CHAPTER 2

32 3 11
                                    

•Melissa Faye's POV•

Maaga ako ngayon nagising kaya maaga rin ako pumasok sa St. Nicholas University.

Naka plug ang earphones ko at nakikinig ng music. Habang naglalakad sa hallway, may nabangga ako kaya nahulog yung mga librong dala ko.

Agad kong pinulot iyon at humingi ng tawad sa nabangga ko.

"Sorry po ku-" nang inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yon, pinutol ko yung sasabihin ko.

"Tsk, hindi ka nanaman tumitingin sa dinadaanan mo." Sabi niya, ni Ranz.

"Sorry na nga diba?"

"Okay." Tipid niyang sagot tsaka tinalikuran ako. Ibang klase rin.

Pumunta na ako ng room at hinanap ko agad si Leah. Wala pa siya kaya umupo na ako sa upuan ko. Sakto namang dumating si Ranz at umupo rin sa tabi ko.

May dala siyang libro.

WOW

Vince and Kath <3 yung libro mga bes.

"Bakit?" Napansin niya atang nakatingin ako sa libro niya.

"Uhm nothing." Tsaka umiwas ng tingin sakanya.

"Hulaan ko, alam mo rin itong Vince and Kath, noh?" Tumango lang ako.

"Ahhh gusto mo ba humiram?" Kuminang yung mata ko sa sinabi niya. Seriously? Ipapahiram niya talaga yun?

"Puwede ba?" Tanong ko habang nakangiti.

"Hindi puwede." Sabi niya kaya naman napa poker face nalang ako.

Nakakainis talaga tong si Ranz -_-

"Hahahaha!" Luh? Tumawa? Baliw talaga.

"Ano namang nakakatawa?" Tanong ko.

"Wala, sabi ko ang cute mo." Natatawa pa niyang sabi. I think, my face is turning red. It's not because I'm blushing, It's because I'm just, you know. Pag sinabihan ka naman talagang cute ka, mapapangiti ka nalang na parang ewan.

"Why are you blushing?" Tanong niya kaya naman hinawakan ko yung magkabila kong pisngi.

"Hindi noh!" Pagmamaktol ko pa.

"Yieeeeeee kinilig siya. Hahahaha!"

"Hoy huwag ka ngang assuming! Asa ka naman noh!" Sabi ko kaya naman yung mga kaklase naming nandito, napatingin saamin.

"EHEM!"

"Yieeeeeeeeeeeeee!"

"Yadadayyyyyyyyyy!"

"Uy yung dalawaaaa!"

"Bagay kayo!"

-________-

Pinagsasabi nila? Sinamaan ko nga sila ng tingin.

"Uy bagay daw tayo." Sabi naman ni Ranz at sinundot yung tagiliran ko. ANO BA RANZ MAY KILITI AKO DYAN!

Pinalo ko naman siya sa braso niya para matigil yung pag kiliti niya saakin. Punyeta!

"Anong bagay?! Bagay mo mukha mo! Baliw!" Sabi ko tapos siya tumatawa nanaman. Baliw talaga -_-

"HAHAHAHA!" Hinayaan ko nalang siyang tumatawa tawa na parang baliw. I mean, baliw na nga talaga siya.

Sakto namang dumating si mam. Si Leah wala parin. Siguro late lang?

Naglesson naman agad si mam at pagkatapos, nag ring na rin yung bell.

Dared To Be Love (On-going)Where stories live. Discover now