Chapter 2: Student Council President

102 3 0
                                    

Chapter 2

JaeBum's P. O. V.

"Hey! JB are you even listening?!" naiiritang tanong ni Ari.

"Sandali may importante akong pinagiisipan." sagot ko.

Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may masamang balak ang ibang section ng Grade 12 saamin. Nagsama-sama pa naman sila ngayon.

"JB mamaya mo na pag-isipan kung ano man yan, Marami pa tayong importanteng gagawin." seryosong sambit ni Sophie.

"Oo nga, kailangan pa natin ayusin ang Powerpoint para sa presentation ng thesis natin bukas." ani Irene.

"Defense pala natin bukas, nakasave naman ung Powerpoint sa PC ko dun sa office." ani Sophie.

"I totally forgot about our reporting for Physics later. The presentation is in my PC." ika ni Ari.

"Pumunta na tayo sa office." sabi ko at naglakad na patungo sa exit ng cafeteria.

Tumungo kami sa may Immaculate Conception building kung saan nakalocate ang aming office.

Ito ay exclusively for the drama org representatives which is composed of Ari, Irene, Sophie and me.

Nakarating na kami sa office kaya agad kong iswinipe ang aming key card. Nang makapasok na kami ay agad akong umupo sa aking computer chair.

Si Ari at Irene ay umupo sa may sofa habang si Sophie ay kumukuha ng tubig galing sa mini fridge dito.

"JB may sinend na ako sayong kopya ng presentation kaya pag-aralan mo nalang." walang ganang sambit ni Irene.

"Okay, hanggang anong oras tayo dito sa school?" tanong ko habang binabasa ang sinend ni Irene.

"Sabi ni Ron mga 8:00 or 9:00 pero depende kung maaayos natin ung mga intermission numbers at props." ani Sophie na ngayon ay kinakalikot ang kanyang PC.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Nagpatuloy na ako sa pagbabasa habang si Ari at Irene naman ay nagpapahinga doon sa may sofa. Tahimik ang buong office at ni isa saamin ang umimik.

Nabasag ang katahimikan dahil sa isang malakas na katok galing sa pinto. Nailipat ang aming atensyon doon. Bumukas ang pinto at agad bumungad saamin ang presensya ni Julie.

"JB! Pinapatawag tayo ni Sir Nate. Emergency meeting daw." nagmamadaling sambit ni Julie.

Nagulat ako sa sinabi niya. Halos anim na taon na akong kasali sa student council pero ito ang unang beses na nagpatawag si Sir Nate ng isang emergency meeting.

Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at sumama kay Julie patungo sa student council office. Medyo malayo ang aming nilakad dahil nasa may Mary Mother of Christ building (main building) ang student council office.

Pagkarating namin doon ay nakita kong nakaupo na ang iba pang student council officers doon kasama si Sir Nate na nakaupo na sa upuan doon sa may gitna ng table. Maayos akong umupo sa aking upuan na katapat lamang ng kanya.

Tumikhim si sir upang makuha ang aming atensyon. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magsalita.

"I'd like to thank all of you for coming in such short notice." panimula niya.

"I'm sure that all of you are aware about our annual theater play competition that going to be held this Friday." aniya sa isang pormal na tono.

Lahat kami ay napatango sa kanyang itinanong. Ang annual theater play competition ay isa nang matagal na tradisyon dito sa school.

"However the school has received reports about someone trying to sabotage the said event. Numerous students have received death threats as well as threats about bombing the said event." pag-aalala ay mararamdaman mo sa kanyang tono habang ibinibigay saamin itong balita.

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon