag-tetext sa akin na pumunta na dun. Tingin ko parang di na matutuloy siguro yun. Patuloy ako sa paglalakad. Titignan ko kung nandoon pa sya.
Nakasalubong ko si Joy sa daan at bakit si Anne ang kasabay nya? Medyo tumakbo akong lumapit sa kanila at tinanong kung nasaan na sya..
<..>nasaan na sya..?
<…> wala nga pre eh..
<…> bakit..?
<…>haha..tagal kong nakatayo doon at nanonood ng mga nagpupukpok…ayun bigla na lang silang nawala..
<…>san daw sila papunta…?
<…>sa bahay Dustin yun..
<…>ah…bakit hindi ka sumama..?
<…> yun nga eh…sabi nya did aw sya sasama dun pag ng di ako kasama..lunok pride sabi ko sige sama ako kahit makipagplastikan ako..ayun nawala..
<…>hahah…peram akong diary mo..
<…>ay nandyan sa bag kunin mo na lang..
<…>alin dito,,,
<…>kunin mo yung pink at green.. yung green basahin mo na habang naglalakad tayo..magsusulat ako mamaya..
Haha..patuloy lang ang paglalakad namin habang nagkukwentuhan.. nag aya akong sa dorm muna nila ako…at pumayag naman sya.. napag usapan nga#
BINABASA MO ANG
College Journal (Ang Diary ni Pong)
General Fiction" pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng ba...