Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.
Shit naman oh!
Pinunasan ko narin ang mga sipon na lumabas sa ilong ko. Pagkatapos non saka ko isinubo ang buong sandok..sandok?
Oo, 'yon ang ginagamit kong pangkain ngayon. Isang mangkok na kanin at isang cup noodles lang ang nakahain sa mesa ko.
Napabuntong hininga nalang ako. May kalakihan naman ang bahay ko. May sala, may banyo, may dalawang kwarto sa taas at may altar. Wala na kong magulang, parehas silang namatay noon tatlong taon na ang nakalilipas. Yung mga kamag anak ko naman nasa ibang bansa na mga feeling rich.
Kaya ngayon mag isa nanaman akong kumakain..dito sa kusina ko..na ako lang.. At mag isa.. Na walang kasama.
Napabuntong hininga nanaman ako. Ang hirap talagang mag isa. Napahagulgol ako dahil sa naisip. Kawawa naman ako. Mas lumakas ang pag iyak ko. Wala akong kasama! Mamamatay na nga ako tapos wala pa kong kasama. Letcheng buhay naman oh!
Pinunasan ko ang nahulog na sipon at sinubo ng buong buong ang sandok na may nakalagay na noodles at kanin. Paulit ulit lang ang pagpunas ko sa pisngi ko at pagkuskos sa aking mata. At minsa'y napapahikbi nalang ako.
Pagkatapos kumain nag punta ko sa madilim kong kwarto.
Binuksan ko ang ilaw at tumambad saakin ang malinis at kaonti lang ang laman na kwarto ko. Naglakad ako papasok at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Maganda naman ako ah. At mala-Megan Fox ang katawan ko. May lahi akong American and half British. Pero wala akong love life. Wala akong natitipuhan sa mga nakikilala kong lalaki.
"Huhuhuhuh!" humagulgol nanaman ako. Mamamatay ako ng walang experience sa sex! Mamamatay akong virgin.
Pinunasan ko ang sipon kong kumalat hanggang labi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Virgin ako. Virgin na virgin. As in wala pa talagang nakakahalik ganon. Kung bakit ba naman kase napakachoosy ko.
Paano na 'to? Ganon ganon nalang? Mamamatay akong virgin?
Hindi! Hindi pwede 'yon! Kailangan maranasan ko rin naman ang sex noh! Bago pa ko kunin ni lord, sana naman may makajugjugan ako.
Oo nga noh. Maganda ko.. Sexy at malakas ang sex appeal. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Oh well, nakamahabang palda ako at longsleeve na turtle neck.
Isa sa mga hindi ko pa naeexperience ay ang malasing. Strict ang parents ko kaya hindi ako pwedeng mag inom. Pero ngayon wala na sila at nasa tamang edad naman na ko.. Bakit hindi ko pa gawin?
Great idea! Pupunta ko sa bar! Aha! Hindi pa ko nakakapasok sa ganong lugar.
Tutal mamamatay narin lang naman ako. Bakit hindi ko pa lubus lubusin? Atleast magiging exciting bago pa ko mawala sa mundo.
Nagbihis ako ng purple na longsleeve na turtle neck at nagjacket ako. Saka kulay yellow na mahabang palda na lampas tuhod. Naglagay ako ng pink na lipstick at nagpulbos. Isinuot ko rin ang shades ko. Para namang maaraw eh gabi na. Pero keri lang para astig tignan.
Okay na. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pumunta na sa HotParadise Bar. Lagi akong napapadaan sa mamahaling bar na 'yon. May mga pera naman ako kaya kaya kong makapunta don.
Pagkadating ko don hinarang ako ng guard.
"Manang, Donation po ba?" sabi nito.
"Aba'y ano pala to eh!" sigaw ko sa body guard.
BINABASA MO ANG
A Deal With The Pervert
RomanceRated SPG (18+) "Lulubus lubusin ko na, mamamatay na rin lang ako.. Gagawin ko na lahat ng mga hindi ko pa nagagawa sa buhay ko."