Chapter 12: Find The Killer

23 0 0
                                    

Chapter 12

Irene's P. O. V.

"This school is full of psychopaths." Sara said with an irritated look plastered on her face.

She's not wrong. What school would have some sort of secret underground basement where they have meetings and such.

"Shh! Huwag kayong maingay. Pag nahuli tayo baka ipatorture tayo ng mga to." pabulong na saway ni Ron.

"Ano bang pinag-uusapan nila?" naiiritang bulong ko.

I hate small spaces. I'm claustrophobic. Pag masyado akong nagpawis sa kakatago baka bumukas itong pores ko. Masisira ang flawless skin ko.

"We need to eliminate everyone who will stand in our way. If this reaches the authorities our school will lose it's credibility." pormal na suhestyon ng isang guro.

Hindi ko makita ang mukha nya pero base sa tono ng kanyang boses ay mahahalatang babae sya.

But wait, what does she mean by eliminate? Are they planning on killing us?

Kapag nakalabas ako dito ng buhay ipapademanda ko talaga sila! Mas pinahahalagahan nila ang reputasyon ng school kaysa sa mga namamatay na estudyante. This is really fucked up.

"Wala namang papalag sa utos ng school administration bukod sa..." pagbitin ng isang lalaking guro.

"Bukod kanino Mr. Mercado?" atat naman itong si Dean Carmelita.

"Nuestra De Santa Muerte." pagpatuloy nung tinawag niyang Mr. Mercado.

Hindi naman siya nagkakamali. Kami lang naman ang hindi nila mapapasunod sa kanilang plano. Di kami tulad ng mga inaalipin nilang mga estudyante.

Does this mean we're their first target?

"Papalag pa ba sila eh unti-unti na nga silang nauubos." si dean.

Sabi na nga ba! Si dean talaga ang nagpasimuno ng mga patayan. Kaya pala madalas mainit ang ulo niya sa amin.

"Ms. Dela cruz ayaw kitang pagdudahan pero ikaw ba ang may rason ng pagkamatay ng mga estudyante?" narinig ko ang boses ng aming principal.

Busted!

"Ms. Torres, I would never do such a thing that would risk our school's reputation. Without this school I would never have payed off all my debts."

"Then why are you glad about these sudden dea-" pinutol ni dean ang sasabihin ng aming principal.

"Because they won't be able to say anything to the authorities if they keep decreasing. Ang proproblemahin lang natin ay ang mga may makapangyarihang pamilya."

"She's one heartless fucker." komento ni Sara.

"Shhhh..." sabay-sabay naming saway.

"Ms. Boran may narinig ka ba?" tanong ng isang lalaking guro.

Shit. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"Guys this is the end. Pag nahuli na nila tayo kailangan na nating mag paalam sa mundo." pagdradrama ni Claire.

"Manahimik ka nga Claire. Hindi tayo mabubuking kung mananahimik ka." bulong ko.

Naestatwa kaming lahat nang makarinig kami ng mga yapak papunta sa aming direksyon.

"Yumuko kayo." pabulong na utos ni JB. Lahat kami ay sumunod na lamang. Parang tumigil ang aming paghihinga nung itinapat sa pinagtataguan namin ang ilaw ng flashlight.

"Mr. Loel ano bang hinahanap mo diyan?"

"Ah wala, akala ko may narinig akong tao dito"

"Bakit naman magsasalita ang mga namatay na." natatawang sambit nung guro na kausap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon