KABANATA 8: Paano?

24 4 1
                                    

Maris


Umagang umaga ay naghahanda na ako para sa pagpasok. Sinabi kasi ni Mom na ngayon daw uuwi si Mekhi sa apartment kaya mas mainam na handa na ako bago pa sya makauwi at ng maitanong ko na sa kaniya ang mga katanungang hindi nagpapatulog sa akin sa gabi.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Natapos na kasi akong maggayak. Ang tangi ko na lamang hinihintay ay ang pagdating ni Mekhi. Ngunit walang Mekhi na dumating at tanging tawag lamang mula sa telepono ang aking narinig.

"Hello?"

"Good Morning, Hija. Are you going to school today?" Sabi ng Mommy ni Mekhi. Hindi ko alam kung bakit siya tumawag pero sinagot ko na lang. Naisip ko na ring itanong kung kamusta at kung uuwi na ba si Mekhi.

"Yes, Mom. Is Mekhi there? Uuwi na po ba siya?"

"Hahahaha! Yes, he's here! Hija, You really do miss him so much, don't you? Hahaha! Do you want to talk to him? Oh! Why am I even asking! Of course you do! You're his girlfriend! Being far from someone you love even for a minute is crazy! Wait, I'll lend my phone to Mekhi. You're really like me when I was young."

Aangal sana ako na ayoko munang makausap si Mekhi ng marinig ko na siyang nagsasalita sa telepono. Isa pa, hindi naman "kami" talaga! Hinding hindi ko mamimiss yang lalaking yan at lalong hinding hindi ko mamahalin yan! Mas maarte pa nga sa akin yan eh!

"What do you want?" Suplado kala mo gwapo. Psh.

"Wala. Bye."

Pesteng mayabang na lalake. Kairita talaga siya. Ako na nga itong naghihintay pero teka! Hindi naman niya sinabing hintayin ko siya! Argh! Bahala na nga siya sa buhay niya!

Binaba ko ang telepono at kinuha ang gamit ko pamasok. Papasok na lang ako. Psh. Pero bago iyon ay nakatanggap ako ng text mula kay Mom.

From:Mom

"Hija, Please don't wait for Mekhi. I insisted his doctor for further check ups. I want to make sure that Mekhi is safe and good once he got home. Be safe, hija."

To:Mom

"I will po. Don't worry about me. Sige po. Papasok na po ako.

Hindi na ako naghintay ng text. Lumabas na ako at nagsimulang maglakad. Malapit lang naman ang paaralan ko dito. Hindi tulad sa bahay namin, napakalayo. Ngayong naisip ko ang bahay namin, dapat makabisita ako kay mama. Kaso humahadlang ng humahadlang itong mga pesteng yawang mga lalaking ito.

Nasa harapan na ako sa school ng may makita akong picture sa sahig. Kinuha ko ito at nakita kong larawan ito ng isang pamilya.

Mayroon kasi ditong lalaki at babae. Ang babae ay may buhat na batang babae na ilang taong gulang pa lamang at may dalawang batang lalake sa tabi nila na nakangiting nakatitig sa batang babae. Nakatitig lamang ako sa litrato ng biglang may magsalita.

"Salamat at nakita mo iyan, hija. Kanina ko pa kasi hinahanap yan." Napalingon ako sa may katandaang lalaki ng bigla syang magsalita. Mukhang ito ang pamilya niya. Kamukha niya kasi yung lalaki sa larawan.

"Ay. Ito ho oh. Pasensya na po sa pagtatanong pero kayo po ba ang nasa larawan?" Hindi ko kasi maiwasang hindi kainin ng kuryosidad ng makita ang larawan. Parang may kung anong humihila sa akin para malaman ang buong storya sa larawan na iyon.

Ngumiti lamang sa akin yung lalaki at sinabing

"Gusto mo ba ng kwento?" Natawa na lang ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Para kasi syang tatay na nagtatanong sa ilang taong batang anak niya.

Twists And TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon