Maris
Kagigising ko pa lamang ay nalulungkot na ako. Wala na yung sisigaw ng "Gumising ka na!" O "Malelate ka na sa eskwela!". Nangungulila ako sa aking ina. Kaya hindi ko napansing kanina pa pala ako tulala at nakatitig sa kawalan.
Didiretso na sana ako sa banyo, may pasok nga pala ako. Ngunit napatingin ako sa gilid ng aking kama at para akong nagising muli.
"You're daydreaming. Is it because of my brother? Do you like my brother that much? Just so you know, you're tactics won't work. I'll protect my brother with all my might." Sabi ng isang batang babae na nasa gilid pala ng kama ko at kanina pa nakatitig sa akin.
"Huh? Anong sinasabi mo dyan?" Hindi ko maintindihan ang nais niyang ipaghiwatig. Hindi dahil sa "English" ang gamit niya kundi hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.
"Tch. My brother's right. You're really stupid."
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
"I'm looking at you, idiot, can't you see?"
Argh. Sino ba itong batang ito?! Nakakakulo ng dugo! Pumunta na lamang ako ng banyo at hindi na siya pinansin.
Paglabas ko ng banyo ay hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari, literal akong napanganga! Nagulo lahat ng gamit ko! Nagkalat lahat ng damit ko, ang aparador ko, ang buong kama ko, at kahit ang study table ko hindi pinalagpas! At nakita ko sa gilid ng aking drawer kung sino ang may pakanan nito. Hindi ko na napigilang sumigaw.
"You! What the eff do you think you're doing?! Kakaayos ko lamang niyan kahapon tapos ginulo mo lang?! Argh! Aalis ka dito o itatapon kita palabas?! Sabihin mo!" Sa sobrang galit ko ay nanlilisik na ang aking mga mata. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko at bigla na lamang umiyak. Siya pa may ganang umiyak. Argh! Paano ko naman to ngayon papatahanin?! Kumalma ako at pinatahan siya. Ayoko kasi makakita ng batang umiiyak.
"Hush, I'm sorry kung nasigawan kita. Ikaw naman kasi, bakit mo naman naisipang guluhin ang buong kwarto ko?" Tanong ko ng mahinahon at malumanay.
"Sorry. I just want to make sure that you're not one those girls who'll seduce my brother no matter what. I'm glad you're not one of them."
"Don't worry, hinding hindi ko magugustuhan yang maarte mong kuya." Hindi naman ako slow para hindi maintindihan ang point niya. Kapatid niya si Mekhi. Hahahaha! Ang bading talaga pakinggan! Natawa tuloy ako bigla.
"Why are you laughing?"
"Nothing. By the way, anong pangalan mo at paano ka nakapasok dito?" Hanggang ngayon ay nagtatakha ako kung paano siya nakapasok dito ngayong naalala kong sinisigurado kong naisara at nailock ko ang pinto.
"I'm Mayleigh Gaile Lazarus. Tita Karla lend me keys. Call me Gaile, Ate Kenzie!" Tapos ay ngumiti siya ng ubod ng saya. Nakakapanggigil, ang cute niyang bata.
"Leigh! Where are you?!" Narinig naming sigaw sa labas ng aking silid. Tumakbo palabas si Gaile kaya sinundan ko siya.
"Kuya! I'm here! Ate Kenzie let me in! She's my new friend!" Gaile's beaming a smile at her brother. Wait what?! We're friends?! Nako naman. Nagagaya na ko sa kanila na english ng english.
Tumingin ng makahulugan sa akin si Mekhi at sinabing,
"Since when did you two became friends?"
BINABASA MO ANG
Twists And Turns
Genç KurguIsa lamang akong ordinaryong estudyante. Walang kaibigan. Tahimik sa isang sulok. Hindi mayaman. Hindi mahirap. Hindi kagandahan. Hindi kapangitan. At may BORING na buhay. May tyansa bang magbago ang mga ito? Maiiba ba ang nakasanayan kong ritwal na...