TYRELL
KANINA pa ako hindi mapakali, bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko? As I tap my phone to call her, hinahanap ko iyong susi ng Vintage Car ko.
"C'mon, Emerald. Pick up the phone." i whispered.
I think I need to go to her. She's not answering my fuckin' call. Nakailang ring na bago mag sumagot. Matinis at padabog ang boses nito.
"Oh, hello, sino ba 'to?!"
"This is Tyrell. Can I speak to Emerald? Where is she?!"
"Kaibigan n'ya 'to! Kasalanan mo pala? Kasalanan mo!" sigaw nito saka binabaan ako.
What? Why? Anong kasalanan? Dali dali akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito papunta sa bahay n'ya. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Bakit nag aalala ko?
EMERALD
"Hinga lang, Emerald." sobrang nanlalambot na ko sa pag habol ng aking hininga. Tuloy tuloy ang pag tulo ng aking luha mula sa aking mata.
Bakit ba ko binigyan ng diyos ng ganitong sakit? Relihiyosa naman ako, naging mabuti akong tao. Pero bakit? Bakit binigyan niya pa ng bilang ang buhay ko?
"Emerald.." ang umiiyak na si Magica ang nakahawak sa aking kamay.
"Bakit ba siya inatake?" tanong nang doctora na kung ano anong sinasaksak sa aming lupaypay na katawan.
"Hindi ko rin alam, Mamsh. B-Basta pag dating ko dito nakita ko na hirap na hirap na s'yang huminga." nanginginig ang boses ni Magica habang kinakausap ang doctora.
Hinawakan ko ang oxygen na nakakabit sa akin at tumulala. Napaka saya lang namin kahapon ni Tyrell. Sobrang saya. Pero bakit ngayon ganito 'yung nangyari? Ano bang gusto ng diyos? Na hindi na ko pwedeng sumaya bago ako mamatay? Ang daya naman eh.
"Emerald, wag kang susuko. Lalandi ka pa." humahagulgol sa iyak itong si Magica.
Hindi ko narin alam ang aking gagawin. Katapusan ko na ba? unti unti akong inantok at nawalan ng malay..
HALOS wasakin na ni Tyrell ang pinto ng bahay ni Emerald para lang makapasok. Kanina pa s'ya kumakatok ngunit walang nag bubukas. Asan na ba kasi s'ya?
Galit na itinulak ng binata ang pinto nang ito'y mabuksan. Malinis ang bahay. Walang ka kalat kalat. Nang pasukan niya ang kwarto, wala ring tao. Nasaan si Emerald? Bakit ba hindi ito sumasagot ng tawag?
Lumabas siya ng bahay at sumakay ng kotse. Hinanap niya kung saan saan ngunit hindi niya ito mahanap. Halos mabaliw siya sa paghahanap at pag aalala kung nasaan ang babaeng gusto n'ya.
Napaluhod na lamang si Tyrell at dismayadong napayuko.
2 WEEKS LATER
"OKAY ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Magica. S'ya ang nakaalalay sa akin ngayon.
"Ano ka ba? Okay na ako ano." natatawang sagot ko.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nong huli kong nakita si Tyrell. Asan na kaya s'ya? Grabe. Dalawang linggo lang akong nasa ospital at kung ano anong nakakabit pero parang taon na ang nakalipas.
Hindi ko na nagawang ma-contact si Tyrell. Wala rin akong panahon. Napagastos pa tuloy ako ng medyo malaki dahil sa nangyari. Pero naging maayos naman na ang aking kondisyon.
"Sure ka ha?" paninigurado n'ya.
"Oo nga, Magica. Thank you." nakangiting sabi ko. Ngumiti lamang s'ya pabalik.
"Hay nakooo! Makauwi na nga. Iwanan na kita sa bahay mo ah. Call call ka nalang kapag may kailangan ka." nagpaalam na agad si Magica at umalis.
Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang aking bahay. Malinis ito. Napangiti ako. Namiss ko ito ah.
Nagpunta akong kwarto at humiga sa kama. Namiss ko rin ito. Napahawak ako sa aking cellphone.
Tyrell...
Inalis ko na ang pagkaka airplane mode ng aking cellphone. Nagulat ako nang makitang ang daming text at tawag. Puro kay Tyrell galing.
'It's been a week, where are you now, love?'
'I miss you. Can u pls call back?'
'I'm going crazy. Hey, please answer ur phone.'
Madami pa at hindi ko na nabasa. Tawagan ko kaya si Tyrell?
Ilang sandali akong nag isip. Anong irarason ko? Bakit ako nawala? Hindi n'ya pwedeng malaman na may sakit ako, baka isipin n'ya responsibilidad n'ya pa at itigil n'ya 'yung deal namin.
Sabihin ko nalang pumunta kong probinsya namin.
Excited akong nag tipa ng cellphone at tinawagan s'ya. Naka sampung tawag na ata ko bago siya sumagot.
"Tyrell.."
"Who's this?" isang tinig ng isang babae ang narinig ko.
Bigla akong kinabahan. "Ikaw, sino ka? Asan si Tyrell?" mataray na wika ko.
Humalakhak ang babae. "Hon, may tumatawag sayo?"
Kusang tumulo ang aking mga luha. Hon? Honey? Iyon ang tawag sa akin ni Tyrell.
Bakit ang bilis naman n'yang nakahanap ng iba? Pinatay ko na agad ang tawag. Pinakalma ko muna ang aking sarili. Mali ito. Mali. Hindi ako dapat na masaktan. So, ano ngayon kung may iba na s'ya? Madami pa naman jan?
Pilit kong pinigil na umiyak. Maghapon nalang akong nahiga at natulog. Siguro mawawala rin ito. Sana..
Papatulog na ko nang biglang may pumasok sa aking isipan. Bar?
Okay. Bar.
Author's Note: Hi, mga luvssss!! Thank you sa mga nag cocomment sobra akong ginagahan sainyo huhu 😍 Thank you sa mga sumusuporta parin hanggang ngayon 😊Comment lang kayo o kahit mag message wag kayo mahihiya pwede n'yo kong maging kaibigan! Love u all 💖Sana mag vote, comment and follow me kayo😇
BINABASA MO ANG
A Deal With The Pervert
RomanceRated SPG (18+) "Lulubus lubusin ko na, mamamatay na rin lang ako.. Gagawin ko na lahat ng mga hindi ko pa nagagawa sa buhay ko."