Chapter 11: Curiosity Kills

23 1 0
                                    

Chapter 11

Ron's P. O. V.

"Nakuha mo na ba lahat ng kailangan?" tanong ko sa bibeng nasa harap ko.

"Yes I got the blueprints." mayabang na sagot ni Irene.

Edi wow! Siya na magaling makakuha ng blueprints!

Palibhasa kasing flat niya lang ang mga blueprints na ito.

"I tried to figure out what that 1929 message meant, but I couldn't find anything related to it." ani Irene.

Kaming dalawa ang naunang pumasok ngayon, kaya wala pang tao sa loob ng classroom bukod saamin.

"Feeling ko talaga isang weirdo ang killer na yun. Iwan sya ng iwan ng hints at clues pag pumapatay sya. Gusto kaya niyang magpahuli?" nagtatakang wika ko.

What kind of killer would leave clues and hints? I mean it's like announcing to the world 'Hi, I'm a killer. Please look for me and send me to the authorities.'

"By the way, kamusta ang girls night out nyo?" natatawa kong sambit. Halata namang nabwiset siya dahil di nakapagboy hunting. Bantay sarado ng manliligaw eh.

"Panira kayo ng trip." inirapan ako ni Irene.

Pabiro kong itinaas ang dalawa kong kamay. "Hindi ako ang nagplano nun. Si JB kaya ang may pakana ng lahat."

"Panira ng trip ang torpeng yun! Porket dinala namin si Sara tratraydurin niya na kami." humalukipkip si Irene.

"True bestie! Sa tingin niya ba matatago niya ang nararamdaman niya kay Sara kapag nambababae siya? No way!" pag-sang ayon ko sa sinabi niya.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" nakasandal sa hamba ng pinto si JB.

Wow, may pa-mysterious effects pa ang entrance niya.

"Malamang! Sino pa ba ang torpe dito sa school na may gusto kay Sara?" pagtataray ni Irene.

"Bullshit." masama ang titig niya kay Irene. "You know that I'm always ready to confess to her, but she's always avoiding me."

"Dahil isa kang dakilang fuck boy." ako naman ang nagsalita.

Napatigil siya dahil sa sinabi ko. Kumurap kurap siya bago magsalita.

"May kailangan pa akong gawin sa Student Council office." padabog siyang umalis.

"Thank you Ron! Isinampal mo na sa kanya ang katotohanan." pumalakpak si Irene.

Medyo naguilty ako dahil ni-real talk ko siya, pero yun ang totoo. Di ko alam ang tunay na rason kung bakit iniiwasan siya ni Sara. Ang alam ko lang ay ayaw niya sa fuck boy.

Lumipas ang 30 minutos at unti-unting napuno ang classroom. Kami ni Irene ay patuloy sa diskusyon tungkol sa plano namin mamayang gabi.

Ang magulang ni Irene ang naghahandle sa renovation ng mga facilities dito sa school ngayon. Dahil doon ay mayroon silang kopya ng blueprints ng buong school. Patagong kumuha si Irene ng kopya nito para sa aming plano.

Ito ang tutulong sa amin para makamit ang hustisya sa mga namatay naming kaklase.

Binalewala lang kasi iyon ng school. Ipinalabas nila sa awtoridad na sa sobrang pressure sa pag-aaral ay pinili ni Lysa ang magpakamatay pero nadamay ang dalawang kaklase namin dahil sa kanyang galit.

Ipinalabas nilang mamamatay tao si Lysa. Hindi porket di kami naging matalik na kaibigan ay di na ako tutulong sa pagbibigay ng hustisya sa kanyang pagkamatay.

Patay na nga ang tao, papatayin niyo pa.

"Nandito na tayo Arista. Pakawalan mo na si Leo." saway ni Sophie kay Arista. Nakakapit kasi siya sa braso ni Leo at ayaw kumawala.

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon