“I think if I've learned anything about friendship, it's to hang in, stay connected, fight for them, and let them fight for you. Don't walk away, don't be distracted, don't be too busy or tired, don't take them for granted. Friends are part of the glue that holds life and faith together. Powerful stuff.”
Jon Katz
Sayaw
Gusto kong mag-kwento ng tungkol kay Avril. Gusto kong isulat kung paano ba nag-umpisa ang pagkakaibigan naming dalawa. Gusto kong alalahanin kung yung mga araw na magkasama kami, paano nya akong asarin, kung paano nag-umpisa ang pambubully ko sa kanya at paano kami naging close sa isa’t-isa.
Sa umpisa pa lang wala sa isip ko na magiging magkaibigan kami. Bakit? Ang first impression ko sa kanya, nerd at wala siguro masyadong kaibigan tong tao na ito. Tahimik at ni minsan di man lang kami nag-usap noong first sem. Wala lang. just an ordinary classmate.
Madalas ay nakikita ko syang kasama ni Dustin sa maghapon na klase. Makikita ko na lang silang dalawa, minsan na parang ang lalim lagi ang mga pinag-uusapan. Ewan ko kung anu un.haha…
One time, second sem ata yun, nagkaroon ang klase naming ng requirements sa P.E. na mag pe-perform ng modern dance. At syempre, ako naman medyo magaslaw kung gumalaw. Kaya minsan ay natutukso akong parang tangang sumayaw.
Nag umpisa na nga ang praktis sa sayaw. Haha…as usual, sayaw-sayaw na hinahaluan ng kaunting kalandian. Ung tipong pag may steps na kakaiba ay nilalagyan ko ng katarantaduhan, minsan kasi boaring ang praktis kaya parang pagpapatawa ko na rin yun.
Ewan ko kung saan nag-umpisa yun. One time, pinag-tatawanan nya ako sa sayaw ko, normal lang naman. Minsan, tatawagin ako nyan at gagayahin nya yung moves ko na nakakatawa at sabay tawa. Dun parang inaraw-araw nya ang ganung Gawain sa akin. Pagti-tripan ko rin. Kahit sino naming babae sa amin binu-bully ko.
Tapos na ang performance at ganun pa rin sya ng ganun. Haha, hanggang one time unti-unti ko na rin syang binu-bully, pero di ganun ka lala gaya ng ginagawa ko kay Aira at Shierra. Ayun simpleng asar lang at hampas ng bag.
Lumipas ang bakasyon at 2nd year na kami. Dito lumalala ang pang bubully ko sa kanya (Ung Bully kasi sa amin eh panghaharot). Noon kasi, si Aira ang madalas kong kabugbugan at ka-trip sa mga ewan na pambubully, eh nung tumigil. Nawalan na ako ng mabubully.
Ilang linggo ang lumipas, ginagaya na naman nya ang mga moves ko sa sayaw. Ayun nag-umpisa na yung pambubully ko sa kanya. Pagkakasabi ko pa ata sa kanya…”haha…wala na si Aira,,,ikaw naman ang bubullyhin ko ngayun.”
Hanggang sa doon na nga, nagtuloy-tuloy na iyon. Minsan pag naka-upo, hahatakin ko yung sapatos nun, hahampasin ang bag minsan, susuntukin ko ng pagkahina-hina ang kanyang malambot na braso, kukurutin ang kanyang pisngi, tapos aasarin ko yan.
Minsan, nagkakausap din kami tungkol sa ibat-ibang bagay at ayun hanggang sa maging friends na talaga kami.
Napansin kong madalang na silang nagkakausap ni Dustin at medyo iwas sya kay Donna. Inaasar ko na mas gusto ni Dustin na kasama si Donna kaysa sa kanya. Tapos tuloy pa rin ung mga ganun. Hanggang sa minsan ay sabay na kami nyan umuwi.
Tapos, minsan noong magkasabay kaming umuwi. Nag-oopen na sya sa akin tungkol sa nangyayari sa kanya. Nakikinig lang naman ako sa mga ino-open nya sa akin, minsan nagbibigay din ako ng point of view ko sa mga problema nya sa kaibigan. Hanggang sa naging madalas na ang ganitong pangyayari.
Minsan, naiisip ko na mahirap mawalay sa mga ganitong tao. Tipong di ka nagsisisi na nagka-kilala kayo at naglalaan ka talaga ng oras para sa kanya, madalas kang makinig sa mga hinaing nya, mga tawanan, tutulungan mo pag nangangailangan, tapos sasamahan mo kung saan man magpunta. Basta yung mga moment na ganun.
Pero minsan talaga, di maiiwasan ang mga di inaasahang mangyayari habang tumatagal ang pagkakaibigan nyo, mga pagkakataong di lubos maisip na mangyayari at mga bagay na magagawa mo na hanggang sa ngayon ay nararamdaman ko ang mahirap na kapalit
#
BINABASA MO ANG
College Journal (Ang Diary ni Pong)
General Fiction" pero lumapit pa rin ako upang subukan maibalik ang nakaraan….nakaraang sya ang mag-aaya na sabay na kaming umuwi, habang pauwi ay tawanan sa mga kwentong meron sya, palagiang pag-kurot sa mga malalambot nyang mga pisngi, madalas na pag hatak ng ba...