Chapter 4: Rendezvous

90 3 0
                                    

Chapter 4

Sara's P. O. V.

10:15pm

"Sara, mag-sleep over tayo sa dorm nila Ella. Masyado akong takot mag-drive ngayon, baka bigla akong patayin ng killer." ani Ron.

Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Pero mukhang seryoso talaga siya dahil sa ekspresyong nakapinta sa kanyang mukha.

Mukhang narinig nina Claire at Ella ang pinaguusapan namin kaya sila papalapit sa aming kinatatayuan.

"Are you gonna sleep over at Ella's dorm? Sasama na din ako. Baka there's a scary grim reaper who will kill us." ani Claire.

Isip bata talaga si Claire at medyo tanga pa. No offense.

Jusko mabait naman siya pero laging lutang tapos mabagal ang pag proseso ng utak sa mga nangyayari. At nakakairita talaga pag nagiging conyo na sya.

"Okay lang naman, wala si Julie ngayon kaya may extra bed doon." ani Ella.

Napagdesisyunan naming makikitulog muna kami sa dorm nina Ella. Ang hirap din naman mag drive pabalik sa syudad dahil masyadong malayo ang school doon.

Pinili pa kasi nilang itayo ang school sa isang secluded area na halos ilang kilometro ang layo sa pinakasyudad dito sa Quezon City.

Mukhang okay naman kay Ella na mag-stay kami sa dorm niya. Kasama niyang nanunuluyan doon sina Sophie, Julie at Krista na mga scholars rin tulad niya.

"Gora na mga bestie! Baka mapatay pa nila ang aking gorgeous face." napatawa kaming lahat sa sinabi ni Ron.

Sabay-sabay kaming pumunta patungo sa dorm para sa Grade 12 female scholars. Pumasok kami sa elevator doon at pinindot ang magdadala sa amin sa ikaanim na palapag.

Pagkadating sa 6th floor ay tumungo na kami sa dorm ni Ella. Si Claire ang nagbukas ng pinto.

Bumungad sa amin si Arista na naka gray racerback shirt at fitted black shorts. May hawak siyang hairdryer at pinapatuyo ang kanyang buhok.

Kakalabas naman ni Irene galing CR. Naka white v-neck shirt at shorts siya. At nasa sala naman si Sophie na naka loose shirt at pajamas. Nagsuot siya ng hoodie at mukhang panandaliang lalabas dito.

Anong ginagawa dito ng mga "precious gems" na sinasamba ng buong populasyon ng school?

Nagulat kami sa biglaang pagsinghap ng malakas ni Ron.

"Hala! Mga nilalang, wala pala akong dalang extra clothes." napagtanto ni Ron.

"May extra black shirt at pajamas ako." kumukuha ng damit si Ella para sa sarili niya habang sinasabi iyon.

"Di ko carry yan. Black is such an ugly color. Ang dilim ko na nga idadamay mo pa ang aking sexy body." sambit ni Ron ng nakahalukipkip.

"Sexy? Saang banda? Meron akong baby pink shirt at shorts na mukhang magkakasya sayo. Kunin mo nalang sa pinakababang drawer ko." ani Sophie bago nagpaalam na bibili ng pagkain sa family mart, na nasa likod ng school, para sa aming lahat.

Kinuha ko ang pinahiram ni Ella na maroon crop top at shorts. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Napabuntong hininga ako habang iniisip lahat ng nangyari ngayong araw.

May namatay, naakusahan kaming pumatay at nawala ang ebidensya na tutulong sana sa paglinis ng nadungisan naming mga pangalan. I just hope nothing else happens.

It feels like a war is about to begin. Wala ngang ginawa ang buong school administration nung nalaman nilang may namatay. They just tried to hide it from the public.

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon