Maris
Malapit na, napakalapit na, ayan na kaunti na lang. Ramdam kong namamawis na ang aking mga kamay sa nerbyos sapagkat ngayon ang araw na ilalabas ang resulta ng aming unang sangkapat na grado. Kabadong kabado akong tila'y di na mapakali sapagkat napakalaki ng tumbas ng aking grado sa aking mga mata.
"Miss Enriquez!", ayan na, tinawag niya na ang aking pangalan, ramdam ko ang mga tinginan ng aking mga kamag-aral habang papalapit ako sa aking guro.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo at bumaba ng labis ang iyong grado ngunit nais ko lamang sabihin na maaari kang kumuha ng Remidyal upang pumasa" sabi ng aking guro.
Bagsak balikat kong tinanggap ang aking kard at nanlulumong naglakad pabalik sa aking upuan. Iniisip ko kung ano ang maaari kong gawing katwiran sa aking ina kung bakit ako bumagsak.
"Ayan ang nararapat sa mga taong nagtatali-talinuhan lamang. Isa kang mangmang na nagpapanggap lamang na matalino kahit hindi naman!" Sambit ni Catherine. Ang matalik kong kaaway.
Nainis ako sa kaniyang mga sinambit kaya't napatayo ako at balak na sana siyang sampalin ng biglang-----"Mackenzie! Bumangon ka na dyan at may pasok ka pa! Seryoso? Kung kailan ba nama'y malapit ko ng masampal ang aking pinakamamahal na kaaway ay nanggising siya?Nakabusangot ang aking mukha habang papunta sa banyo. Habang naghihilamos ay naisip ko ang aking panaginip, hindi pwedeng mangyari iyon. Noong nabubuhay pa si papa ay pinangako ko sa kaniyang pananatilihin kong mataas ang aking grado katulad ng sa kaniya. Labis kong iniidolo ang aking ama at ayaw ko siyang biguin. Kaya't pinangako ko sa sarili kong mag aaral ako kahit ba'y patamad tamad ako.
Hindi ako ang tipo ng taong may mataas na antas ng kaalaman. Masasabing matalino ako ngunit hanggang doon lamang. Hindi ako tulad ng ibang tinatawag nilang henyo.
Naligo na lamang ako at naghandang pumasok sa eskwela. Kasabay kong kumakain si mama na nananahimik lamang na pinagtatakha ko. Susubo na sana ako ulit ng bigla siyang magsalita.
"Anak, napagdesisyunan kong magtrabaho na. Ayokong umasa ng umasa sa aking mga kapatid. Nais ko ring maitaguyod ang iyong pag aaral sa aking pagsisikap."
BINABASA MO ANG
Twists And Turns
Подростковая литератураIsa lamang akong ordinaryong estudyante. Walang kaibigan. Tahimik sa isang sulok. Hindi mayaman. Hindi mahirap. Hindi kagandahan. Hindi kapangitan. At may BORING na buhay. May tyansa bang magbago ang mga ito? Maiiba ba ang nakasanayan kong ritwal na...