Chapter 7: Wrong Move

78 2 0
                                    

Chapter 7

Anonymous P. O. V.

"Ano nanamang kapalpakan ang ginawa ninyo?!" nanggagalaiti na sumbat niya.

"Eh nakakabwiset na kasi ung ugok na yun!" pagdedepensa ng aking kasamahan habang nagsisindi ng sigarilyo.

Sumigaw ng malakas ang lider namin at nagsimulang magwala ulit. Kinuha niya ang mga libro sa mesa at hinagis iyon sa kasamahan kong gumawa ng katarantaduhan.

"Tanga ka kasi! Mas inuuna mo ang kamao mo kaysa sa utak mo! Yan tuloy, nadamay pati section natin" mariin na sumbat ng lider namin.

"Yang lintek na Mira kasi ang nagumpisa ng kagaguhan na ito" singit ng isa pa naming epal na kasamahan.

Seriously? Bakit puro tanga lang ang kasama ko sa plano na ito? Pati lider namin ay walang katinuan sa utak.

Paano ako napasama sa mga walang kwentang tatanga-tangang mga gago. Sa sobrang talino ko kaya kong tapusin ito mag-isa.

"Edi ibuking na natin si Mira" suhestyon ng tarantado.

"Aba, ang galing galing mo naman!" sarkastikong papuri ng aming lider. "Dada ka ng dada hindi mo naman kayang gawin. Alalahanin mo na under tayo kay Mira ngayon"

Napairap ako sa kanyang sinabi. Wala rin naman siyang naitutulong dito. Hanggang ideas lang siya. Kami ang laging umaaksyon.

"Edi ikalat na natin ang ninakaw nating CCTV footage. Kaya namang iedit ni pimples ang video para mas makatotohanan at para wala ring makakaalam na tayo ang nagkalat" ang kupal talaga nito kahit kailan.

Ang lakas ng loob na tawagin akong pimples akala mo wala siyang ganun.

"Gago! Pag ginawa natin iyon tiyak na malalaman iyon ni Mira. Gusto mo bang patayin niya tayo?" nag-aalalang sambit nung epal kong kasamahan.

Ano nga ba ang silbi ng epal na ito dito? Mamatay ka na nga ugok!

"Bago pa niya magawa iyon, uunahan natin siya" napangisi ang aming lider.

Pagkatapos ng usapan namin ay nagsimula na ulit kaming magplano.

Humanda kayo sa aming paghihiganti...

Nuestra De Santa Muerte.

------

Irene's P. O. V.

"Ari, traydor ka!" naiirita kong sambit. Sumugod ako sa kanila at tinanggal ang kamay ni Detective Evan sa magkabilang braso ni Ari.

WTF! Ang higpit ng pagkakahawak niya kay Ari, nakakainggit ang loka.

Kinuha ko ang palapulsuhan ni Ari at iniwan si Detective Evan sa may principal's office.

Wow her skin is so smooth and soft. What body wash does she use? My skin is getting dry from all the stress I've been getting lately. I should try what she's using.

"What body wash do you use?"

She looked at me dumbfounded "Chanel Coco Mademoiselle foaming shower gel, why do you ask?"

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad. Gosh, snap out of it Irene! Simula nung dumating si Detective Evan naging super insecure ka na. Kapit lang okay? Maganda ka pa rin Irene.

Sa rooftop kami dinala ng paa ko. Tinitigan ko muli si Ari at nakita ang tuyong luha sa kanyang mukha, ngunit isang nakakalokong ngisi ang nagmarka sa kanyang labi.

Hala! What if si Ari ang killer at tutulakin niya ako dito sa rooftop? Omo, omo, I don't wanna die a virgin!

Nangilid bigla ang luha sa aking mga mata. Dumaloy ang takot sa aking buong sistema hanggang sa tumawa ng sobrang lakas si Ari. Napopossess ba ito o may Identity disorder?

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon