“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow. The important thing is not to stop questioning.”
Albert Einstein
Sirit
Biyernes, Enero 17,2014, 1:29 am
Actually, pasukan pa lang inaabangan ko na ang pagpasok ni Joy. Eh kaso nasa Ilocos pa ata nung first week ng pasukan matapos ang holiday kaya ayun nahihirapan akong sumagap ng impormasyon tungkol kay Avril. Sya nga yung kauna-unahang nakaalam ng lahat ng mga nangyari sa amin. Kahapon ay nagkausap din kami ng hagot sa wakas. Kinamusta nya ako sa estado ko ngayon. Nabanggit ko naman na tuwang tuwa ako na kinausap nya ako nung myerkules para magbigay ng comment sa gagawin nyang kwento. Sa kanya tumakbo ang usapan naming dalawa.
Nabanggit nya na namomoblema din si Avril,gawa ng hindi naming pagpapansinan. Sa mga kaibigan nga lang nya, big deal na friendship problems, eh paano pa kaya yung love life?. Oo grabe kiligin yung tao na yun pag dating sa usapang pag-ibig , pero nung sya na mismo ang nasa ganitong sitwasyon. Di pa sya handang pasukin ang mga ganitong bagay. Nabanggit pa nga nya sa Mama nya na mga ma-madre na lang daw sya.hahaha…
Nasiyahan ako sa mga sinabi nya, nabanggit ko na tanggap ko naman, hindi ko nga lang masasabi kung hanggang kalian ako ganito basta ngayon eto yung nararamdaman ko sa kanya. Atleast nasabi ko yung tunay na nararamdaman ko sa kanya, di nga lang pwede.#
BINABASA MO ANG
College Journal (Ang Diary ni Pong)
Ficção Geral" pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng ba...