KABANATA 6: Kahunghangan

18 5 0
                                    

Maris

Nandito ako sa banyo, nag iisa at umiiyak. Hindi ako makapaniwala. Wala na talaga. Paano na? Paano ko masasabi ito kay mama? Siguradong pagagalitan niya ako. Paano kung magbunga ito?! Anong gagawin ko sa bata?! Hindi ako makakapag aral na pagnangyari yun pero gusto ko makapagtapos habang gusto ko rin palakihin ang bata. Natatakot ako. Ano na ang gagawin ko?

Ang sama pa mandin ng ugali nitong si Lewis, baka siya pa ang mag utos sa aking ipalaglag ang bata. Mukhang hindi niya papanindigan ang pagiging ama niya! Ano ng gagawin mo huh, Mackenzie?! Isa kang malaking kahihiyan! Wwaahhhh!

Nagmumukmok ako dito ng may marinig akong pagkatok mula sa labas ng cr at nagsalita ito. Mukhang si Lewis ito dahil sa boses. Malamang! Siya lang naman kilala ko dito na alam kong kakausapin ako!

"M.A., come out. They're gone. I'll explain everything. Just come out and breathe. You don't have anything to worry about. I assure you." Nang aalo niyang sabi. Kahit na di ko alam ang gagawin, kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong maliwanagan. Marami akong gustong itanong dito sa lalaking ito kaya kahit nag aalinlangan ay lumabas ako ng banyo pero bago iyon ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Nakakatakot kasi yung mukha ko. Mukha akong pwet pero syempre biro lang yun.

Umupo ako sa sofa habang siya naman ay umupo sa harapan ko. Hindi ko na napigilang magtanong ng matitigan ko ang pagmumukha niya, aba kahit gwapo itong lalaking to at alam kong magiging maganda ang pinagsamang genes namin na magbubunga ng gwapo at magagandang anak ay di naman ako papayag kung ganitong bata pa ako! Baka pwede pagnakapagtrabaho na ako. Hehehhe! Teka! Ano ba itong naiisip ko!

"You! Anong ginawa mo sa akin?! Anong ginagawa ko dito?! Bakit ako may mga galos at sugat?! Bakit may bakat ng tali ang pulsuhan ko?! Bakit pagkagising ko iba na ang suot ko?! Ikaw ba ang nagpalit sa akin?! Nasaan ba ako?! Saan mo ko dinala huh?! Ginawa ba natin yun?! Paano ako haharap kay mama nito?! Papanindigan mo ba kung sakaling magbunga?! May pera ka ba pangbuhay sa akin at sa mga magiging anak natin?! Paano ang pag aaral ko?! Hindi pa ako handa! Wala akong alam sa pag aalaga ng bata! Paano na?! Hoy! Magsalita ka nga!" Bulyaw ko sa kaniya. Paano ba naman nakatitig lang sa akin. Kahit naiilang ako, pinagpatuloy ko pa rin ang pag aalburoto ko sa kaniya. Tapos ang reaksyon niya? Argh!

"Hahahaha! You're not just stupid, you're also crazy!" Tawa lang siya ng tawa. Sa totoo lang ay namamangha ako na tawa siya ng tawa. Lalo siyang gumagwapo pagtumatawa siya. Pero pagnaaalala ko ang ginawa niya, hindi ko mapigilan bulyawan siya ng paulit ulit.

"Don't laugh at me! Seryoso ako tapos tatawanan mo lang ako! Alam mo b---." Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong subuan! Saktong sakto sa bunganga ko! Pesteng yawang lalaking to! Alam mo yung mas nakakainis? Hindi pagkain ang isinaksak niya sa bunganga ko kundi panyo! Kadiri! Puro tuloy laway ko yung panyo! Kainis!

"I told you, M.A. There's nothing to worry about. We didn't do that, that process you're thinking about so there is no child, no broken future, no humiliation, and no need for understanding and awareness of your mother. Don't worry, you're not my type, so don't expect me to like you. And oh! those scratches and bruises, its your fault. You slept while riding my motor bike so what do you expect? Of course, you fell down from my motor bike. In order to bring you here, I tied both of your hands around my waist. About your clothes, I called someone to change your dress. It's too dirty. You've been rolling on the road lately. Tch. Any other question?" Nganga naman ako sa napakahabang explanation niya! Grabe! Edi parang nauwi lang sa wala lahat ng iniyak ko?! May tamang tawag sa mga katulad kong ganito eh! Ano nga ulit yun?! Ayun! Assumera! Jusko po! Hirap mag assume mga tsong! Sagad hanggang buto ng lelang ko!

Napatulala na lamang ako ng dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung manghihinayang ako o matutuwa. Sayang kasi yung lahi! Hahahaha! Kung ano ano pa itong naiisip ko! Hays.

Twists And TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon