KABANATA 9: Ang Katotohanan

24 3 1
                                    

Maris

Huminga muna ako ng malalim bago sinalubong ang mga tingin nilang nagtatanong. Mukhang wala na akong kawala sa kanila. Kailangang makapagpaliwanag ako bago pa mag away si Mekhi at Lewis.

"Ganito, wala munang sasabat habang nagpapaliwanag ako. Kailangan ko rin ng mahinahong pag unawa mula sa inyo. Kahit ikaw Maru, wag ka munang sasabat at makinig ka na lang." Dahan dahan kong sabi sa mga seryoso nilang mukha. Bukod kay Maru na mukhang sasabat nga.

"Paano pagmay sasabihin ako? Bawal magsalita? Paano na lang pagmahalaga sasabihin ko? Paano yu---, teka! Paano pag naiihi ako? O kaya natatae ako? Di ako pwede magsalita! Paano ko masasabing pause muna?!" Nag aalburotong tanong ni Maru. Kahit kelan talaga may sapak tong lalaking to.

"Sabi ko lang bawal magsalita pero pwede ka naman magpaalam. Lalo na kung kailangan mo ng banyo! Gusto mo bang maihi ulit sa salawal?!" Natatawa kong tanong sa kanya kaya bumusangot ang mukha ni Maru.

"I hate you Bes. Di mo na nga sinabi sa aking two timer ka eh. At malupit pa na pareho kayo ng inuuwian! Tapos ipapaalala mo yung masalimuot na pangayayari na yun?! Bad beshie! Di na tayo bati!" Nakangusong sabi ni Maru kaya heto ako, tawa ng tawa sa itsura nya. Aasarin ko pa sana sya ng may tumikhim.
"Gaano nyo katagal balak maglandian sa harap ko na boyfriend nya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mekhi. Sus! Kala mo kami talaga eh!

"What the?! I'm her boyfriend! What the h*** are you saying?!" Nakakunot noong tanong ni Lewis kay Mekhi.

Ayan na po. Nagsisimula nanaman silang magtitigan na parang nagpapatayan. Hindi ba sila titigil? Kung pag agawan nila ako kala mo tunay na kami talaga eh. Pareho naman silang peke.

"Stop! Pwede ba manahimik kayong dalawa?!" Naiirita na ako sa kanila. Paano ba naman! Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito.

"He started it." Sabi ni Lewis.

"No! Not me! He's the one who started this crap!" Sabi naman ni Mekhi. Kaya nagtitigan nanaman sila ng masama.

"Mga pare, tigilan nyo muna away nyo. Pinagtitingin na tayo oh. Alam ko namang gwapo ako kaya ako pinagtitinginan pero kayo? Dahil lang sa long hair kong bestfriend. Kaya pwede ba, makinig na lang kayo sa kanya. Mamaya mawalan pa ako ng chicks na manlilibre sa akin. Babatukan ko talaga kayo. Dami pa namang maganda na mukhang mapera dito na for sure maililibre ako." Sabi ni Maru na tumitingin tingin sa paligid. Nasabi ko ba sa inyong mukhang pagkain si Maru? Maya't maya syang naghahanap ng pagkain.

Nandidiring tumingin naman sa kanya itong dalawang to. Kaya sinunggaban ko na ang pagkakataon na magpaliwanag.

"Nagsimula ito nung nagkaroon ng problema si Mekhi. Kailangan nya ng babaeng maipapakilala sa magulang nya para hindi sya makasal kaya inalok nya akong maging girlfriend nya at ang kapalit ay sya ang magbabayad ng renta ko sa apartment. Magkasama kami sa iisang apartment. Room mate ko kasi si Mekhi. Mayroon din kaming kasunduan na kung pupunta ako sa kanila ay magiging alipin ko sya kaya naging kami pero peke lang."

Tumingin sa akin ng masama si Mekhi. Ano bang problema niya? Eh sa yun ang totoo.

"You're just a fake." Nakangising sabi ni Lewis kay Mekhi. Sinamaan naman ng tingin ni Mekhi si Lewis.

"I'm sure to hell, you're also fake." Si Mekhi naman ngayon ang ngumisi at mukhang mag aaway nanaman silang dalawa.

"You are both fake. I'm the original." Ginaya ni Maru ang ngisi nila at nakipagtagisan ng tingin sa kanilang dalawa. Hay nako Maru.

"Tumigil nga kayo!" Sumigaw na ako sa kanila, mukha kasing mag aaway nanaman. Ano bang pinag aawayan nila eh pareho naman silang peke?!

Wala ng nagsalita sa kanila kaya sinimulan ko na uling magpaliwanag.

Twists And TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon