Maris
Umagang umaga ay mulat na mulat ako. Sabi na nga ba, hindi ako papatulugin ng gabing iyon. Patuloy ang pag iisip ko sa lalaking gwapo na masama ang ugali na nagligtas sa akin. Sayang talaga. Bakit ba karamihan ng gwapo, masama ugali? Yung iba naman nababading. Sayang lahi.
Bumangon na lamang ako, kahit hirap na akong idilat ang aking mga mata at dumiretso sa banyo upang gawin ang umagang ritwal ko.
Kailangan ko nga pa lang dalhan ng makakain si mama. Pupunta na lamang ako sa kusina at magluluto. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Mekhi na nakaupo doon at tulala. Mukhang hindi niya manlang ako napapansin kaya dire-diretso ako papunta sa kusina ng bigla niyang hablutin ang braso,"You have to help me, Maurice. You have to." Tumitig siya sa akin ng mariin. Teka! Ano nanaman bang nagawa ko sa kaniya?! Kung makatitig kasi kala mo ang laki ng atraso ko sa kaniya! Pero teka!
"What's your problem this time and my name is Maris! Not Maurice!" Nanaman. Nakakairita talaga tong mokong na to. Argh!
"My grandma, she's here." Yung pagkakasabi niya, para siyang tutang takot na takot na titiklop agad pagnakakita ng mas malaking aso sa kaniya. Teka! Ano naman kung nandito na yung lola niya?! Magpapaparty ako ganun?!
"So what?" Nakataas kilay kong sabi sa kaniya. Totoo naman, anong gagawin ko sa lola niya aber?!
"You don't understand, she's, she's scary and very very scary!" Nanginginig niyang sabi. Hahahaha! Nakakatawa yung itsura niya! Takot na takot eh!
"You look like Courage, the cowardly dog. Hahahaha!" LT talaga mukha niya. Mukha siyang natataeng natatakot na kinakabahan! Hahahaha!
Tinignan naman niya ako ng ubod ng sama. Psh. Kala niya ata masisindak ako. Pero ng maalala ko, kailangan ko palang magluto! Peste talaga tong ungas na to.
"Now what? Stop imitating Mandy's face. It doesn't suit you. You still look like Courage." Trying hard. Kala niya ata matatakot ako. Psh.
"Who the hell is Mandy?!" Poker face niyang sabi sa akin. What?! Hindi niya kilala si Mandy?! Idol ko kaya yun!
"Mandy, from the cartoon titled The Grim Adventures of Billy & Mandy. Bakit hindi mo alam yun?!" Nakakapagtaka ah! Ako nga taghirap nung bata pero alam ko yang mga yan. Isa kasi yan sa bonding namin ni papa. Sabay kaming manonood ng cartoons. Hays. Naalala ko nanaman siya.
"I just don't know so don't ask me! And again, who is Courage?! I thought I look like a person who have courage and then, what?! I'm not a coward and I'm not a dog!" Tignan mo to. Lakas makasigaw. Kala mo babae eh. Nakakairita sa tenga. Tingin ko mabibingi ako sa kaniya pagnagtagal pa yung usapan namin.
"It's another cartoon, idiot. Palibhasa walang childhood. Tch." Lalayasan ko na sana siya ng hablutin nanaman niya ako. Bakit ba ang hilig nitong manghablot?!
"Bakit ba?!" Naiirita na ako ah! Ang daming echoslovakia nitong kumag na to.
"You need to go with me. Pretend as my girlfriend."
"I already did. Shonga lang?" Peste talaga to.
"Argh! Just listen! Be my girlfriend in front of my whole family. My grandma wants me to marry someone and I don't want that to happen. Just do it." Wow, kapal talaga ng mukha ng lalaking to. Bahala siya sa buhay niya. Mabuti pa ngang mag asawa na siya, para mawala na siya sa landas ko.
"Why would I?" Napaisip naman siya sa sinabi ko. Anong tingin niya sa akin? Uto-uto?
"It's because my mom knows you as my girlfriend so you better act like one." Mariin niyang sinabi sa akin. Huh! Bahala siya diyan! Ayoko na magpanggap pa, lumalala eh.
BINABASA MO ANG
Twists And Turns
Teen FictionIsa lamang akong ordinaryong estudyante. Walang kaibigan. Tahimik sa isang sulok. Hindi mayaman. Hindi mahirap. Hindi kagandahan. Hindi kapangitan. At may BORING na buhay. May tyansa bang magbago ang mga ito? Maiiba ba ang nakasanayan kong ritwal na...