Chapter 13

3.1K 47 26
                                    

ANO BA IYON? May naaamoy akong mabango? At bakit parang ang bigat ng bewang ko? Pagmulat ko ng aking mata, mukha agad ni Tyrell ang nakita ko. Napangiti ako nang makita s'ya at muling pumikit at dinama ang pagkakayakap n'ya sa akin—Teka?!

Mabilis akong bumangon at lumayo sakanya. Bakit s'ya nandito?! At bakit s'ya nakayakap sakin? Ang pagkaka alala ko..

"Sorry... " bulong ni Tyrell. Nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.

Kung sana magaan lang 'yung ginawa n'ya, mapapatawad ko s'ya. Pero binaboy n'ya ko eh. Hindi ibig sabihin na may gusto ako sakanya eh ginusto ko na iyong nangyari.

Gusto ko si Tyrell? Hindi naman s'ya mahirap magustuhan. Napaka gwapo n'ya, iba 'yubg gwapo n'ya para sakin. Tapos ang ganda ng katawan. Tapos ayan, ayang mga pinag gagagawa n'ya para lamang masuyo ako.

"Pakyu." bigla ko s'yang sinampal at tinalikuran. Ang huling naaalala ko nakatulog ako sa aking kama.

Ngunit bakit andito itong kumaw na ito? Baka pag samantalahan na naman n'ya ko. Hinampas ko s'ya ng unan, napabalikwas naman siya sa ginawa ko.

"EMERALD!" sigaw n'ya pagkabangon.

"Anong ginagawa mo dito?!" pinagsisipa ko s'ya hanggang sa mabagsak siya sa lapag.

"Chill, let me explain." saka ko lang napansin na may pagkain sa lapag. Mukang kanina pa naluto.

"Bakit ka ba nandito?" masungit na tanong ko.

"I was just checking on you. Baka kasi may mangyari na naman." kinuha n'ya iyong breakfast, "and this one's for you." ngumiti s'ya ng matamis.

"Kanina ka pa ba dito?"


"Nope. Actually, kagabi pa ko. Doon ako natulog sa sofa. " nag init ang ulo ko sa sinabi n'ya.

Ano bang karapatan n'yang matulog dito?

"Ang kapal rin ng mukha mo ah! Lumayas ka!" hinablot ko s'ya sa kanyang damit at hinilahod. Pumayag s'ya na ganituhin ko s'ya? Imbis na magalit ay tuwang tuwa pa ito na tumatawa kahit halos na masakal na.

"Baliw ka talaga eh, 'no?" inis na tanong ko. Pero bakit ba ang cute n'ya tumawa?

"Baliw na baliw sayo.." sabay kindat.

Pasimple akong nangiti at tinalikuran s'ya. "Umalis ka na! Pagbalik ko at andito ka pa, hahampasin kita ng walis. " kahit na alam ko namang balewala ang walis sa malaking katawan n'ya.

Kinuha ko ang niluto n'yang breakfast para sakin. At nagpunta ko sa dining.

Mmm.. ang sarap naman ng luto ng damuhong 'yon. Ganado akong kumakain nang marinig ko s'yang kumakanta.

"Hi, hon." bati n'ya saka ako kinindatan! Nasamid ako sa sariling laway. Bakit ba kasi s'ya ganyan?

"Ikaw nga lumayas ka dito! Wala kang karapatan sa akin! " ngunit balewala lang siyang naupo sa aking harapan habang pinagmamasdan ang aking pag mumukha.


Bigla tuloy akong napahanga sakanya itsura, napaka gwapo nito. Magulo ang buhok, namumula ang ilong at pisngi, napaka kinis ng mukha —ano kayang skincare n'ya? Ang haba rin ng kanyang pilikmata. At ang ganda ng hubog ng kanyang katawan sakanyang damit na fitted sando na top at boxer.

Napalunok ako nang bigla syang ngumiti at kumindat.


"You look so beautiful, hon." nag init ang aking pisngi sa tawag niya sakin. Ngunit napalitan agad ng inis.

"Lumayas ka na nga!" sigaw ko sakanya. Na-conscious ako sa pagtitig n'ya sa mukha ko.


Ilang minuto kaming ganon ang pwesto, nakatitig lang s'ya sakin habang ako naman ay dahan dahan at pabebeng napapasulyap sakanya paminsan minsan.


Salamat naman at natapos rin akong kumain. O baka sinadya ko naman talagang bagalan para magkaharap kami?


Pagkatapos ng pagkain ay nagtungo na ako kaagad sa banyo upang maligo. Matagal at linis na linis ang aking katawan nang lumabas dito.


Namili rin ako ng magandang damit at magmakeup ng kaonti. Magpapapansin talaga ko sakanya. Eh kasi naman, nahihiya ako at sobrang gwapo n'ya, tapos ako? Mukha akong pigsa.


Excited akong bumaba at kunwaring dedma lang, ngunit wala akong naabutan.


"Tyrell?" tawag ko. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?


Naglakad ako papuntang kusina ngunit wala s'ya doon, wala rin s'ya sa banyo, umaasa akong nasa labas siya at baka nagdidilig sa akong munting hardin ngunit wala rin.


Wala narin ang kanyang sasakyan. Napabuntong hininga ako sa aking pinag gagawa.

Ang paasa naman n'ya. Susuyuin n'ya ko at lalambingin, pero bakit ngayon wala na s'ya? Hindi kaya ay nag sawa na sa kasungitan ko?


Pero kung iisipin, kahit baliktarin ang mundo. Ginahasa n'ya ko. Sinaktan n'ya ko. At hindi excuse ang gusto ko s'ya at gwapo s'ya para mapatawad ko.


Rape is rape. At madaming babae ang nakakaranas o nababastos dahil sa mga kalahi ni Tyrell. Isa rin sa aking dahilan kung bakit hindi ako pumapasok sa isang relasyon, ay dahil takot ako sa lalaki.


Napaupo ako sa aking sofa habang iniisip iyong nagawa sakin ni Tyrell.


Gusto ko s'ya, pero hindi sapat para mapatawad ko. Pero bakit ginagawa ko ang bagay na 'to? at para bang nabibighani na naman ako sa kanyang gawain.


Ngunit biglang pumasok sa aking isipan ang nalalabing oras ko.



Lord? gets ko po na binigyan n'yo na ko ng jojowain, pero may nagawa s'yang mali at mahirap patawarin. Sana manlang bago ninyo ako kunin, maranasan ko yung tunay at masarap na pagmamahal.


Bakit ba kung sino pa yung taong nangangailangan ng pagmamahal ay sila rin ang hindi nabibigyan? May mga taong meron na ngang nagmamahal sakanila, lolokohin at iiwan pa nila? Hindi ko maintindihan.


"Tyrell, kaya mo ba talaga kong mahalin?" wala sa sariling tanong ko.


Posible ba na ang katulad ni Tyrell, na sinabi n'yang mahal n'ya ko, posible bang mahal n'ya talaga ko?




Handa na kong tumayo at umalis nang may magsalita galing sa pintuan. Bagong ligo at seryoso ang kanyang mukha.


"A-Anong sabi mo?" wika ko. May bahid parin ng gulat ang aking mukha. Bakit kasi nand'yan s'ya?




"I said, yes, yes I can. I love you, I really do.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Deal With The PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon