Dahyun"WHAHAHAHA!!! Seryoso ka ba dyan?! PFFTTT.." Pagpipigil tawa niya pa. Ang galing ng nakuha kung sagot no?! Pagkatapos kung kabahan ganito nalang?! Nasan ang hustisya? Nasaaaaaannnn!!!!???
"Alam mo, muka kang alien. Seryoso ang tao eh!" Bwisit na to.
"Pffttt. Kami na mga gwapo? Hindi mo kilala? Kakaiba ka nga Dahyun! Taong bundok ka ba?" Aba, anong pinaglalaban nito?
"For your information, Daddy ko ang pang 8th na pinakamayang tao sa buong mundo!" Sabi ko na nakahawak pa sa bewang ko. Aba dapat lang! May ipagmamalaki naman ako eh.
"WHAHAHAHA!!! Alam ko, may tv ka ba sa bahay niyo?" Put---- ogag to ah.
"Malamang! Nakakabadtrip ka na ikaw alien ka ah! Konti nalang bibinggo ka na saakin!" Naguusok ang ilong at tenga kung sabi sabay bunot ng puno at bato sakanya saka naman siya namatay. Syempre joke.
"Ok, for your information Ms. Kim, ang pinaka maarteng babae na nakilala ko, kaming pito ang pinakasikat na artista sa buong mundo. Sa araw-araw na balita, hindi mawawala ang gwapo naming mga muka. At sinabi mo kayo ang pang 8th na pinakamayaman sa buong mundo. Well, kaming pito ang mas nakakataas sa inyo." Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Waaahhh!! Hiyang hiya na ako! Lupa!! Lamunin mo na ako ngayon naaaaa!!
"Edi shing pap pap." Maikli kung sagot bago pa tumunog ulit yung tyan ko. Jusko naman! Mamaya na turn off saakin tong si Alien eh. Ganda ko pa naman!
"Kumain ka na ngalang malapit na mag bell may quiz pa." Gaya ng sinabi niya ay lumamon lang ako ng lumamon na parang wala nang bukas. Wala eh' ganyan daw talaga kapag gutom ang maganda. Tsk..
"Bakit ka nga pala pawis na pawis kanina? At parang may tinataguan ka pa." Naalala ko lang. Parang may mali kasi eh.
"Ahh yun ba? W-wala yun." Ang lakas din ng sinungaling nito eh. Bakas naman sa muka niyang may tinatago nga.
"C'mon, tell me."
"Umm sige na nga. Mukang Wala nang takas eh. Si momo, tinataguan ko. Ang kulit kasi nung brat na yun." Bakit parang ang tagal na nilang magkakilala?
"Wait, Bakit parang ang tagal niyo nang magkakilala?"
"Di ba obvious? Magkamuka kami kapatid ko yun."
Ahh kapatid lang naman pala ehh kala ko naman kung---- WAIT, WHHHAAATT?!! Magkapatid sila?!!!
Ok kalma, ngayon ko lang nalaman eh.
"Ahh, o--" biglang naputol ang sasabihin ko ng may isang babaeng lumabas sa damo na pinag daan din namin papasok dito ni Taehyung. Boy square pala. Ay hindi Alien pala. Ok final Alien.
"Walang hiya ka Alien ka! Bakit mo pinagdadamot saakin ang bestfriend ko!! Papatayin kita kuya!!!" Sigaw ni Momo at agad naman kumaripas ng takbo si Alien na hila ang wrist ko kulang nalang masubsob ang maganda kung muka kakahila niya saakin para matakasan si Momo.
Saktong bell ng makarating kami sa isang madalim na part ng lumang gym. Nakakakilabot naman ditoooo..
"Waaahhhh!!!" Bigla kaming napa talon at tili ni Alien ng bigla kaming kalabitin. Paglingon ko naman ay isang lalaki na pink ang buhok (mukang bading pwe.) at isang lalaking medyo green ang buhok. (mukang badjao.)
"Bakit wala kayo sa klase niyo Taehyung?" Tanong ni kuyang pink.
"Uhm, ahhh,.." Ang tungaks talaga ng alien na to oo!
"Sino ba kayo? At anong pakealam niyo?" Maldita mode 101 on!
"Excuse me miss, ako si RM ang bagong President ng Star University, at si Jin ang Vice President. I guess tama na ang konting kaalaman para sayo. Pumasok na kayo kung ayaw niyong matikman ang first warning ko."
Anong ginawa mo Dahyun!!! Kilala ka naaa!! Baka unang pasukan may record na agad ako!!! Sungit naman ng Badjao na yun.
Agad kung hinila si Alien at nagulat ako ng mag suot siya ng hoodie, sun glass at mask. Ang gwapo niya syyeeettt!!!
Bigla siyang nag tago sa likod ko at sa buhok ko. Siniko ko naman siya sa tagiliran.
"Aray!" Pasigaw niyang sabi ng mahina.
"Anong trip mo!?!" Bulong ko din ng pasigaw.
"Pagkakaguluhan kasi ako kung makikita nila ako. Ayoko ma late at ma rape. Kaya wag ka na mag inart---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya sa sobrang gulat ng may sumigaw.
"SI TAEHYUNG BA YUN?!! Kyyaaaahhhhhh!!!!" Agad namang narinig ng fangirls niya at nagsitakbuhan parang zombie na papalapit saamin. Ano ba mga to, Baka gusto nila akong subukan.
"Stooopppp!!!" Sigaw ko ng mga 5 inch nalang ang lagi nila saamin. Agad naman silang huminto.
"Anong problema mo? Layuan mo nga si Taehyung! Isa kang virus!" Ulol ba to? Batukan ko kaya?
"Nagsalita ang mukang kohol! Pwede ba? Tigil tigilan niyo si Taehyung di niyo ba nakikitang iritang irita yung alien ay este tao sainyo?! Shooo! Alis!" Sigaw ko ng tas noo.
Hah! Kala mo ah! ;)"Hindi pa tayo tapos bitch!" Iritang sabi ni kohol.
"Pwede ba wag ka nang magsalita? Na-aamaze ako eh. Kohol na pangit na may mabahong hiniga pa at hindi lang yan! May lahing hipon pa!" Sigaw ko at saka nag hair flip. Agad namang sumunod saakin si Taehyung.
"Galing mo ah." Sabi ni Taehyung ng todo ngiti pero di ko nalang siya pinansin dahil sa isang bagay na nagpabagsak ng luha ko at wumasak sa mundo ko.
"Daddy." Mahina Kung bulong bago lumupasaysay.
BINABASA MO ANG
Maid ako ng International Badboys (On-Hold)
FanfictionIsang mayaman, maganda, at mala-prinsesang babae. Dumating ang araw na nawala na sakanya ang lahat. Mababawi niya pa nga ba sa tulong ng pagiging isang mapasensyang yaya ng pitong kengkoy na kutong lupa? Forever yaya na nga lang ba siya o mag u-upgr...