Chapter 9: The Show Must Go On

52 0 0
                                    

Chapter 9

Lee JaeBum's P. O. V.

"Don't worry guys, parating na ang mga make-up artists namin." pagpapakalma ni Ron kina Carmi at Nadia.

Bahid sa kanilang mukha ang pagod at stress. Si Carmi ay pabalik-balik na naglalakad at si Nadia nama'y hinahaplos ang kanyang ilong na naka benda ngayon.

Nadislocate ang mga buto sa kanyang ilong dahil sa pag-aaway nila ni Claire kahapon. Well, yun ang kwento niya. Nagkalat naman sa campus na nagpa nose job talaga siya kaya iyon dumugo.

Pinagpuyatan kasi nila ang mga kakailanganin para sa play. Dumami pa ang kanilang gawain dahil sa pagpanaw ni Shy at Tommy. Hindi pa kasi nila natapos ang naatasang gawain sa kanila.

Napagsabihan nanaman kami ni dean kahapon. Huwag daw naming ipagkalat dahil kami daw ang masisisi sa pagpatay.

Syempre, wala namang may gustong masisi kaya hindi nila sinuway ang utos ni dean. Kaya walang nakakaalam na may namatay bukod samin at sa faculty staff. Nanatiling normal naman ang kilos ng aking mga kaklase. Parang walang nangyari kahapon at nagkukunwari silang walang kaalam-alam.

Padabog na bumukas ang pinto ng aming panibagong classroom. Pinalipat kami ng classroom sa first floor dahil iniimbestigahan ang luma naming classroom kung saan namatay si Shy at Tommy. Sa hamba ng pinto ay nakita kong taas noong pumasok si Irene. Naglakad siya papunta sa kanyang desk at padabog na umupo sa upuan na nakalagay doon.

Blangko ang kanyang ekspresyon habang binubuksan ang kanyang handbag. Mukhang bad vibes ngayon ang lola niyo. Maasar pa nga siya para mas mabadtrip. Lalapit na sana ako kaso naunahan ako ni Nadia.

Hinampas niya ang desk ni Irene at ang tunog nito'y bumulabog sa buong klase. Napatigil ang mga kaklase kong narito at tinignan ang eksena.

"Irene, you're five minutes late." masungit na bungad ni Nadia.

Irene directed her attention on Nadia who seemed very pissed. Anger and irritation was evident in her stare. "It's better to be late, than never showing up at all" Irene's voice filled with sarcasm and annoyance.

Oh! Burn evil witch! Porket nagpagawa ka ng ilong ang yabang mo na. Buti pa si Sara natural beauty.

"If you think I'll tolerate your bitchy attitude again then guess wha-"

"What? Is your plastic nose going to bleed out again?" umiling ako nang napagtanto na seryoso ang dalawa. "Stop acting like I'm the only bitch here Nadia" tumayo ng padabog si Irene.

"Shut your crap Ire-" naputol muli ang sasabihin ni Nadia.

"Another cat fight and it's only six thirty am" humalakhak si Arista. "I'd love to be the referee in your petty fights, but we have better things to do. Don't worry you can settle this later in the deep depths of the school's woods."

Napatigil si Nadia at Irene dahil sa sinabi ni Arista.

"Ron andito na yung makeup artist" sabi ni Ella.

Hinila ko si Irene palayo kay Nadia at sumunod naman si Arista sa amin.

"What is the matter with you? Kanina ka pa bad vibes simula nung nagkita tayo sa SB." kumunot ang noo ni Arista.

"None of your business." malamig na sambit ni Irene. Nanlaki ang mata namin ni Arista. Bahagyang napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.

Ngayon pa lang namin nakitang umasta ng ganito si Irene. Kapag may problema siya or may pinagdadaanan wala siyang pakialam. Hindi siya nagpapaapekto sa mga ganoong bagay. Ano bang problema nito?

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon