MANIBB 4

930 38 0
                                    


Taehyung

Nagulat ako ng biglang lumupasaysay si Dahyun at saka humagulgol. Agad ko naman siyang itinayo.

"Anong nangyayari sayo? May masakit ba? Ok ka lang?!" Nag aalala kung tanong sakanya na umaagos ang luha sa hindi malamang dahilan.

"Taehyung. Nag text ang Tito ko wala na si Daddy." Nanghihina niyang sabi at saka tuluyang tinakpan ang muka at sumandal sa dibdib ko.

"Umuwi ka na muna, ako na bahala sa guard. Kung hindi mo din alam apo ako ng principal dito." Eto lang ang pwede kung maitulong sakanya ngayon. Comfort.

Pinalabas na kami ni Dahyun at hinatid ko naman siya sa bahay nila.

"Thanks Taehyung, paki excuse nalang siguro ako ng mga 1 week." At saka siya bumaba sa kotse ko.

"Ok ka lang ba dyan? Baka gusto mong samahan kita?" Tanong ko, syempre kahit naman alam kung secured tong village nila dapat ko padin siyang bantayan.

"No thanks, ok lang ako sige pasok na ako ah." Huli niyang sabi bago siya sunduin ng mga katulong niya at binuhat ang ano mang bagay na hawak ni Dahyun ni panyo.

Pinaharurot ko na ang kotse ko at dumeretso sa shooting place namin mamaya. Bumili ako ng makakain at saka tumambay.

Napag isipan kung walang tao ang posibleng hindi magkagusto kay Dahyun. Maputi, maganda, matalino, sexy... lahat na meron siya. Ngayon ko lang ulit naramdaman to at napangiti ng ganito lalo na nung time na tinakbuhan namin si momo.

"TTAAAEETAEEEEE!!!!" Andito nanaman ang mga kutong lupa. Magugulo nanaman ang napaka ganda at tahimik kung buhay. Hayop oo.

"Ano ba magsitahimik nga kayo! Ngayon lang ba kayo naka kita ng gwapo?!" Bulyaw ko sakanila at isa isa silang binatukan.

"Asan na yung chic bakit mo naman kinotse ka agad? Di mo na ba afford ang hotel at hindi ka makahingi ng pera kay Lola?" Tanong ni Jimin, aba hindi ako katulad niya bastos.

"Hoy ikaw pandak, hindi ako katulad mo manyakis. Hindi ako kagaya mo na kailangan pa mag pakita ng abs para may lumapit na chic. Kusa silang nabibihag ng kagwapuhan ko." Sabay kindat ko sakanila na nag pawala ng ngiti sa labi nila.

"Mandiri ka nga Taehyung." Sabat ni Jungkook sabay salampak sa sofa ng dressing room ko.

"Get ready guys!" Sigaw ni direct na siyang nag pa karipas ng takbo namin. Kung alam niyo lang amazona si Direct Irene na laging nangungurot ng singit yan mapa babae o lalaki. Asan ang hustisya diba? Asan!? Tapos ang nakaka inis pa yung kinurot niya, mamamaga!

+Fast forward+

"Taehyung! Talaga namang napaka kulit mo! Sabi ko sayo mag bihis ka na para sa next scene hindi yung kinakusap mo pa yung mga insekto dyan! Aminin mo nga?! Abnormal ka ba?!" Aba ako nanaman ang napansin ng babaeng to di ko inaano eh, pa epal :D
At sadyang nagloloko ba ang tadhana, tuwing may tinatanong akong insekto para pakasalan ako lumilipad! Tapos ngayon at hindi lumipad saka niya pa gugilhin ang kasal namin! Talaga namang perpek.

"Oo na Irene! Napaka arte mo maganda ka lang eh, pag ako nainis ipapasakal kita kay RM!" Sana lang hindi takot si rm sakanya.

"Wala akong ginagawa sayo Taehyung! Ikaw ang sasakalin ko hayop ka!" Biglang sabat ni RM. Nako paktay.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tawagin akong Direct Irene para karesperespeto naman! Pero dahil sa sinabi mong maganda ako ok na yun." Naka ngiti pa tong hayop na to mukang aso.

Tatalikod na sana ako para mag bihis ng muli siyang sumigaw.

"PERO!" Bulyaw niya.

"Pero ano?!" Bulyaw ko din.

"Sinabi mong ipapasakal mo ako kay RM diba?" Grabe nakakakilabot ang babaeng to.

"O-oo?" Nauutal kung sabi, Bakit nga ba kasi ako natatakot sa babaeng to?!

"Gusto mo ikaw sakalin ko?" Gamit niya pa talaga ang mala demonyo niyang ngiti sa pag sabi niyan🤞

"D-direct I-re-ne, mag-bi-bihis na p-o ak-o." Nauutal kung sabi.

"BILIS!" Malakas na sigaw niya na nagpakaripas ng takbo saakin at nagpalakas naman ng hagalpak niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng black na earring ng biglang tumunog ang phone ko.

From: 09123456789

Need your help. Dahyun to.

Anong kailangan niya? Saka paano niya nakuha ang no. Ko? Talaga yung babaeng yun may lihim na pag tingin saakin, tsk. Sa gwapo ko ba namang to at sa ganda niyang yun? Walang tatanggi! Kumpara mo kay Irene na napaka brutal at sadista! -___-

-Dewberry❤

Maid ako ng International Badboys (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon