KABANATA 7: Pagbabalik

19 3 0
                                    

Maris

Narito ako ngayon sa ospital. Buong gabi naming binabantayan si Mekhi. Sinabi na rin ng doktor na maayos na ang kalagayan ni Mekhi, kailangan niya lamang ng ilang araw na paghinga at pag iwas sa masamang bisyon.

Narito pala ang mommy niya. Nauna ng umuwi sa amin si Ate Karla, may aasikasuhin pa daw siya. Samantalang ang mommy ni Mekhi ang pwede lang pumunta sa kanila. Maya maya pa siguro pupunta yung lolo, daddy at mga kapatid niya.

"I don't know what happened to him, hija. He left the house after a minute you've left and before he leave, he told us that he's going home to his apartment. But I never expected this scenario. What do you think happened to him, hija?" Puno ng pag alala ang bawat salitang binibigkas niya na kahit ako ay nag aalala sa posibleng nangyari at mangyayari pa kay Mekhi. Hindi ko talaga siya dapat iniwan. Sa totoo lang, ang dami kong tanong sa kaniya. Kasi kahit ako walang kaalam alam kung bakit ito nangyari. Wala akong masip sa salitang "why" sapagkat iyon lamang ang huling sinabi nya. Kahit naman magkasama kaming naninirahan sa isang apartment, hindi ibig sabihin nito na malapit kami sa isa't isa. Ngayong napagtanto ko, hindi ko pa rin pala lubusang kilala si Mekhi. Pero sana, kahit ganoon ay sumagot siya ng maayos sa mga itatanong ko sa kaniya.

"I really don't know, Mom. I'm sorry kung nawala po ako. Tumawag po kasi sa akin ang kaibigan ko, patawad po kung hindi ko nabantayan si Mekhi. I'm sorry, Mom." Dapat kasi hindi ko na lang siya iniwan, kung alam kong ganito lang rin naman pala ang mangyayari sa kaniya. Gusto kong isisi ang nangyari sa kaniya sa akin, kasalanan ko naman kasi talaga. Dapat hindi na lang ako sumama kay Lewis.

"Don't blame your self, hija. Its not your fault. But promise me, know the truth behind this and please, know why. Why does things like this needs to happen? Please ask Mekhi about this. I want to know why. I'm worried for my son. Please help him through this." Nagsusumamo niyang sinabi sa akin. Alam kong kahit naman hindi niya sabihin ay aalamin at aalamin ko kung bakit kailangan pa itong mangyari.

"Makakaasa po kayo, Mom. Aalamin ko po bakit ito nangyari. Kahit naman po ako natakot sa nangyari sa kaniya at kating kati na po akong malaman ang puno't dulo nito."

Patuloy ang usapan naming ng Mommy ni Mekhi ng may tumawag sa kaniya. Nilabas niya ito upang sagutin ngunit sandali lamang iyon. Bumalik agad siya at sinabing kailangan niya ng umalis sapagkat nagkakaproblema daw ang kanilang negosyo kaya inasyura ko sa kaniyang ako na muna ang magbabantay kay Mekhi.

Ngunit kaaalis lamang niya ng may dumating ulit.

"Hija, ito na ang iyong damit at mga pagkain. Dali na at maligo ka na. Mahaba habang araw ang gugugulunin mo dito." Nagpasalamat na lamang ako kay Ate Karla. Wala pa kasi akong tulog magmula kahapon at lalong wala rin akong ligo. Kamalas malasan ko naman. Bakit ba ang hirap mag aruga ng dalawang gwapong nilalang? Pareho silang mga pasakit sa ulo. Tapos parehong peke.

Naligo na lamang ako at nag ayos para magmukha naman akong maayos. Ang laki na ng eyebags ko. Naman oh.

Nagpaalam rin agad si Ate Karla kaya't nagpasalamat na lamang ako sa pagtulong niya. Ngayon ay tulala nanaman ako sa mukha nitong si Mekhi. Bakit ganun? Pagnatutulog ang tao, ang amo amo ng mukha nila pero paggising kala mo sinong nakawala sa hawla. Ang sama pa ng ugali. Madaya nga itong lalaking ito, sa pagkakaalala ko ay siya ang magiging alipin ng tatlong buwan, pero heto ako, binabantayan siya. Sabagay, iba ang binabantayan sa inaalagaan. Siguro ako ang "guard" nya tapos siya ang "tagapagsilbi."

Twists And TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon