Chapter 8

4.5K 51 1
                                    

"HI LOVE." napahinto ang pakikipag usap ko sa mga kliyente kong babae, mga resellers ng paninda kong damit,  nang dumating si Tyrell at hinalikan ako sa pisngi!

Napatulala naman ang mga kabataan nang makita siya. Halos lumuwa ang mga mata nito at kay Tyrell lang nakatingin.

Nakaramdam ako ng pagkairita sa mga batang ito. Mga nene palang natututo nang lumandi!

"Umalis ka nga dito! Dun ka, shooo!" pagtataboy ko sa gwapong lalaki. Nagbulong bulungan ang mga babaeng nasa harap namin.

Kala mong pusa kung makalampong sa akin itong Tyrell na ito. Humarap muli ako sa mga dalagang nakatitig hanggang ngayon kay Tyrell.

"Ate, anong pangalan ni Kuya pogi?!"

"Ano pong pangalan n'ya sa facebook??!"

"Ahhhhh!! Ang gwapo n'yaaaa!"

Tinignan ko ng masama ang mga malalanding babaeng ito. "Taken na 'yan, akin na 'yan! Malalanding 'to!" pagtataray ko.

Nang makaalis ang mga resellers ay nagpunta na ko sa pwesto kung saan nakaupo si Tyrell. Nakaupo ito ng parang tinatamad at nakataas ang paa sa lamesa.

"Ibaba mo nga 'yang paa mo!" pagsusungit ko. Hindi ko alam kung bakit naiirita ko sakanya.

"I missed you.." agad akong niyakap yakap nito at hinalikan sa leeg.

"Ane ber kelende mew!" pabebeng itinulak ko ang Tyrell na malandi.

Hindi na nakapag tataka bakit pila pila ang mga babae dito sa pagbili. nakakapang init ng ulo!

"Umuwi na nga tayo magsasara na ko ng pwesto ko!"

Napaka lagkit ng tingin nila kay Ty. Pero kahit isang tapon ng tingin hindi n'ya ginawa dahil sa akin lang siya nakatitig huahuahuahua! Napaka haba ng buhok ko!

Madaming babae ang nadismaya nang isara ko na ang tindahan. Pero wala naman akong pake sakanila eh!

"Let's go." nakangiting sabi ni Tyrell. Humawak siya sa kamay ko.

"Uuwi na ko, san tayo pupunta?"

"Surprise." kinindatan niya ko. Sobrang bilis nanaman ng puso ko.







NAPANGANGA ko nang makita ang malalaking rides. Enchanted Kingdom? Napahiyaw ako sa excitement!


Ngayon lang ako nakapunta dito! Kahit kailan di ako naipunta nila mama. Para akong bata na nagtatakbo at hinihingal na huminto saka tinitigan lahat ng magagandang nakikita ko.

Tumingin ako sa kasama ko, si Tyrell. Nakangiti lamang s'ya at nakatitig sa akin.

Bigla ko s'yang niyakap ng mahigpit. Pumikit ako at dinama ang init ng kanyang katawan. Bakit pinaparamdam sa akin ni Tyrell ito?  Iyong pakiramdam na may pamilya na ulit ako.

"Salamat.." mangiyak ngiyak na sambit ko. S'ya naman ay parang hindi makagalaw. Ngunit niyakap n'ya rin ako.

"Welcome, hon. Always." kumalas na ako ng pagkakayakap at tinignan s'ya sa mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,  parang sumisipa. Hindi dahil may sakit ako sa puso. Kundi dahil sa lalaking ito.

"May nagawa ka, na kahit kailan hindi nagawa ng mga magulang ko o ng kahit kanino para sa akin." tumingkayad ako para mag pantay ang aming mukha at para..  maabot ko ang kanyang labi.

Hinalikan ko si Tyrell!

Parehas kaming namumula. Aalisin ko na sana kaso hinawakan niya ko sa ulo at mas idiniin ang halik. May mga taong tumitingin pero wala kaming pakielam.

Nasa isip ko kaming dalawa lang ni Tyrell. Naghiwalay ang aming labi at parehas kaming hinihingal.

Ngumiti s'ya ng malawak saka hinila ako, "Let's go!"

Una naming pinuntahan ay iyong Space Shuttle. Medyo napalunok pa kaming dalawa. Nagkatinginan kami ngunit nagkangitian rin.

"Baka naman takot ka jan ang laki laki mong tao!" biro ko.

Kumunot ang kanyang noo ngunit siya ay nakangiti. Ang gwapo. "Hindi ah!" hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makasakay kami. Magka holding hands lang. Pakiramdam ko kami na talaga. Kami na kaya?

Naputol ang aking pag iisip nang gumalaw na ang ride. Napa hawak ako ng mahigpit sa kanyang kamay.

"Don't you worry, love. I got you." at dahil sa mga sinabi n'ya na 'yon. Tuluyang nawala ang takot ko.

Nag umpisang umandar, mahina muna sa una. Napapatili ako paminsan minsan pati rin s'ya. Parehas kaming tumatawa.

"AHHHHHHHHH!!!" puro sigawan, tawanan. Hindi ko alam na iyong nakakatakot na bagay, tatawanan ko nalang kapag kasama ko s'ya. Ma eenjoy ko nalang pala.

Nang bumaba kami sa ride na iyon parehas kaming nanginginig ang tuhod at nang lalata. Pero parehas rin kaming tumatawa.

"So, what's next?" tawang tawa na sabi n'ya.

"Ahhhh, doon!" itinuro ko iyong paramg bangka na gumagalaw.

"Anchor's Away?" sagot n'ya.

"Taraaaaa!" sumakay nanaman kami. At syempre, nagsisigawan nanaman. Sobrang saya. Sobrang saya ng puso ko. Punong puno.

Pagkatapos sa Anchor's Away, kung ano ano pang sinakyan namin. Kumain rin kami ng kung ano anong tinda sa paligid.

Nauwi kami sa paglalakad lakad. Habang kumakain ng hotdog.

"Ang saya rito, ano?" masayang sambit ko.

"It is because I am with you." napangiti ako sa sinabi n'ya. Masaya nga s'yang kasama. Hindi ko makakalimutan 'to.

"Echosero!" natatawang sabi ko.

"I missed this place." nakangiti s'ya habang nakatingin sa kawalan.

Bigla akong nagkaroon ng kutob. "Dati ka nang nagpupunta dito?"

Ngumiti s'ya ng bahagya at parang may iniisip.

"Yeah." bigla akong nadismaya. May iba s'yang kasama na nagpunta dito? Parang kumirot ang puso ko.

"S-Sinong kasama mo?" nakatitig lang ako sakanya. Pero s'ya? Ngumiti lang.

Hinawakan n'ya ang kamay ko, at hinatak papunta sa isa pang ride. Iyong malaking Ferris Wheel. Napangiti ako sa ganda nito. Nakita namin ang isang lalaki na parang bantay dito.

"Sir Tyrell? Kayo na ho ba iyan?" gulat na tanong ng  medyo may katandaan na lalaki.

"Kamusta, kuya kikoy?" nakangiting bati ni Tyrell. Kakilala n'ya?

"Okay lang po. Eh kayo po kamusta? Teka— asan po si Ma'am Calliya?"

Saka ako tinignan ng lalaki. Nakangiti ito. Hindi sumagot si Tyrell,  nanahimik lang s'ya.

Calliya?

"Sasakay na kami, kuya." nilagpasan nalang namin ang lalaki. Hindi mawala sa isip ko. Sino iyong tinutukoy ni Kuya Kikoy na Calliya?

S'ya ba 'yung kasama ni Tyrell dito?

Nagiging masaya rin ba sila gaya ng ganito?

Ang kaninang puso ko na masaya.. Ngayon pakiramdam ko wala nang kabuhay buhay..

A/N: Vote, Comments and follow me for the next chapter 😊 Thank youuuu!

A Deal With The PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon