Sa Wakas (huling bahagi)

75 0 0
                                    

“Whatever you accept completely will take you to peace including the acceptance that you cannot accept;that you are in resistance”

Eckhart Tolle

Sa Wakas (huling bahagi)

Biyernes, January 17, 2014, 12:04 am

Pinili ko ang mahabang ruta sa paglalakad pauwi. Wala akong ideya kung saan sya dumaan noong mga sandali na iyon. Iniisip ko pa rin ang nangyari bago ako umuwi. Wala akong ideya kung papaano pa maayos ang gusot na ito, malapit na ako makarating malapit sa hagdan, short cut to CoA. Nakita ko sya, kasabay nya si Dustin sa paglakad pababa habang nauuna naman sa kanila sila Donna, Diane at Wilmer sa pagbaba ng hagdan. Tinuloy ko lang ang paglalakad na tilang wala akong pakialaam sa kanila. Tumigil sina Donna at Diane habang patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa direksyon nila. Sinabayan ako ng dalawa sa paglakad at pinagitnaan ako. Syempre kailangan normal pa rin ang kilos na parang walang iniiwasan.

Nagkamustahan lang naman kami ni Donna at ibinalita nya sa akin natutuwa daw ang nanay nya tinanggap ko ang alok nilang maging ninong ako sa binyag ng kanyang kapatid. Sa katunayan, unang pagkakataon ko magiging ninong ng binyag kung sakali. Hindi kaya senyales na matanda na ako. Kadalasang malalapit na kaibigan ng magulang o di kaya’y mga mayayaman na kakilala ang mga madalas imbitahan na maging ninong at ninang sa binyag. Tinanong ko kung ako lang ba ang naimbitahan na maging ninong sa mga kaklase naming. Nabanggit nya rin sina Diane at Dustin ay inimbitahan din ng kanyang nanay na maging ninong at ninang sa binyag. Medyo naging dyahe lang yung paglalakad namin. Nakakapit kasi sa braso ko si Donna na parang mag-jowa ang ganap. Naririnig ko pa ang mga kantyawan sa likod. Im not sure kung nakikantyaw din sya sa amin. But anyways hindi naman big deal, magkaibigan lang kami at walang malisya doon. Napakalamig kasi noong mga panahon na yon at para kang nasa loob ng mall na sobrang lakas ng aircon.

Paglabas ng gate sa school. Nasa unahan na silang lahat. Ako at si Jupeth ang nasa likuran nila.  Nacu-curious ako sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi naman sa nagseselos akong nakikita ko silang magkasabay lumakad. Alam kong mahaba na ang pinagsamahan nila. At sino naman ako para umepal sa mga moment na ganun. Patuloy ang lakad pauwi, malalim na naman ang mga iniisip ko. Hindi ko napansin na nasa baryo na pala kami. Biglang nag-iba ng direksyon sa paglalakad yung lima. Patungo sa dorm nila Joy. Nagpaalam na sila na doon sila papunta. Nag-iba na rin ng direksyon si Jupeth at ako ay dumiretso patungong crossing.

Palubog na ang araw, patuloy parin pag-iisip habang naglalakad. Kinuha ko sa aking bag yung notebook na sinasabi nya. Binasa ko ng pahapyaw ang nilalaman neto. Ang title eh “@nimeyted Story”, pambata ang title pero ayos naman. Prologue pa lang ang nagagawa nya at nung binasa ko ay naging pamilyar ako sa mga nakasulat. Parang nabasa ko na yung mga statement na yun. Anyways gumamit naman sya ng quotation mark, walang kaso yun. Eto yun eh..sa pagkakatanda ko lang. pero di ito yung eksaktong sinulat nya.

>>>”kinagat mo na ba yung bakal ng mongol pencil para lumabas ang pambura nito?”

>>>”pumapapak ka ba ng Milo?”

>>>”Nagsususlat ka ba sa salamin ng maduming sasakyan?”

>>>”Kumakanta ka ba sa harap ng electric fan?”

Pag uwi ko ng bahay ay ipinagpatuloy ko ang pagbasa ng prologue na ginawa nya. Nagtataka ako kung sino si skater boy. Pamilyar sa akin kasi yun, nung nakaraang taon ay nag GM sya, nilagay nya yung lyrics ng skater boy ni avril lavigne. Palagay ko eh totoo si skater boy sa kwento. Ang bida sa gagawin nyang istorya ay si Lian Mae, 17 Na taong gulang at college. Di kaya sya mismo yun? Ang kwento, mag she-share daw sya ng mga experiences simula pagkabata hanggang mag college.

Sa totoo lang ang gusto ko talagang mabasa  yung diary nya. Gusto kong malaman kung ano yung mga naisulat nya nung mga panahon nagaganap na ang malakihang pagbabago sa pagkakaibigan naming dalawa. Gusto kong malaman kung ano ang mga iniisip nya nung mga panahon na ipinagtapat ko nararamdaman ko sa kanya. Kaso parang Malabo pa sa ngayon, pero gagawa ako ng paraan para mabasa yun.#

College Journal (Ang Diary ni Pong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon