MANNIB 17

913 40 13
                                    


Dahyun

"Waahhh! Teka naman Jin dahan dahan langgg!!" Mapapakapit nalang talaga ako dito eh! Ang sarap karamutin ng salamin! Yung tipong mapapasandal ka sa bilis dahil hindi ko alam kung anong meron dahil nag-uunahan silang pito!

"Tumahimik ka kumapit ka nalang binabanas ako ng mga kengkoy na to eh! Waaahhh!! Hyaaa!! Wooo!!"

Wala akong nagawa kundi napapikit nalang. Parang triggered na triggered to eh ang delikado sumakay! Kung kay Jung-- wala! Erase! Dito ako dapat kung saan inakala kung safe pero hindi palaaa wahhhh :'(

So ang pwesto ng Lola mo ngayon nakasandal sa pintuan at nakatakip ang dalawang kamay sa muka isama mo pa ang itsura kung mukang natatae dahil sa takot.

Makalipas ang ilang minuto biglang bumukas yung pinto ng diko namamalayan kaya't napasigaw ako ng mauntog sa matigas na bagay. Jusko ano kaya tong matigas na to? Pag-angat ng ulo ko nakita ko ang malaking ilong ni Jungkook. Ang akala ng Lola mo eh umaandar yung sasakyan ng bumukas sinong hindi matatakot dives? Pero yung Jawline ang nagdala eh! Ang manly damn it.

Feel na feel ko yung moment ng biglang nagising ako sa katotohanan.

"Okay ka lang ba Babe?" Hindi ko maintindihan pero parang may kumakaripas na baboy sa puso ko dahil ang bilis ng tibok. Inuga ko yung ulo ko delikado na't baka...

"Ahh, O-oo oka-y lang tsaka teka nga. Bakit mo ba ako tinatawag na babe ha?! *Hindi mo ba alam yung epekto niya saakin?! (Pabulong kung sabi)*" Napalunok ako habang hinihintay yung sagot niya. Bakit ba kinakabahan ako?

"E-ehh k-kasi gusto ko eh! Wala ka nang pakealam dun!" Tapos susungitan ba naman ako?! Nakakaloka tong lalaking to!

"Baby lika na dito." Napalingon ako sa likod ni Jungkook at nandun ang kamay ni Tae na nakalahad. Akala ko makakatakas na ako sa awkwardness pero mas awkward pa ata to!

Napansin niyang nag aalangan akong kunin ang kamay niya kaya't hinila niya na agad ako. Mukang nabanas naman si Jungkook at hindila din ako. Omg please wag kayo ngayon maglaro naka wedge ako! WAHHHH ;-(

Hinila ako ni Taehyung kaya't napasandal ako sa chest niya. Omggggg! Hinila din ako ni Jungkook at eksaktong nabitawan ako ni Taehyung kaya't napayakap ako kay Jungkook. Napapikit nalang ako sa hiya at sinubukang alisin yung sarili ko pero mas lalo niyang hinigpitan. Rinig na rinig ko bawat tibok ng puso niya at ramdam na ramdam ko bawat init ng hiningang nanggagaling sa bibig niya. Jungkook! You're driving me crazy!

"Stop acting like she is ALREADY yours. 'Cause I won't mind fighting with you Taehyung." Gulat naman ako duon Jungkook! Pasabog! Ano bang ibig sabihin niya?! Psh.

Napaalis nalang si Taehyung at naunang mag lakad. Halatang banas na banas e dahil parang nag mamartsa. Psh. Ganda ko eh. Tsk. Pinalo ko si Jungkook dahil hindi niya padin ako binibitawan hanggang makapasok kami ng mall. Mukang nabadtrip din naman siya kay Tae kaya binitawan niya na ako at pumaunang maglakad. Bahala sila dyan! Ako NASASAKTAN? Hindi no. HINDI AKO NASASAKTAN! Pwe.

Sumabay nalang ako kay Jin dahil parang nawala ako sa mood. Pinapapili ako ni Jin ng bags, notebooks, shoes at kung ano ano pa pero wala talaga ako sa wisyo dahil wala naman talaga akong kasalanan. Natulog lang naman ako diba?! Diba?!

Dahil pansin ni Jin na wala talaga akong pakealam, siya na ang namili saakin kaya puro tango at ngiti nalang ako. Tinanong din ako ni Hoseok, Jimin, Yoongi, at Namjoon kung okay lang ba ako dahil kahit sino pansin na nawala ako sa mood pero tumango lang ako. Halata namang nag enjoy sila kaya okay na din saakin.

"Dahyunnie, gutom ka? Tara kain tayo!" -Jin. Sana nga gutom lang to dahil pati ako hindi ko naiintindihan ang sarili ko.

"Sige baka gutom lang to." Sagot ko. Tinignan ako ni Jungkook at Taehyung pero agad kung iniwas yung paningin ko. Tsh! Pake ko sainyo mabulok na sana kayo! Sumunod nalang ako kay Jhope na nangunguna. At dahil madaldal siya, hindi niya napigilan mag salita.

"Hoy."

"Ano?"

"Bakit kayo ganyan tatlo? Para kayong tanga. Ang manhid manhid mo--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may kumpulang babae ang nakita niya. Agad siyang nagsignal sakanila at agad silang nagtransform ng parang mga hindi makilala dahil sa mask, cap at jacket. Patakbo na ang mga babae sakanila at nagtago naman sila sa likod ko.

"TAEHYUNG OPPAAA!!!"

"Hobi my loving husband!"

"Yoongi! Laki ng gilagid mo mahal!" Agad naman akong napatawa. Psh gago to ah alaga ko yan!

"Jungkook waaaahhh!!"

"Rapmoan ughhh!" Aba bastos like idol like fan omg. Worldwide Most Bastos. Tsk.

"Jin oppa!"

"Jimin pakagat!" Sabi na eh. Tsk tsk tsk.

Hindi ko kakayanin to jusko! Nagdatingan ang mga guards kaya kahit gutom kami ay sapilitang lumabas. Naman ang swerte ko talaga! Ilang pakikipagsapakan at siksikan pa at sa wakas! Woooo!

Deretso akong sumakay sa sasakyan ni Jin, nag seatbelt at saglitang natulog. Hindi na ulit akong nagkamaling sumandal sa pintuan ng sasakyan dahil u know! Bago ko maramdamang pumasok si Jin ng sasakyan nasilip ko pa silang nag-uusap. Pero wala akong pake dahil nga singlupet ko ang author.

"Dahyunnie, halika na kakain muna tayo." Nag-inat muna ako bago bumaba ng sasakyan. Pumasok kami sa isang mamahaling resto at umorder naman si Jungkook at Taehyung. Tinitigan ko sila at yung babae na tauhan ng resto at muka silang mga higad! SIGE LANG! THREESOME NA THIS!!! PSH. Ano kayang nginingiti-ngiti nila?! Bahala sila dyan!!! Galit ako.

------

HELLO! SO ANO NA HA? HAHAHAHA NAMISS KO KAYO!!! TRIVIA: NORMAL AT BUHAY PA AKO! EKEKEKEKE! ANGULO GULO NIYO PERO MAHAL KO KAYO EHE~
VOTE AND LEAVE A COMMENT HA? PARANG KAILAN LANG UMALIS AKO 1K PALANG AH! PAGBALIK KO WALA PANG UD 4.7K + NA?! YIIIEEE! YUN TALAGA NAG INSPIRE SAAKIN NA KAHIT DI AKO NAG UUD MAY NAGHIHINTAY SAAKIN. SO ETO NAKO FINALLY! NAMISS NIYO AKO? HINDI? AKO DIN HAHAHAHA CHARRT. SO YUN NGA ALAM KUNG BANAS KAYO DAHIL MADALDAL AKO. PARA MANAHIMIK AKO:

Follow me on

IG: _blyknows_
Twitter: engsaymada

Maid ako ng International Badboys (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon