Chapter 6: Detective

76 0 0
                                    

Chapter 6

Irene's P. O. V.

"Oh my gosh, is she dead?" gulat na bulong ko.

I suddenly remembered the time when I went to a bar in the US and saw a guy who was lying down the table like this cause he was so drunk, but he looked so hot. I took a picture of him before I left.

Naibalik ako sa realidad ng kutongan ako ni JB.

"Anong tinutulala mo diyan, Irene? Seryoso to, may namatay na teacher. Hindi mo ba nakikita?" nabwibwisit na sermon niya sakin.

"Atleast natulala ako kaysa tumili tulad ni Ari"

"Sino ba namang di matatakot kung makita nila ang patay na katawan ng teacher nila na akala mo buhay pa. I need to inform the dean about this" fear was evident in her tone.

Nagmamadali niyang inilabas ang kanyang cellphone para matawagan si dean.

"Tatawag ako ng ambulansiya" ani JB at naglakad palayo.

So far, dalawa na ang namamatay. This can't be just a coincidence. I think there's a deeper meaning behind all these events.

Hindi man pinapahalata ng mga kaibigan ko ay alam ko ng natatakot sila. Well, nakakatakot naman isiping unti-unting namamatay ang mga tao sa paligid mo. Ano ba ang motibo ng taong gumagawa nito?

Well, there are a lot to mention actually. Marami na akong nakitang estudyanteng may malalaking galit sa school administration at mga estudyante rito. But still, no one in this school has the brains to come up with such perfect crime. It would have to take a genius with a big grudge against the school.

Pinagmasdan ko ang patay na katawan ni Miss Shanen. Ang kadiri tignan dahil sa dami ng dugo na nasa kanyang katawan.

Mayroon pang isang malaking hiwa sa kanyang leeg. Ang mata niya ay bukang buka parin, mistulang nakatitig siya sa amin. Masang-sang ang amoy nito kaya napagtanto ko na medyo matagal na rin itong narito.

Napatigil ako sa pagmamasid sa patay na katawan ng nakarinig ako ng malakas na tili.

"Sara? Sara! Uy gumising ka!" si Claire na nag-aalalang hawak ang katawan ni Sara na nakahandusay sa sahig.

Fuck. Shit is about to get real.

"Anong nangyari?" papalapit ako sa kanilang pwesto.

"Hindi ko rin alam. Nanginginig lang siya tapos biglang namutla at hinimatay" sagot ni Claire, bahid ang pag-aalala sa kanyang tono.

My gosh! Claire didn't even get a hint with Sara's actions. It was clearly obvious that she was shocked and wasn't feeling well.

Medyo slow din pala siya. Akala ko pa naman ay may common sense siya kahit papano. I don't wanna be rude but she is really freaking slow.

"Dalhin na natin siya sa clinic" anang Ron at nagtangkang buhatin si Sara.

"Ako na ang bahala" marahang sambit ni JB. Walang kahirap-hirap niyang ibinuhat si Sara. Dirediretso siya patungo sa loob ng building.

JB is so freaking dumb. Like why can't he just tell her the truth. He acts like such a saint just for her. It's the first time he's ever done this to any girl.

Torpe.

"Susunod ako kina JB" pagpapaalam ni Claire at pumanhik sa direksyong dinaanan din ni JB.

Leche, magpapakathird wheel naman itong si Claire. Panira ng moment.

"Hay Naku, what is happening in this world? Dumagdag pa ang masangsang na amoy mo Irene" pag-iinarte ni Ron.

Aba! Ang kapal ng mukha niyang sabihang mabaho ang reyna ng school. Insecure lang yan Irene! Kitang-kita kasi pores niya.

ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon