CHAPTER 4

37 3 12
                                    

•John Archie's POV•

Kasalukuyang naglalakad ako palabas ng campus pero nakasalubong ko si Ken.

"Hey bro, di ka pa uuwi?" Tanong ko.

"Di pa bro, ikaw?"

"Hindi pa naman. Tara bar tayo?" Ayan nanaman siya. Mag ba-bar nanaman.

"Baliw ka bro, nandito si mom sa Pinas kaya hindi ako puwedeng uminom, mag bar at mag yosi. Alam mo naman yun." Sabi ko. Mapapagalitan ako ni mom eh.

"Okay. Pero mag bumalik na ng states ang mom mo, mag bar tayo."

"Loko ka talaga bro. Sadyang womanizer lang ako, pero hindi ako lasinggero."

"Psh, ewan ko sayo." Sabi niya pa.

"Teka, nahanap mo na ba si Lisa? Yung sabi mong childhood friend mo?" Tanong ko. May hinahanap kasi siyang babae eh. Pero hindi niya pa ata nakikita.

"Actually hindi pa eh. Pero si Melissa? Pakiramdam ko nagkita na kami dati. Siguro hindi naman? Hays, ewan ko. Kasi pag kasama ko siya, pakiramdam ko kasama ko rin si Lisa. Ewan ko bro, naguguluhan rin ako." Sabi pa niya.

Imposible namang maging si Lisa si Melissa? Hindi ko pa naman nakikita dati yung tinutukoy niyang Lisa eh.

"Maybe?" Yan lang yung nasagot ko. Eh wala naman akong mabibigay na advice sakanya.

"Pero, look bro. Magaling siyang sumayaw tsaka kamukha ng mama niya yung mama ni Lisa ." Ha? Hindi ko pa nga nakikita kung anong itsura ng mama niya.

"Sure ka ba dyan bro? Baka magkamukha lang? Imposible namang siya nga yun." Sabi ko. Imposible naman talaga, diba?

"I don't know bro. Pero we need to investigate. Kailangan nating malaman ang mga facts about kay Melissa. Okay?"

"Okay. Kung yan ang gusto mo. Pero, paano kung  hindi nga siya yun? Paano kung hindi mo na talaga mahanap yung tinutukoy mong Lisa?"

"I won't give up."

"Okay, desisyon mo yan. Tsaka bakit naman si Melissa ang naisip mong siya si Lisa?" Tanong ko.

"Kasi bro, nung nagkalapit ang mukha namin. Eh kasi ganito yon bruh, pababa kami ng hagdan non at nasa likod niya ako. Bigla naman siyang huminto kaya natulak ko siya buti nga at nasalo ko pa at duon na nagkalapit ang mukha namin. Bro kasi, my heart beats so fast that time eh. Hindi ko ma- explain yung feeling na yon." Mahabang salaysay nito.

"Siguro the two of you are destined?"

"Tumigil ka nga! Kahit na ganon yung naramdaman ko, I hate her parin."

"Okay, teka. Si Leah yun diba?" Agad ko namang nakita si Leah na naglalakad.

"Oo, si Leah nga. Bakit?"

"Basta, susundan ko lang."

"Huwag mong sabihing may gusto ka sakanya? Bro, may gusto ka nga ba?" Tanong niya pa. Well, siguro.

"Maybe?"

"Eh pano si Pauline?"

"Bro, she's my ex now. Wala na akong pakialam sakanya." Sabi ko pa. Oo, ex ko si Pauline. Hindi ko naman talaga siya sineryoso eh, siya kasi sineryoso niya.

"Eh habol parin siya ng habol sayo bro." Sabi pa niya.

"Mapapagod nalang yun, tsaka gusto ko na si Leah eh."

"So si Leah naman ang sasaktan mo?" Umiling ako. Hindi ko naman siya sasaktan.

"Susundan ko na siya bro. Bye!" Sabi ko at sinundan ko na nga si Leah. Ewan ko ba, na love at first sight ata ako sakanya.

Dared To Be Love (On-going)Where stories live. Discover now