Chapter 3: Brains and Brawn

128 4 0
                                    

Chapter 3

Arista's P. O. V.

"Namatay na daw si Eira." ani JB. Nag-uusap kami ngayon sa aking cellphone.

"Huh?! What the fuck happened?!" gulat kong sambit. Ang buong atensyon ko ay nasa aking cellphone habang hinihintay si JB sumagot.

"Dead on the spot. Late na namin siyang nahanap kaya maliit rin ang tsansang mabuhay siya." sagot ni JB.

Sa kabilang linya ay rinig ko ang mga estudyante na nagkakagulo. Siguro pati sila ay natakot at nabahala sa pangyayari.

"Bakit kaya kukunin ni Eira ang sarili niyang buhay?"

"Hindi naman siya namatay dahil sa pagkakasabit niya doon." ani JB na ikinagulat ko. "Ang rason daw ng pagkamatay niya ay drug overdose."

"Omg! Is she like a drug addict or something?" sabi na nga ba may mga loko-lokong drug user sa school.

"Hindi, nung tinest ang dugo niya ay nalaman nilang may positive signs of lethal drugs sa dugo niya na pwedeng naging rason ng kanyang pagkamatay." aniya.

"What kind of drugs exactly?" my mom is a doctor and I've read some of her medical books. Maybe I'm familiar with those lethal drugs used on Eira.

"I heard that she's positive with Sodium Thiopental, Pancuronium Bromide, and Pottasium Chloride."

What the heck?! Only a genius psychopath would try to kill a person by injecting them with all of that at the same time.

"The person who killed her must be a psychopath." Sino naman dito sa school ang may talino at kakayahan na gawin iyon?

"Hey Ari! What do you mean by killer psychopath?" narinig kaya ni Irene ang pag-uusap namin? I should just keep this a secret.

"JB pupunta nalang ako diyan. Bye!" inend ko na ang call at agad na inilagay ang cellphone sa aking bulsa.

"Mamaya ko na ieexplain Irene. I need to go now." sabi ko bago tumakbo paalis ng theater.

Medyo malayo ang kinailangan kong itakbo bago makarating sa main building. Apat na building ang layo dito ng Our Lady of Nazareth building.

Ugh! Bakit ba kasi ang laki ng school na ito?! Ay, oo nga pala, nasa gitna pala ito ng isang malawak na kalupaan na halos di na sakop ng QC.

Nagmamadali akong pumasok sa theater ng main building sa may second floor.

Bumungad saakin ang mga estudyanteng nagkakagulo. May mga nagsisigawan at nagtatakbuhan. Nakita ko namang umiiyak na ang iba sa takot. Si JB nama'y nasa gitna ng stage.

Hinihipan niya ang kanyang pito para mapatahimik sila. Wala kasing teacher na nagsusupervise ngayon kaya siya ang in-charge.

Habang nagkakagulo ang lahat ay biglang tumunog ang mga speakers. Sumisenyas na may importanteng announcement. Napatigil ang lahat upang makinig.

"Good Evening Students, this is Dean Carmelita Dela Cruz speaking. Awhile ago an unfortunate incident has happened to one of our dearest student, Miss Eira Bulang. She has already passed away. We offer our sincerest condolonces to her family and loved ones." ito ang mensaheng aming naaninag galing sa speaker.

"The cause of her death will remain confidential. But right now we would like all the persons involved or present during the incident to assemble in the Mary Mother of Christ theater. Thank you and Godbless." pagtatapos ng announcement.

Mukhang lahat naman ng mga naroon noong insidente ay nandito naman na. Wala namang nagtangkang tumakas pero makikita mo ang pag-aalala at pagkairita sa kanilang mga ekspresyon.

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon