TATLONG ARAW na atang di nag paparamdam si Tyrell. So, ano na? Magaling na ko,Ty. Asan ka na ba?
Ni hindi manlang s'ya magtext o tumawag. Tsk.
Dahil katatapos lang ng trabaho ko sa opisina, dumeretso muna ako sa isang maliit na market. Bibili ako ng groceries ko.
Sa pagmumuni muni bigla akong may nabangga. "Sorry!" wika ko sabay pulot sa mga binili ng lalaki. Hindi ko naman kasi s'ya nakita at nakatulala ako sa mga bilihin.
"It's okay." baritonong boses ang narinig ko. Napatingin ako sakanya. Gwapo 'yung lalaki, mukang may kaya at may katangkaran rin.
"Nako, sorry talaga naniningin kasi ako ng bibilhin ko eh." medyo nailang ako kase nakatitig s'ya.
"Okay lang, Miss." nginitian n'ya ko. Nahihiya akong ngumiti saka s'ya nilagpasan at ipinagpatuloy ang pamimili.
Bitbit ko ang kahon habang naglalakad papuntang parking lot. Grabe, ang dami ko palang nabili. Ang bigat tuloy.
"Ako na magbuhat." aroganteng boses ang narinig ko. Isahang kamay nabuhat na agad n'ya.
"Tyrell?" nangunot ang noo ko. Namewang ako sa kanyang harapan.
"Buhay ka pa pala?" sarkastikong wika ko sakanya. Ngumisi naman ito.
"Oh, sugar. May I remind you na hindi kita girlfriend para hanapin ako." natatawang sabi nito. Bigla akong napakurap.
"Unang una, wag kung ano ano ang itinatawag mo sakin. Pangalawa, hindi kita hinahanap jan, kapal mo! Nagtaka lang ako." inirapan ko s'ya at akmang kukuhanin na ang kahon na pinamili ko.
Hinawakan n'ya ko saaking kamay. Saka siya pumantay saaking mukha. Nikawan n'ya ko ng halik. Hindi ako agad nakaiwas.
"Bastos ka talaga!" inis sa sigaw ko. Tumawa s'ya. Pati pagtawa n'ya gwapo.
"Sorry na po. May inasikaso lang ako sa business ko." ginulo n'ya ang buhok ko at hinawakan muli ako sa kamay.
Buong paglalakad papuntang sasakyan niya ay pinipigil ko ang aking pag hinga. Ngayon ko lamang naranasan ito. Ang makipag holding hands. Nakakailang pala pero nakakakilig kahit na hindi ko naman gusto ang lalaking na 'to.
Inihatid niya ko sa bahay. Saka siya nag paalam na uuwi na s'ya. Kahit pa wala na s'ya nakatulala parin ako. Ano bang nangyayari saakin?
TYRELL
"ARE you inlove, hijo?" tanong ng mayor doma ng aming mansiyon na si Nana Alma.
"What? No fuckin' way, Nana." hinampas niya ko sa ulo. Urgh! It hurts.
"Huwag kang nagmumura sabi sa harapan ng pagkain. Bigay iyan ng diyos." she strictly said.
Nana Alma is my nanny when I was a kid. She is my grandmother's bestfriend and becomes our maid.
"Whatever." masungit na sagot ko.
"Natutuwa lang ako at dumalaw kang muli sa mansiyon ninyo, anak. At ngayon parang ang liwanag ng iyong mukha." nangiting wika nito saakin.
"Uuwi rin ako mamaya, Nana. Nakikain lang ako. I just missed your sinigang." sagot kong muli.
"At Nana, paano mo naman natanong na inlove ako?" takhang tanong ko. Ngumiti siya at naupo saaking tabi.
"Kabisado kita kapag masaya ka. Nagnining ning ang iyong mga mata. May girlfriend ka na siguro kaya ka masaya?" pagbibiro nito. "Ipakilala mo naman saakin ang malas na babae na iyan."
"Nanang! Anong malas? I've got the looks and brain and money and I have everything that every girl's dream about Boys. I'm perfectly perfect." maangas kong sabi. Tumawa ang matanda.
"Eh ayan." itinuro n'ya ang aking dibdib. "May laman ba 'yan?" nangiting sabi n'ya.
Hindi na lamang ako sumagot. Bahala ang matanda. Tinapos ko kaagad ang pagkain at aalis narin ako.
"Hijo." tawag saakin ni Nana Alma.
Bored akong lumingon sakanya. "What?"
"Ang puso ha? ingatan.. kung meron man." ngumiting muli saakin si Nana. Tumango lang ako. At akmang aalis na nang bigla siyang magsalita.
"Minsan ka nang nagmahal, Señiorito Tyrell. Ingatan mo na ulit ang puso mo."
and that made me stop.
BINABASA MO ANG
A Deal With The Pervert
RomanceRated SPG (18+) "Lulubus lubusin ko na, mamamatay na rin lang ako.. Gagawin ko na lahat ng mga hindi ko pa nagagawa sa buhay ko."