•Melissa Faye's POV•
Kasalukuyang nag lalakad kami ngayon ni Ranz pabalik ng classroom. Eh kasi nga diba, pinatawag kami ni sir Kokey kanina.
Buwisit kasi eh! Dapat hindi nalang kami pinartner dun sa interpretative thingy na yun.
Buti nga kung may dagdag grades yun eh wala naman. Puro ka ek ekan lang naman ni sir.
Nakakabingi. Wala kasi saming nagsasalita. Naglalakad lang kami at si Ranz naman naka headset. Eh ako? Hindi ako mapakali.
Nakita ko naman si Leah na kasama si Archie. Bagay sila, huehue.
"Bro, naks ah! Naka pogi points ka dyan!" Bungad ni Ranz at si Archie naman ngumiti. Kaloka ah, kelegers?
Si Leah naman, hindi maipinta ang mukha. Hahaha. Maasar nga mamaya paguwi.
"Ikaw rin kaya." Sabi naman ni Archie. Ngayon, ako naman yung hindi maipinta yung mukha. Pinagsasasabi niya?
"Loko ka pre. Nga pala, kumain na kayo?" -Ranz
"Uhm, kakatapos pa lang." Sabi ni Archie sabay kamot sa batok.
"Yieeeeeeeee!" Pang aasar ko sabay sundot sa tagiliran ni bestpren. Hahaha, kakatapos palang ah.
"Baliw ka talaga mars, noh?" Sabi naman niya tsaka inirapan ako. Wow ah, pag siya aasar okay lang sakanya.
"Hahahahaha!" Tawa nalang ako ng tawa kaya iniwan nila ako dito. Nakakainis!
Sinundan ko sila papuntang canteen pero bago pa ako makatungo duon, something catch my attention.
Pumunta ako sa may bilihan ng mga, uhmmm, mga-- ah basta! Parang gift shop lang.
Pagkapunta na pagkapunta ko duon, kinuha ko agad yung malaking panda na Teddy Bear.
"Wahhhhh! Pandaaaaa!" Sigaw ko. Ayos si manang ah, nagtinda ng ganito malapit sa canteen. Buti naman at hindi siya pinagbawalan.
Tsaka okay naman yung puwesto niya dito. Katabi lang naman ng cake frost.
"Ate magkano po ito?" Makinang kinang na mata kong tanong. Hanggang ngayon yakap yakap ko parin yung panda.
I'll do anything for panda!
I could die, just to buy a panda.....
That's why, I love panda so much, that's all.
"500 pesos po mam."
Grabe ang mahal naman. Pero okay na rin, malaki naman siya. Wahhh! <3
Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko tsaka binayad kay ateng nagtitinda yung buong 500 pesos.
Halos mapunit ko na nga yung teddy bear kasi nanggigigil na talaga ako dito. Hahaha.
Pero anyways, dumiretso na ako sa canteen. Nagugutom na ako eh.
Pagdating ko dun, naabutan ko silang nagtatawanan. Hindi ko na sila pinansin, nilagpasan ko lang sila at nag order ng pagkain.
Nag order ako ng pork chop with whole rice, isang a ten na fries, isang boteng softdrinks, banana cake tsaka yung brownies.
Umupo ako sa tabi lang ng table nila. Wala lang, trip ko lang mag tampu tampuhan. Hahaha.
"Mars!" Tawag sakin ni Leah. Hindi ko sana lilingunin eh pero naisip kong lingunin nalang. Pucha di ko siya matiis.
Yahhhh! Best friends are the best couple!
"Hmmmn?" -ako
"Bakit ka nandyan? Dito ka samin!" Sabi naman ni Leah na winawayway ako nung tinidor na para bang pinapapunta niya ako sa place nila.
YOU ARE READING
Dared To Be Love (On-going)
FanfictionThe more you hate, the more you love -kimieparzzz