CHAPTER 5

31 3 0
                                    

•Melissa Faye's POV•

Kakagising ko lang kaya eto ako ngayon, naguunat unat. Linggo kasi ngayon at walang pasok kaya tinanghali na ako ng gising.

Bago ako bumaba, naghilamos muna ako ng mukha. I also check my phone kung may nag text ba or what pero wala naman.

Dali dali akong bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom.

Well, lagi naman >.<

At yun na nga, tulog pa rin si kuya. Nakatulog nanaman sa sofa.

Kumain ako ng paborito kong adobo!! Hahaha, oo paborito ko yun. Lalo na kapag chicken adobo. Okay sml, share man lang.

Pagkatapos kong kumain, biglang may nag door bell kaya binuksan ko naman yung pinto, pero bago yun, inipit ko yung buhok ko in a messy bun. Kalay kalay na kasi eh, badtrip.

At yun na nga, binuksan ko yung gate.

O.O

Bakit siya nandito?!

Si Ranz ang nasa harap ko ngayon. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Yes?" Sabi ko na nakapamewang.

"Taba, nandyan ba kuya mo?" Leche talaga, pinalo ko naman siya, tapos mahina siyang tumawa.

"Biro lang! Nandyan ba kuya mo?" Sabi pa niya. Biro biro, biro niya mukha niya. Lagi niya nga akong tinatawag na taba eh, tapos biro lang? Nagpapatawa ba siya?

"Nandito, bakit?" -ako

"Ahm, tatanungin ko lang sana kung bakit hindi siya nag attend ng practice sa basketball kanina." -Ranz

"Tulog pa eh. Baka nakalimot na." Natatawa ko pang sabi.

"Tsk, kaya naman pala. Nagalit tuloy sakanya si coach." -Ranz

"Sige, hanapin mo nalang kung saang lupalop sa mundo yung pake ko." -ako

"Hindi ko naman kailangan yung pake mo." Sabi niya na naka poker face.

"Yun lang ba sasabihin mo?" Tanong ko. Nasasayang oras ko sakanya eh -_-

"Uhm, meron pa." Tumaas naman yung kanang kilay ko sa sinabi niya. Ano nanaman kaya ang kailangan ng ugok na to?

"May pag kain ba kayo dyan?" At ngayon, nakakunot na ang noo ko. Mukha bang karinderya ang bahay namin? Psh -_-

"Bakit, hihingi ka?" Tanong ko. Napaisip naman siya ng ilang segundo tsaka nag salita.

"Kung meron, makikikain nalang ako sainyo. Hindi naman bawal yun, diba?" Lalong kumunot yung noo ko.

"BAWAL! WALA KAMING PAGKAIN!" Sigaw ko. Wala akong pake kung may mag reklamo sa isa sa aming mga kapit bahay. Bahala sila sa life nila.

"Eh ano yang hawak mo?" Sabi niya at ginamit niya ang nguso niya para maturo yung hawak kong tinidor na may adobong manok.

Leshengina nga naman talaga.

Bakit ba kasi dala dala ko pa to? Tsk! Nabuking tuloy ako ng ugok na to. Hays life.

"Tsk, oo na oo na! Pasok na!" Sabi ko. No choice eh. Tsaka pipilitin rin naman ako ng ugok na yan. Kung hindi, iba-blackmail ako niyan.

Pumasok na kami sa loob at nakita naming gising na rin si sleeping lion, este si kuya.

"Oh bro, bakit ka nandito?" Tanong ni kuya na pakamot kamot pa sa batok niya. Bagong gising eh.

"Uhm, makikikain lang sana ako bro." Sabi naman ni Ranz. Feeling at hone talaga itong ugok na to. Nakaka badtrip.

"Tsk, kayaman yaman tapos makikikain." Sabi naman ni kuya.

Dared To Be Love (On-going)Where stories live. Discover now